Chapter 2

818 29 0
                                    

Chapter 2

Papasok na kami ni Yvette sa gate ng Xavier, parehas kaming natulala sa dami ng magagarang sasakyan ng mga estudyante dito. May mercedes, bmw, audi, at kung anu ano pa na sa tingin ko milyon milyon ang mga halaga. Habang kami naglalakad lang papunta dito. Life is really unfair. Huhuhu. Ano ba tong napasukan namin ni Yvette. Pakiramdam ko hindi kami nababagay dito. Pinilig ko ang ulo ko at huminga ng malalim. Tinitigan ko ang maluwang na parking lot at hilera ng mga gusali ng Xavier Academy.

"Pano bes text text na lang tayo ha. Hahanapin ko pa ang mga classroom ko. Alam mo na di naman tayo parehas ng course. Kaya natin to bes. Kabugin natin lahat ang mga taga Xavier at ipakita natin ang galing ng Taga Baguio. Fight!!" Pabirong sabi ni Yvette para itago ang kanyang nerbyos. Alam ko yun dahil ang lamig ng kamay niyang hawak hawak ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Bye bes. See you later. Sabay tayong maglunch ha?"kinawayan ko siya.

Naglakad na ako at hinanap ang building ng College of Business Ad. Grabe naman mga tao dito nakikislapan ang mga alahas at ang gaganda ng mga bag., LV gucci prada name it they have it. Sabay tingin sa jansport back pack ko. Shocks. Pinagtitinginan ako ng mga tao. May pagtataka sa kanilang mga mata. Andun din ang pagkadisgusto. Hmmp! Ang paplastic naman ng mga ito. Taas noo akong naglakad. Pakelam ko sa inyo.

Kainis naman para ata akong pulubi dito.

Sa wakas nahanap ko din ang room ng first class ko. Second year irregular ako. Dahil transferee at first class ko tong philo2. Ginala ko ang mata ko sa room at nakita ko ang mga snobbish kong kaklase. Ni walang tumitingin sa akin. Naghanap na lang ako ng bakanteng upuan sa likod at doon ako umupo. Kainis naman wala ata akong magiging kaibigan dito.

"Girl, have you heard the news? Classmate daw natin si Bullet Lagdameo." ang kinikilig na sabi ng babaeng sa harap ko nakaupo na akala mo makikipag party kapal ang make up. Kinikilig na tumawa ang kausap niya.

"Yeah I heard and I'm kinda excited. Wait di ba fourth year na si Bullet? Bakit natin siya magiging classmate?"Sambit pa ng katabi niyang mukha ding espasol.

"Naiwan niya ata itong philo2 dahil sobrang busy sa basketball games nila. But he has to take this up kasi di siya makagraduate pag di niya to natapos this sem" sagot ulit ni party girl.

"Excuse me is this seat taken?" Napatingala ako sa nagsalita habang tinuturo niya ang upuan sa kaliwa ko.

"Hmmm. Ah, hindi" sabi ko. Nginitian ko siya ng tipid.

"By the way im Ivan and I'm gay." Sabay abot ng kamay niya sa akin. Nagulat ako sa pagiging prangka niya.

"Ako naman si Kim." Natatawa kong sabi sabay abot din ng kamay ko.

"Your new here right? " Tanong niya pagkaupo sa tabi ko. Naglabas siya ng compact mula sa kanyang bag at tinignan ang sarili sa salamin.

"Oo transferee ako from Baguio. Bale scholar ako dito,kaming dalawa ng bestfriend ko. Wala pa akong kaibigan dito Ivan at sa totoo lang takot na takot ako kasi parang di ako nababagay dito." Tinitigan niya ako ng seryoso.

"Alam mo Kim mayaman ako. Sobrang yaman pero di ako tulad ng iba diyan na mapanglait ng kapwa. Tingin ko sayo okay ka naman. Actually yung bff ko iba din ang course so kung mapagtitiisan mo ang company ko then your my new friend." Naghigh five kaming dalawa. Nagkwentuhan na kami tungkol sa aming buhay.

"Good morning class. Can all of you please seat down so we can start." Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan sa papasok naming professor.

"My name is Stanley Rivera and i will be your prof for philosophy 2." Medyo may edad na si Sir Stanley. Manipis na ang buhok at nakasalamin. Pero magaan agad ang loob ko sa kanya. Mukha siyang mabait at kagalang galang.

"Good morning Sir Stan sorry I'm late." Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng medyo slang na boses na yun na napasarap pakinggan. Sosyal na sosyal. OMG!!!! Natulala ako ng bonggang bongga. Sheeet! Ang gwapo niya. Yung tipong makikita mo sa mga magazine cover. Matangkad, mestiso at chinito. Medyo mahaba ang kanyang buhok na tumatakip sa isa niyang mata. Nakaramdam ako ng pangangapos ng hininga at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Its okay Mr Lagdameo ,we've just started your may take your seat."sabi naman ni Sir Stan. Itinuro nito ang bakanteng upuan sa likod ko. Sheet! Sa likod ko pa talaga. Naamoy ko ang kanyang pabango pagdaan niya sa gilid ko. Nanlamig ang buong katawan ko.

"As I was saying Im Stanley Rivera your professor in Philosophy 2. Since this is our first meeting i want to know each and everyone of you. Please introduce yourselves one by one. Starting from here." Tinuro niya ang kaklase naming nakaupo sa pinakaharap. Isa isang nagpakilala ang mga kaklase ko.

Diyos na mahabagin nininerbiyos ako. Ako na ang susunod na magpapakilala. Halos lahat sila anak ng kilalang mga tao. Puro mga bigating negosyante at pulitiko. Anong sasabihin ko? Huminga ako ng malalim. Just be yourself Kim.

"Hi classmates my name is Kimberly Shane Marasigan. You can call me Kim for short, im 17 years old and transferee from St Dominic College Baguio City. Di po ako makakapag aral dito kung walang scholarship so ibig sabihin scholar ako. Thank you." Sabay tingin kay kay Ivan na naka thumbs up sa akin. Sheet bakit ako,tinititigan ni gwapo? Ambisyosa ko naman. Siya titingin sa akin asa ness??? Pero talagang titig na titig siya sa akin. Sabay tingin sa iba ko pang classmatess na mukhang di naman interesado sa sinasabi ko dahil d man lang ako tinitingnan kasi halos lahat sila nAkatingin kay gwapo. Hmmp!!! Sabay balik sa upuan ko. Naramdaman kong tumayo siya at mabagal na naglakad papunta sa harapan.

Tumahimik ang buong classroom namin. Nakahawak sa kanilang mga babae bibig amg lahat ng babae. Pinipigil ang kanilang paghinga. He really is so gorgeous. Napansin ko na dark gray ang kulay ng kanyang mata.Nakaitim na maong pants at gray tshirt ang suot niya pero para siyang modelo. Tumitig siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Sheet! Para akong nalulunod.

"Im Benjamin Antonio Lagdameo III. Just call me Bullet. Team captain of Xavier basketball team. Fourth year. Thanks." Sabi niya na slightly slang na ang sarap pakinggan. Wow na wow talaga. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng isang kilometro dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon