Chapter 31

442 18 0
                                    

Chapter 31

Bumalik kami ni Yvette sa Maynila dahil kailangan na naming mag-enrol. Kung maaari ay ayaw ko munang makita ang Xavier, masyadong maraming ang alala si Bullet dito. Hindi ko alam kung paano magsisimula ng buhay ng wala siya. Puro madilim ang nakikita ko sa paligid. Kelan nga ba huling sumikat ang araw? Hindi ko na maalala dahil nawala na ang aking araw at buwan. Wala na si Bullet at hindi na siya babalik. Pero kailangan kung magpatuloy. Paulit ulit kong hinihiling na sana'y magka-amnesia na lang ako. Gusto kong mabura lahat ng alaalang nandun siya. Dahil sobrang nasasaktan pa rin ako. Para hindi ko na maramdaman ang sakit na araw araw kong iniinda. Kelan nga ba nakakalimot ang puso?

"Ehhhh!!! Mga sistah, i miss you!!!" Sigaw ni Ivan ng makita kami sa registrar's office.

"Kumusta beks? Wow! Ganda ng tan mo ha. Bagay sayo. San ka nagbakasyon?" Tanong ni Yvette habang nagbebeso kay Ivan.

"Sa Puerto Galera. Kasama ko ang mga cousins ko. Go tayo dun one time, ang ganda ganda." Excited niyang kwento. "Graveh! Ang daming hunk dun teh."

"Sige pasyal tayo dun beks." Niyakap ko rin siya at hinalikan sa pisngi.

"Kumusta ka na girl?" Nag-aalala niya akong tinignan.

"Half alive. Ganito na siguro beks. Madilim. Nawala na kasi yung buwan at araw ko." Malungkot kong sabi. "Mahirap pala beks. Miss na miss ko na siya." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. Pilit akong ngumiti.

"Hey!! Punta tayong lobby nandun lahat ang result ng dean's lister I'm sure topnotcher kayong dalawa." Pag-iiba ni Ivan ng usapan. Hinila niya kami papuntang lobby.

Nakipagsiksikan kami para makita ang resulta. Tama si Ivan pareho kaming topnotcher ni Yvette. Naramdaman ko na naman pamilyar na sakit na yun. Bigla ko siyang naalala. Hindi na makikita ni Bullet ito. Para sa kanya ito.

Nakita namin ang papalapit na si Champ. Nagliwanag ang mukha ni Yvette. Tumakbo siya at sinalubong ito ng yakap. Ngumiti ng malapad si Champ at humalakhak. Parang piniga ang puso ko. Bigla kong naalala ang mga halakhak ni Bullet.

"Hey! You miss me that much?" Humahalakhak pa rin nitong sabi.

"Hmmp! Ang yabang mo. Di wag." Kumalas si Yvette at tinalikuran siya.

"Hey! I said Imiss you more! What's happening? Bakit ang daming tao dito?" Natatawa nitong sabi habang inaakbayan si Yvette.

"Halika hon, bilis may ipapakita ako sayo." Hinila siya ni Yvette at tinuro ang pangalan niya.

"Wow! I'm one hell of a proud boyfriend. Galing naman ng honey ko." Binuhat niya si Yvette at inikot ikot.

Nakatulala ako sa kanilang dalawa. Bumalik sa akin ang ganung mga eksena. Kung nandito siya siguradong ganito din kay Champ ang reaction niya. Nangilid ang luha ko. Tumakbo ako sa labas dahil hindi ko na kayang pigilin ang pag-iyak. Sa koi pond ako pumunta. Umupo ako sa damuhan at sinubsob ko sa tuhod ko ang aking mukha. Umiyak ako ng umiyak. Sa ganung ayos ako naabutan ni Ivan. Umupo siya sa tabi ko at hinagod hagod ang likod ko.

"Alam ko wala akong magagawa para mabawasan ang sakit. Pero kung kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako sis. Kung gusto mo ng kausap, nandito ako. Ilabas mo yang nasa loob mo."

"Miss na miss ko na siya beks. Gustong gusto ko na siya makita at mayakap." Humihikbing sabi ko.

"Sinubukan mo na ba siyang tawagan?"

"Ilang beses na pero di niya sinasagot. Ring lang ng ring."

"E-mail. Try mo kaya."

"Sa tingin mo babasahin niya yun?"

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon