Chapter 8

629 21 0
                                    


Chapter 8

"Sigurado ka bang ayaw mong magdinner dito? Masarap magluto ng menudo si Yvette." Tanong ko kay Bullet. Dito na kami sa labas ng gate papunta sa kotse niya.

"Next time babe. Pag ikaw na lang ang nagluto. Baka hindi ka makapag concentrate sa pag-aaral pag nagstay pa ako." Natatawang sabi niya.

"Baliw." Sabay hampas hampas ko sa braso niya.

"Yeah baliw. Baliw na baliw sayo." Sagot niya sabay hila sa sakin para mayakap ako.

"I better go. I'ts getting late na. May exams ka pa bukas."halikan niya ako ng mabilis sa labi. Smack lang.

Sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot na ito. Ano ba tong bAby ko, parang nakikipagkarera kung magdrive. Kanina lang nung nakasakay ako ang bagal magpatakbo. Ngayon naman akala mo may hinahabol. Hay parang ayokong pumasok sa loob ng bahay. Paniguro kukulitin ako ni Yvette.

"Hep hep hep! Sinong maysabing umakyat ka na ha? Kumain muna tayo bessy. Marami ka pang di nasasabi sa akin. Wag mo akong takasan. Alam ko na yang style mo." Nabuking niya akong umaakyat na sa kwarto kaya tinalaktalakan ako ng bruha.

Masaya kaming naghapunan ni Yvette at sinabi ko sa kanya ang lahat ng kaganapan sa araw na ito. Masaya siya para sa akin. Alam kasi ni Yvette na bet na bet ko talaga si Bullet. Pero nagaalala din siya dahil sa agwat ng buhay naming dalawa.

"Bessy masaya ako para sayo. Alam ko mahal mo na si Bullet. Paalala lang bes wag puro heart ang pairalin ha. Matalino ka kaya alam ko hindi mo hahayaang masaktan ka. Para kasing too good to be true. Di kita minamaliit bes ha. Alam ko maganda ka at matalino kaya di imposibleng magkagusto siya sayo kaya lang di ko pa rin maiwasan magtanong kung bakit ang bilis naman?" Seryosong sabi ni Yvette.

"Alam ko naman yun bes, naiintindihan ko naman ang concern mo. Aaminin ko natatakot ako na baka dumating ang araw na hindi pala totoo ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung makakaya ko pag bigla siyang nawala. Kilala mo ako, alam mo kung ano ang mga pinagdaanan ko. Pero mahal ko na siya bessy, bawat himaymay ng katawan ko, bawat pagtibok ng puso ko siya lang talaga." Naiiyak kung sagot.

"Maswerte siya sayo bessy, dahil kilala kita eh, alam ko ipaglalaban mo yang nararamdaman mo. Kahit sino pa ang humadlang at manggulo, alam ko paninindigan mo yan. Di ba ganun tayong dalawa nung ginusto nating makapasok sa Xavier. Halos di na tayo matulog para makapasa sa scholarship nila. Tandaan mo bes nandito lang ako. Pag kailangan mo ng kausap, ng kakampi. Nandito lang ako." Madramang sabi niya pero tagos yun sa puso ko. Kaya mahal ko tong si Yvette kasi intinding intindi niya ako.

"Thank you bessy. Alam ko namang magigng masaya ka para sa akin. Wag kang magalala, maiinlove siya ng bonggang bongga sa akin. Gagawin ko lahat para sabihin niya sa sarili niya na " hindi ko kayang mabuhay ng wala si Shane." Naluluhang sabi ko sabay yakap ng mahigpit kay Yvette.

Para kaming timang na. Nag-iyakang magkaibigan. Nang magsawa kami ay magkasama kaming nagligpit ng pinagkainan. Pagkatapos magligpit ay umakyat na kami sa aming mga kwarto. Dalawa ang kwarto sa taas. Tumuloy ako sa kwarto ko at humiga ako sa kama. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone sa kama.

Bullet-

Goodnight babe.

Me-

Goodnight din babe.

Natulog akong nakangiti. Ganito pala ang mainlove. Sobrang nakakakilig. Para kang timang. Tumatawa at nagsasalita kang mag-isa.

Maaga akong nagising ng sumunod na araw. Pagbaba ko ay nagluluto na si Yvette ng almusal. To talagang besfriend ko masyadong masipag. Wala talaga akong masabi sa kanya, kadalasan siya talaga ang nagluluto ng pagkain namin. Siguro dahil na rin sa pagpapatira sa kanya ni Tita Maggie dito ng libre. Gusto naman ni Tita Maggie na nandito si Yvette para may nakakasama ako habang nasa Japan siya.

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon