7 & 8 & 9

175 0 0
                                    

CHAPTER 7

STRAIGHT

By Joemar Ancheta

     

Note from the Author: 

Sa susunod na dalawang kabanata ay

atin namang mababasa ang mga

niloloob ni Xian… dito ay mas lalo

niyong maintindihan ang sakit ng

kaniyang mga pinagdadaanan…

madami ang sa kaniya ay maaawa

ngunit hindi maiwasang kainisan

din siya ng iba…. ipagpatuloy po

sana ninyo ang makibahagi!

Masaya na din akong mabasa ang

inyong mga komento lalo na yung

hanggang ngayon piniling

manahimik.

CHAPTER VII

XIAN’S POINT OF VIEW

Ang pagkakamali kong iyon

nang nalasing si James ang siyang naging

susi para lalo kong maintindihan ang

palasak ng sinasabi ng karamihan na ang

straight ay straight… dapat silang

hinahayaang mapunta sa babae. Kung

ang bakla nagmahal ng straight hindi

lang yaman ang aagos mula sa kanila

kundi kasama na ang tone-toneladang

luha. Kung nagmahal ka ng straight

kailangan mong panindigan na hinding-

hindi ka magseselos sa babae dahil kahit

anong mangyari, sa babae parin ang

kahahantungan ng isang tunay na lalaki.

Iwasan ding papiliin ang straight sa

pagitan ng babae at ng isang bakla dahil

baka mas masakit sa’yong tanggapin na

hindi ikaw na bakla ang pipiliin. Maaring

kailangan ka ng tunay na lalaki ngunit

hindi ikaw ang nakapagbibigay sa kaniya

ng tunay na ligaya. Ngunit sa katulad

kong nagmahal, hindi ko alintana ang

pagod, hindi ako basta-basta sumusuko

kahit pa ilang beses akong masaktan at

lumuha… ang pag-iyak kong iyon lang

ang alam kong paraan para maibsan ang

sakit na halos hindi ko na nakakayanan.

Hindi madaling magpagod para

sa wala. Hindi din madaling tanggapin na

parang ang lahat ng ginagawa mo ay

nababale-wala. Sige. Tanggap kong tanga

ako. Alam ko namang tanga ako o kaya

martir ngunit anong magagawa ko kung

ang tanging alam kong dapat gawin ay

ang paglingkuran, alagaan at mahalin ang

straightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon