CHAPTER 3
Straight
By Joemar Ancheta
Note from the Author:
(Ang bahaging ito ay ang
kuwento
naman ni Xian. Sinikap kong
ilahad ang kuwento ng dalawang unang
bida natin sa magkaibang point of view
para maintindihan natin ang iniisip at
damdamin ng dalawang pangunahing
tauhan. Ang unang dalawang kabanata
ay ang point of view ni James at ang
susunod naman ay ang point of view ni
Xian. Sana ay masundan niyo ang
pagkakalathala nito. Sisikapin kong hindi
kayo malilito dahil sa simula ng bawat
Chapter ay mababasa ninyo kung
kaninong point of view ang mailalathala.
Sana magustuhan ninyo ang nobela natin
ngayon. Gusto ko lang pong hilingin na
sana ay patuloy kayong makibahagi,
magbigay ng inyong mga comments sa
bawat chapter ng alam kong hindi ako
nagsasayang ng oras na nagsusulat na
wala namang bumabasa..
CHAPTER 3
(Christian/ Xian’s Point of
View)
* * * * *
Ako si Xian. Isa akong paminta.
Baklang nagbibihis lalaki at nagpupumilit
umakto at magsalita bilang tunay na
lalaki. Lumaki ako sa pamilyang hindi
malaking isyu ang pagiging bakla o
tomboy. Nabigyan kami ng karapatan
kung ano ang gusto naming gawin sa
buhay. Malaya kaming magkakapatid
gawin ang lahat ng aming maibigan
ngunit may mga responsibilidad parin
kami sa aming mga sarili. Ikinintal sa
mga isipan namin na gawin namin kung
ano ang makapagpapasaya sa amin
ngunit dapat harapin namin ang bunga
ng aming ginawa, ito man ay mabuti o
masama. Lagi iyong sinasabi nina Dad at
Mom.
“Kung saan kayo masaya, gawin
niyo lang iyon. Handa kaming magbigay
ng payo sa inyo ngunit ang sarili parin
ninyong desisyon ang masusunod.
Handa kaming magbigay ng opinion sa
maaring ibunga ng iyong gagawin ngunit
kayo parin ang nakakaalam kung
hanggang saan ang inyong limitasyon.