Happy Pill

71 4 0
                                    


Nanonood ako ng movie sa laptop ko ng biglang tumunog ang notification ng messenger ko. Shet di ko pala na off data ko.

Inabot ko ang cellphone ko na nasa tabi lang ng laptop at binuksan ang chat head na nagpop up.

Nicole Sanchez
Active Now

Ipasa mo to sa lahat ng happy pill mo.

Napangiti ako sa nabasa. Yie. Happy pill daw niya ako oh. Pinause ko muna ang movie na pinapanood ko at humiga sa kama ko.

Nagreply ako sakanya ng same message na pinasa niya saken. Katulad nga ng nakasulat sa message ay pinasa ko ito sa mga happy pill ko, sa friends ko, sa family ko sa-- napatigil ako sa pags-scroll down ng makita ko ang pangalan niya.

Code Sumbilio
Active

I was tempt to send the message kaya pinaste ko sa message board niya yung text. Tinitigan ko ito.
Ano kayang reaksyon niya kung isesend ko to?

[/*ring ring

Nicole Sanchez is calling you.

Accept Decline

I accepted the call.

"Hey girl! Papasa naman yung irereview sa Physics, nasayo diba?" narinig kong sabi niya sa kabilang linya.

"Oo. Sige ipapasa ko sayo." I replied.

"Sige sige. Thank youuu." then she ended the call.

Magrereview pa pala ako ng Physics. Kainis naman. Ahhhh!!! Nagpagulong gulong ako sa kama. Pagkatapos ay humiga ulit ng maayos at tumingin sa cell phone ko.

"OMAYGHADDDDD!! WHAT THE JUICEEEEEEEEE??"

Shet. Shet. Shettttt. Nasend yung message koooo kay Code . Wahhhhhh! Ang tanga mo Faynaaaaa! Argh!!

Agad agad kong dinelete ang message ko na naglalaman ng 'Ipasa mo to sa lahat ng happy pill mo.' WAHHHHH! NAKAKAHIYA JUSMIYO!

Kahit na na-seen niya na ang message ko ay dinelete ko parin. Antanga ko talaga. Gash.
Niyakap ko ang unan ko at sumigaw.

"NAKAKAHIYA KA FAYNA JUSKOOOOOOOOO!!!"

[/*ting
*ting
*ting

Napapitlag ako ng tumunog nanaman ang notif ng phone ko. Tatlong sabay sabay na tunog. Agad agad ko tong tinignan at halos nanigas ako sa aking nabasa.

Code Sumbilio
Active Now

Yesterday 11:15 AM
👍

Today 7:15 PM


Fayna removed a message
7:18 PM
Bat mo dinelete?
Nawrong send ka?
Pano ka ba kasi mapasaya? Hindi ba sapat yung rason na gusto din kita?

Short StoriesWhere stories live. Discover now