Nakaupo ako ngayon sa bangko na sira, sa bakanteng lote na meeting place namin ng mga walang hiya kong kaibigan.
GCka Soho😠
°Active
Today 9:15 AM
Queenie
Sa bakanteng lote nalang?Leila
Oo, dun na.Queenie
Sigeeee.Angel
Tapusin na natin yung film dun.
11 AM magkita kita.Mary Grace
Ok.
Today 11:10 PM
Mary Grace
San na kayo guys? Andito na ako.Angel
Luh. OTW na ako.
Mary Grace
Otw sa banyo gel? -_-#
Angel
Oo e, mwehehehe.Queenie
Ako din, suriLeila
Magpapalit na ako.- -
Kita mo, may pa 11-11 pang nalalaman e. Kainis. Inilibot ko ang aking paningin sa bakanteng loteng kinaroroonan ko. Malayo ang mga bahay na nandito, mapuno rin ang lote sa may parteng likuran. Tapos mag isa lang ako dito. Well may mga dumadaan daan namang tao. Wah. Pero nakakatakot parin.
"Uy babe naman. Enebee!"
"Sige na kasi babe. Isa lang."
Napalingon ako sa dumaan na magjowa. Abugh. Anlantod may pa himas himas pa sa braso si kuya ha! Grrr. Buti nalang talaga lumagpas na sila sakin kundiiii jusqqqqq baka masigawan ko sila.
So sobrang inis ko ay pumunta ako sa likuran nung lote kung saan may mga puno at damo.
"WALA AKONG JOWAAAAAA! WALAAAAA! BAKIT WALAAAAAAAAA! AHHHHHH! NAKAKAINESSSSSSSSSSSSS!" sigaw ko habang nakasarado ang aking kamao. Grr. Nanggigil ako e. 4th year college naman na ako. Legal narin. 23 na ako dai! Pero wala paring jowaaaaaaa------
"Bat ba ang ingay mo? Kung gusto mo ng jowa, sana sinabi mo sakin jojowain kita."
Napalingon ako sa nagsalita. Natanaw ko si Marc, crush ko, na nakasandal sa gilid ng isa sa mga puno. Magulo ang buhok nito at nakasimangot.
Oh. SHETTTTTT.
YOU ARE READING
Short Stories
De TodoHey guys! This is my TagLish One Shot Compilation. If you're familiar with Lauvy Saille or Mys Mesaia on Facebook, I'm her. Hope you enjoy!