EPILOGUE
CHAPTER 15
STRAIGHT
By Joemar Ancheta
Xian’s Point of View
Hindi madali ang naging buhay ko
sa kulungan ngunit sa bawat gabing hindi
ako makatulog ay si James ang
hinuhugatan ko ng lakas. Dahil sa
pagtatapat niya nang tunay niyang
nararamdaman sa akin ay hindi ako
nagsisising ako ang nakakulong at siya
ang nakalaya. Katangahan para sa
karamihan ngunit sa mga katulad kong
tunay kung magmahal, walang
katangahan sa pagsasakripisyo sa taong
inuukulan mo ng lahat-lahat sa’yo. Alam
kong tatagal ako sa kulungan, maaring
abutin ng ilang taon o kaya ay dekada
ngunit nananalig ako sa bisa ng dasal.
Umaasa akong muli kaming magkikita ni
James. Malaki ang naitulong sa akin nang
huli dinalaw niya ako sa kulungan. Sa
tuwing pinagmamasdan ko sa aking daliri
ang singsing na iniwan niya sa akin ay
alam kong naroon lang siya at
naghihintay sa aking pagbabalik.
Maayos ang kulungan sa Qatar.
Sa mga inaayos palang at nakabinbin ang
kaso sa hukuman ay hindi tinatratong
parang isa ng criminal. Maayos ang
aming pagkain at higaan. Ang tanging
nakakalungkot ay ang tuluyang ipinagkait
ang iyong kalayaan. Pumanig sa akin ang
hustisya. Hindi ako binigo ng Diyos sa
aking mga dasal. Kahit nagbilang ako ng
ilang buwan sa loob ay hindi ko minsan
binigyan ang kahinaan ng kalooban para
tuluyan akong igupo sa kawalan. Iyon
ang kailangan ko, tibay ng loob,
pagmamahal at alaala ni James, pag-
asang makakalaya at ang malakas kong
pananalig sa Diyos. Nang dumating ang
araw na hinatulan ako ng deportation ay
napaluha ako sa saya. Alam kong sa
wakas ay muli na kaming magkasama pa
ni James. Pagsasamang wala ng halong
takot at pagkukunwari. Nang inihatid ako
sa airport ng mga pulis ay nabigyan ako
ng pagkakataong tawagan si Vince para
ayusin ang mga gamit ko para ipadala na
lang niya sa akin sa Pilipinas. Mabuti na
lang din at sa bank account ko sa
Pilipinas ko hinuhulog ang aking mga