'Inspirasyon'

100 3 0
                                    

'Inspirasiyon'

Nakatutok ang atensyon naming lahat kay Sir Romero ng biglang bumukas ang pinto ng classroom namin.

Matangkad, matipuno ang katawan, may itsurang lalake ngunit kapansin pansin ang itim sa ibaba ng mata nito.

May laslas din siya sa magkabila niyang pulso. Hindi man siya nakahubad ng kanyang pantaas ay alam kong may tahi ang kaniyang tiyan dahil sa saksak, saksak na siya mismo ang gumawa sakanyang sarili.

"Mister Escobar! You are late again. Kailan ka ba magtitino ha?" pumaibabaw ang boses ni Sir Romero ngunit parang wala lang sa lalaki, umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko at humilig sakanyang lamesa.

Matutulog nanaman siya. Hindi na siya nag aaral ng mabuti. Pinapatay niya pa ang sarili niya. Naglalaslas siya at hindi lang yon dalawang beses na niyang sinaksak ang kanyang sarili. Hindi niya lang alam na may isang taong inspirasiyon siyang mabuhay, ako iyon, tapos papatayin niya lamang ang kanyang sarili.

Short StoriesWhere stories live. Discover now