'Hanggang dulo'

112 4 0
                                    

'Hanggang dulo'

"Mahal koooooooo! Sorry talaga please wag mo kong iwan?" naluluha akong tumitig sakanya.

Hinalikan niya ako sa pisngi at nginitian tsaka nagsalita.

"Mahal, hindi sapat na rason ang pagiging late mo sa date natin para iwan kita. Hahaha. Okay?" tinignan niya ako sa mata.

"Talaga mahal ko?" tanong ko pang muli. Tumango siya kaya napayakap ko nalang siya. Ang swerte ko talaga sakanya.

~*~

"Mahalll ko Omaygosh sorrryyyy. Sorry talaga." natapon sakanya ang juice na iniinom niya dahil ang kulit ko. Argh! Kasi naman eh! Bat kasi ang kulit mo Vhayne!?

"Mahal, kalma. Okay lang don't worry." ngumiti siya at pinunasan na ang t-shirt niya.

~*~

"Mahal okay ka lang ba? Bat ang tahimik mo? Namumutla ka pa oh. May problema ba? Iiwan mo ba ako?" alam kong hindi siya okay. Pero isiningit ko paring itanong kung iiwan niya ako.

Siguro dahil iniwan na ako ng pamilya ko. 6 yrs. old ako ng iwan ako ni Papa, tapos si Mama nagkasakit ng breast cancer na naging dahilan ng kanyang pagkamatay nung 15 ako tapos si Ate naman nag asawa na at pinabayaan ako pagkatapos na pagkatapos ng burol ni Mama.

"Wala mahal. Wag kang mag alala."

~*~

"A-ano? Iiwan mo na ako?" napaatras ako sa nalaman. Nakipagkita saakin si Vince para sabihing maghiwalay na kami.

"A-akala ko ba h-hindi mo ako iiwan?" nanlalabo na ang paningin ko habang patras ako ng paatras.

"I'm sorry mag break na tayo Vhayne." seryosong sabi niya.

Umiling iling ako at tumakbo. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa may narinig akong busina. The next thing I knew nakahiga na ako sa gilid ng daan. Ramdam ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking noo.

"Vhayne! Vhayne!" napalingon ako sa bultong papalapit saakin, si Vince. Kasunod nun ay ang pagsigaw niya. Namimilipit siya sa sakit. Nang imulat ko ng maayos ang aking mata ay nakita kong nakahawak siya sa kanyang puso. Kasunod nun ay naramdaman kong may hinawakan niya ang aking kamay.

"V-v-vhayne, m-m-ahal k-kita." ang huling sabi niya bago bumagsak sa sahig. Mahal niya ako. Napangiti ako, ayaw niya akong iwan.

"M-m-ahal d-din k-kita." ani ko habang unti unting bumigat ang talukap ng aking mata.

Short StoriesWhere stories live. Discover now