CHAPTER 10
STRAIGHT
By Joemar Ancheta
XIAN’s Point of View
Hindi ko alam kung ano ang
dahilan at biglang nagbago ang
pakikitungo sa akin ni James.
Naguguluhan ako ngunit dinadaig ng
kaligayahan ang mga agam-agam ng mga
ipinakita niyang pagbabago. Nang
magkasakitan kami ni Jomel at nakita
niyang umuwi akong may mga pasa sa
mukha ay iyon na ang naging susi ng
muli naming pagkakaayos. Nakainom
siya ngunit hindi lasing. Alam kong alam
niya ang ginagawa niya ngunit itinutulak
ng alak ang kalooban niyang ihayag ang
gusto niyang sabihin at gawin ang gusto
niyang isakatuparan.
Dahil sa lapit ng mukha niya sa
mukha ko ay hindi ko na naman
nakakayanan ang tukso. Nakapalakas ng
kabog ng aking dibdib at nanlalamig ang
aking mga daliri. Sinubukan kong itulak
ang kaniyang dibdib dahil pakiramdam
ko ay lalo akong bibigay dahil naamoy ko
na ang kaniyang hininga.
“Bumalik ka na sa kama mo.
Okey na ako.” Bago man lang ako
makagawa ng isa pang kasalanan sa
kaniya ay sinikap kong palayuin siya sa
akin. Iyon lang kasi ang alam kong
paraan para tuluyan akong mapalayo sa
tukso.
“Ayaw mo bang dito muna
ako?” tanong niya.
“Gusto.” Mahina kong sagot.
Nanginginig na talaga ako.
“Tabi nga tayo. Usod ka doon.”
Hindi ako sumagot. Umusod
ako at nang tumabi siya ay nahawakan
niya ang nanlalamig kong mga daliri.
“Bakit ka nanlalamig?”
“Wala.”
“Bakit nga?” muli niyang
tanong. “Ninenerbiyos ka yata e.”
ngumiti siya.
Nilingon ko siya. Nasa tabi ko
na siya. Kinuha ko ang isang unan.
Nilagay ko sa pagitan namin. Tama na
ang minsan kong pagkakamali noon.
Ngunit ano itong ginagawa niya ngayon?
Sinusubukan ba niya ang katatagan ko.
Bumuntong-hininga ako. Gusto kong