11-

83 1 0
                                    

COACH NG BUHAY KO

PART 11

By: Marky Espejo

“Mac anak, sa sususnod na buwan

pwede na lumipat sa bahay ni kuya mo,”

si nanay

“Ganun po ba” maikli kong sagot.

“Samahan mo ako bukas at tayo’y

mamimili ng kama, sofa, at dining table,

sinabi kasi yan ng kuya mo, inutos niya

na isama daw kita”

“Opo nay” wala pong problema, next

week pa naman ang pasukan.

Kinabukasan, bahagya kaming natagalan

ni Nanay sa pagpili ng upuan at kama,

isang queen size bed lang muna ang

binili at ilalagay sa master’s bed room.,

dining set at mga gamit sa kusina, iyon

kasi ang bilin ni kuya, para pag-uwi niya

ay wala ng iisipin pa, at surprise narin

kay ate Myra.

Medyo sumama ang pakiramdam

ko dahil, sa nabasa ako ng ulan kanina

habang pauwi kami ni nanay., kaya

maaga akong nkatulog, madaling araw

nagising ako na nanginginig ang buo

kong katawan, pero mainit ang noo

ko,pilit kong inabot ang cellphone ko at

tinawagan si Nanay dahil hindi ko talaga

kayang tumayo para puntahan sila,

nataranta naman ang dalawand matanda

at nag-uunahan sa pag-akyat,

Tinatawagan ni Tatay si kuya Jun

para hiramin ang sasakyan at dadalhin

daw ako sa Hospital, pero di ito

sumasagot marahil ay pagod din ito at

nasa kasarapan ng tulog.

“Hwag nalang po muna ‘Tay, trangkaso

lang naman ito, pag di humupa saka

nalang po ninyo ako dalhin,”

pagkukumbinsi ko sa kanila

Bumaba si nanay at pag-akyat ay may

dala na itong bimpo at plangganita na

may malamig na tubig, nilagay ang

thermometer sa bibig ko, umabot ng 39

degreees ang init ng katawan ko,pero

medyo humupa namna ito matapos

punasan ni nanay ang aking buong

katawan, pinainom ng gamot, at nawala

narin ang pag chill ng katawan ko.

Pagising ko kinaumagahan,

naroon si nanay sa gilid ng kama,

binabantayan pala ako, baka daw kasi

tumaas pa ang lagnat ko. Nagpasalamat

naman ako sa pag-aalaga nila sa akin..

straightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon