'Larawan'

112 3 0
                                    


'Larawan'

Nakatingin ako sa larawan ko na nasa library ng school namin. Kasama ng larawan kong iyon ay ang achievements ko katulad ng medals at trophy.

"Bes ang ganda niya no?" napalingon ako sa nagsalita. Babaeng chinita na maiksi ang buhok.

"Oo nga bes, ang ganda niya tapos ang talino ang daming medals oh!" bilib na sabi ng kasama nitong babae na rebonded ang buhok.

"Maganda nga malandi naman." napalingon ako babaeng nagsabing malandi ako. May kulay pula ang buhok nitong mahaba at halatang maldita.

"Ay. Bakit po malandi?" taong nung chinita.

"Boyfriend niya si Aaron yung gwapong valedictorian ng batch nila pero nagpagalaw siya kay Rico, yung leader ng fraternity dito sa school. Pinagpalit niya yung matinong boyfriend niya sa tarantadong lalaki. Tsk. Ang sabi pa ni Rico inaya daw siya ni Faith makipag-sex, yang babaeng yan. " dinuro niya ang larawan ko.

"Hala. Grabe naman."
"Ang landi nga, ate."

"Nalaman ng mama niya yun, teacher din kasi yung Mama niya dito, kilala niyo si Ma'am Villa? Mama niya yun. Nalaman kasi nung mama niya na nagpagalaw siya kay Rico. Tapos nung pinalayas siya ng Mama bigla nalang siyang nawala ng parang bula. 2 years na ang nakakalipas pero ngayon hindi parin siya nakikita. Siguro nag asawa na yun, "

Hinde! Napaupo ako sa sahig at napahagugol. Unti uniting bumalik ang alaala ko.

"PESTE KANG BATA KA PINAHIYA MO AKO WALANGYA KA! LUMAYAS KA WALA KANG KWENTA!"

"Ma please maniwala po kayo. Ni-rape niya ako Ma! Blinackmail niya ako! Ma! Please!"

"PUNYETA KA! WALA AKONG ANAK NA MALANDI." tinapon niya sakin ang bag kong naglalaman ng damit ko at pabagsak na sinarado ang pinto.

San na ako pupunta ngayon? Ayaw maniwala sakin ni Aaron, wala naman akong tunay na kaibigan. Jusko po. Hindi ko napansing nasa liblib na lugar na pala ako dahil sa mga iniisip ko habang umiiyak.

"Faith." napalingon ako sa nagsalita. Si Rico, agad akong kinabahan at tatakbo na sana ngunit may humarang sakin. Lima sila!

"Please R-rico. Nagmamakaawa ako."

Hindi siya nakinig, hindi sila nakinig. Hinawakan nila ako at inihiga sa damuhan. Ginawa nila ang gusto nila sa katawan ko habang ako'y humahagulgol.

Habang binababoy nila ako ay nauntog ang ulo ko sa bato, unti unti akong nanghina ramdam ko ang unti unti pagkawala ng hininga ko ngunit patuloy parin sila.

Short StoriesWhere stories live. Discover now