III

65 0 0
                                    

COACH NG BUHAY KO

(BOOK 3) - ESTRANGHERO

(Chapter 2)

By: Marky Espejo

Si Mariel na ang siyang nag-aalaga sa

lalaking estranghero ng sumunod na

araw, parang hindi ito dumaan sa isang

nervous breakdown dahil kitang-kita nito

ang sigla sa tuwing sinusubuan niya ng

pagkain ang lalaki.

Napansin din ito ng kanyang ina, kaya

kahit labag sa kalooban nito ay wala

siyang magagawa at sumang-ayun sa

palabas na iyon. Hindi rin maalis sa

kalooban nito ang pag-aalala na baka ito

ay panandalian lamang, at bumalik

nanaman sa kalungkutan ang anak.

Makalipas ang isang linggo ay bahagya ng

gumaling ang mga galos na natamo ng

lalaking estranghero, nakakalabas narin

ito ng bahay, nakakapasyal sa tabing

dagat.

Maraming tanong ang lalaki tungkol sa

kanilang mag-asawa, kaya naman ay

pasinungalingang sinalaysay ni Mariel ito

sa lalaki.

“ 2 taon na tayong mag-asawa, Bryan

ang pangalan mo, may anak tayo si

Danica isang taon na siya.

Nagmamahalan tayo, dahil sa

magkakabata tayo Bryan, sabay tayong

lumaki.” Ang kwento ni Mariel sa lalaki.

“Pero bakit wala akong maalala?, wala

akong matandaan?” Ang naguguluhang

sagot ng lalaki.

“Noong isang linggo, pumalaot kayo kahit

masama ang panahon, inabutan kayo ng

malakas na hangin at ulan at nawasak ang

bangka, tanging ikaw lang nag nakaligtas

sa inyong apat na kasamahan.

“Ganun ba?” ang pagtataka sa tono ng

boses nito.

Magkukwento pa sana si Mariel ng

biglang sumingit naman sa usapan si

mang Ramon, baka madulas itong si

Mariel at maikwento sa lalaki ang totoo.

“Mariel, anak, puntahan mo nga si

Danica sa kwarto at mukhang gising na”

utos nito sa anak.

“Opo! Pa.” ang maikling sagot nito sabay

tayo at tinungo ang kuwarto kung saan

naroon ang anak.

Kaya naman naiwan sila mang Ramon at

ang lalaking estranghero sa balkonahe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

straightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon