15

118 1 0
                                    

CHAPTER 14

STRAIGHT

By Joemar Ancheta

     

James Point of View

Pagbalik ko sa aming kuwarto

ay parang naninikip parin ang dibdib ko.

Parang nakikita ko si Xian na nakangiti sa

akin na naghihintay para sabay kaming

kumain o kaya ang kaniyang mga ngiti

na parang walang pinagdadaanang

problema o hirap. Makikita ko pa kaya

ang mga ngiting iyon? Maririnig ko pa

kayang muli ang buum-buo at magiliw

niyang boses? Mayayakap ko pa kaya

siya’t mahalikan. Maamoy ko pa kaya

ang kaniyang mabangong hininga?

Maipaparamdam ko pa kaya sa kaniya

ang pagmamahal na ipinagkait ko sa

kaniya nang kami’y magkasama. Nabigo

ako. Ang kuwento namin ni Xian ang

pinakamasaklap. Nabigo ko si kuya Alden

at kuya Jasper. Hindi ko na nagawang

maagapan pa ang trahedya.

Nakaramdam ako ng inggit kina kuya

Lando at kuya Terence. Mabuti pa si

Kuya Rhon kahit nagbilang ng ilang

dekada ay nahintay siya ni kuya Aris.

Ngunit ako? Mahihintay ko pa kaya si

Xian ng buhay o malamig nang bangkay

ang sasalubungin ko sa airport. Hindi na

naubos ang luha ko. Sumasakit na din

ang ulo ko sa kaiiyak ngunit kulang na

kulang pa ang sakit na nararamdaman

ko.

Kinagabihan no’n bago ako

uuwi ay nagtipon-tipon lahat ang mga

kaibigan ni Xian. Naroon lahat sila na

handang dumamay at tumulong. Ang ilan

ay natatakot para sa kaibigan nila at

karamihan ay umaasang hindi doon

matatapos ang lahat para sa isang taong

tumulong at naging mabuting kaibigan sa

lahat. Iba daw ang turing ni Xian sa

kanila, higit pa sa kaibigan, higit pa sa

isang kababayan lang at higit pa sa tunay

na kapatid. Kaya hindi sila mapakali kung

ano ang dapat nilang gawin para

matulungan ang kaibigan nilang alam

nilang walang kasalanan.

Ayaw ko sanang iwan si Xian sa

ganoong kalagayan ngunit nakapangako

na ako sa kaniya. Kailangan kong tuparin

ang pangakong iyon kahit pa natatakot

ako sa maaring mangyari sa kaniya.

straightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon