part1

339 0 0
                                    

CHAPTER 1

S T R A I G H T

║▌│║▌│█║ P U M S ║▌│║▌│█ 

By Joemar Ancheta

    

Ako si James. Lumaki ako sa

isang istriktong pamilya. Naikintal sa

bubot kong isip ang tama sa mali, ang

katanggap-tanggap at bawal at ang

pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis

sa ating totoong pagkasino. Sa madali’t

salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla

at nandidiri akong mailapat ang kahit

anong bahagi ng katawan ko sa kanila.

Naiirita akong nakikita sila kahit wala

naman silang ginagawang hindi maganda

sa akin. Basta kung may palabas sa

pinapanood kong bakla, napapamura ako

sa kanilang mga ikinikilos. Napapadura

ako kapag may nakakasalubong akong

alanganin. Kung may tumititig sa akin ay

kulang na lang murahin ko sila o kaya ay

ambaan ng suntok. Nagsimula ang lahat

ng iyon nang may nangyaring trahedya

sa pamilya namin. Doon nag-ugat kung

bakit naging ganoon na lamang ang

pagkamuhi ko sa kanila. Nagbinata akong

taglay ang pagkataong iyon. Kung

mayroon man isang pagkakamali na

sukdulang ipinagbabawal ng sundalo

kong tatay, iyon ay ang pagiging

alanganin.

Palaging wala si tatay dahil

nakadestino siya sa malayong lugar. Sina

mama, ang bunso kong kapatid na si

Vicky, ang panganay namin at ako ang

laging magkakasama sa bahay. Hindi

kailanman nagsasabi si tatay kung kailan

siya uuwi. Basta na lang siya bubulaga sa

amin habang kumakain, nanonood ng tv

o kaya ay magigising na lang kami na

may magkukumot sa amin o kaya ay

hahalik sa aming pisngi. Lahat ng

kaniyang mga utos at alituntunin sa

bahay ay kailangan naming sundin,

kasama man namin siya o hindi at

nakikita man niya o nakatalikod. Lahat

dapat ay may ginagawa. Kung

nagtratrabaho ang isa, dapat lahat

kumikilos din. Bawat isa ay may

responsibilidad na dapat gawin. Bawal

ang umuwi ng lagpas alas otso ng gabi.

Bawal ang hindi magpaalam sa tuwing

lalabas sa pintuan ng bahay. Mahigpit

straightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon