Chapter 54

1.3K 41 16
                                    

Wakas ( THE ENDING OF BOOK 1)

Katatapos ko lang maligo at nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin. Lutang na lutang ang pakiramdam ko. Ikakasal na ba talaga ako kay Bullet Lagdameo. Ako? Si Kimberly Shane Marasigan. Pakakasalan ng isang katulad niya? Ano ba ang nakita niya sa akin? Bakit ba niya ako mahal na mahal?

Nakarinig ako ng mahinang pagkatok sa pinto ng aking kwarto. Bumungad mula doon si Yvette. Pagkapasok niya ay niyakap niya ako mula sa likuran. "Are you happy bessy?" Tanong niya sa akin.

"Sobra. He really loves me that much bes. Biruin mo nakatisod ako ang isang Bullet Lagdameo." Natatawa kong sabi.

"He's a very lucky man to have you bes. Hindi ka mahirap mahalin noh."

"And I'm a very lucky girl."

"Ano ba kasing pumasok diyan sa utak ng Bullet mo? Bakit nagmamadaling magpakasal?"

"He's just scared of losing me. Bullet is a very complicated person. Deep down he is still a boy. Very insecure. Pero sigurado ako bes, mahal na mahal niya ako. He needs me to be there for him. Natatakot lang ako dahil baka hindi ako maging sapat para sa kanya."

"Shhh..wag mong sabihin yan. I know you can make him happy. Come on let's dry your hair. Papunta na si Ivan dito para sa makeup mo. You should look beautiful today." Kinuha niya mula drawer ang hair dryer.

"Salamat sa pagpayag mong maging witness sa kasal ko bessy. Promise me na wala muna kayong pagsasabihan ni Ivan tungkol dito ha? Gusto kong ako ang magsasabi ng personal kay Tita Maggie."

"Oo naman. Promise." Nakangiting sabi ni Yvette.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na si Ivan. Kilig na kilig ito habang inuusisa ako tungkol sa pagpapakasal namin ni Bullet.

"Oh my gosh! Kilig na kilig ako sis. Finally, wala ng kawala yang Bullet mo. Look at you, blooming na blooming ka ha. Umamin ka nga sa akin. Nag-ano na kayo noh?" Malanding tanong niya.

Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko. "Ano ba yang tanong mo beks." Nakayukong sabi ko.

"Is he good?" Kumikislap ang mata niyang tanong. Shit! Ang landi ng baklang ito.

"Ummm..yeah. Really good." Damn pulang pula na talaga ako.

"Yeeeks! Ang landi mo sistah!"

Masaya kaming nagbiruan habang inaayusan ako ni Ivan. Mapalad ako dahil nandito silang dalawa ni Yvette para sa akin. Sinusuportahan nila ako at ang desisyon ko. Pagkatapos akong ayusan ni Ivan ay iniwan nila ako para makapagbihis. Kinuha ko mula sa box ang simpleng white dress na pinadeliver ni Bullet kanina. Gawa ito ng isang sikat na designer. Dapat na nga siguro akong masanay sa mga ganito. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong magbihis. Huminga ako ng malalim. This is it...

Pinasundo kami ni Bullet sa isang driver gamit ang kanyang montero. Sa Batangas na raw kami magkikita. Sa opisina ng judge na ninong ng kanyang Tito Dave. Nakahawak ako sa kamay ni Yvette buong byahe. Habang papalapit kami sa Batangas ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Uy..relax bessy. Kanina ka pa tense na tense." Bulong ni Yvette. Si Ivan naman ay nakikipagkwentuhan sa driver.

"Ganito pala ito bessy. Hindi na ako makahinga sa sobrang nerbyos." Pinisil niya ang kamay ko.

Hindi ako bumitaw kay Yvette hanggang sa makarating kami sa venue. Shit! Nangangatog ang aking tuhod. Pagkababa ko ng sasakyan ay inayos ko ang damit kong medyo nakusot sa byahe. Naglakad na kami papasok. Nandun na si Bullet katabi ang isang matangkad at gwapong lalaki. Magkamukha sila. Maliban sa mata. Chinito si Bullet. Ngumiti siya ng malapad ng makita kaming paparating. Sinalubong niya ako ng yakap.

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon