Chapter 6

743 26 0
                                    

Chapter 6

Buong weekend akong tulala. Ewan ko ba pero first time na hindi ako nagkwento kay Yvette tungko sa mga nangyari sa akin. Dahil abala din sa pagaaral mukhang di naman ito nakahalata na may tinatago ako sa kanya. First kiss ko yun. Di pa rin ako makapaniwala na hinalikan ako ni Bullet. Parang panaginip lang siya at hindi talaga nangyari. Gusto kong itreasure ang nangyari dahil alam ko baka di na yun mauulit. Siguro natuwa lang siya sa ginawa kong pangongopya ng notes para sa kanya kaya niya ginawa yun. Alam ko naman na di ko dapat bigyan ng kahulugan yung ginawa niya. Shemay! Sunday night na, di ko pa rin maconcentrate ang pagrereview. Pano ko ba pagsasabihan ang puso ko para manahimik muna? Ang dami ko pang dapat aralin.

Puyat na puyat ako pero maaga pa rin akong nagising. Naunang umalis si Yvette dahil may ihahabol daw siyang project na kelangan isubmit para makapagexam sa isa niyang major subject. Nagkape lang ako at cereals, wala akong ganang kumain ng breakfast. Maaga akong nakarating sa classroom. First subject ko ang Philo. Umupo na ako at kinuha sa bag ang notebook ko para magreview habang wala pang masyadong istorbo.

"Hey Kim how are you? Nakareview ka na ba? Grabe puyat na puyat ang beauty ko sa pagrereview. Looook!! Ang laki ng eyebags ko!" Di ko namalayan na nakaupo na si Ivan sa tabi ko. Kinuha nito mula sa bag niya ang kanyang compact at tinignan ang namamaga niyang mata.

"Okay lang. Hindi rin ako masyadong nakareview eh. Sana madali lang ang exam" Matipid kong sagot. Tulala pa rin talaga ako dahil sa paghalik ni Bullet nung Friday.

Biglang kumabog ang dibdib ko ng mapatingin ako sa pintuan. Papasok na si Bullet. Nakakulay blue na tshirt at itim na maong siya. Naka shades siya ng kulay itim kaya di ko makita ang mga mata niya.Pero teka! Anong nangyari sa kanya? Bakit may may nangingitim sa kaliwang pisngi niya. May nakalagay din na band aid sa kaliwang kilay niya. Ang isa niyang kamay ay nababalutan ng puting benda. Napaaway ba ang taong ito? Totoo yata ang mga naririnig kong palaaway at basagulero daw ito pati na rin ang mga kaibigan niya.

Yumuko na lang ako at kunwari ay di ko siya nakita. Medyo naiinis ako sa kanya ha. Ang gwapo gwapo ng mukha niya tapos sinisira lang niya. Hinarap ko na lang ang pagrereview kahit pa di ko naman naiintindihan ang binabasa ko. Pati si Ivan napansin din ang itsura ni Bullet. Tiningnan niya ako ng makahulugan. Pinandilatan ko na lang siya at yumuko na ulit sa notes ko.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Bullet sa upuang nasa likod ko. Naramdaman ko rin ang dahan dahang paglapit ng upuan niya sa likuran ko. Di pa rin ako lumingon. Kunwari ay wala akong nakita.

"Bakit di ka namamansin?" Malambing niyang bulong sa tenga ko.

Sobrang lapit ng bibig niya sa mukha ko kaya mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko. Nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. Nalanghap ko ang pamilyar niyang amoy. Amoy Bullet.

" Kasi naiinis ako sayo." Di ko namalayan na sinabi ko pala yun.

Di ko alam kung bakit nasabi ko yun pero talagang nag-aalala ako sa mga pasa at sugat niya. Alam komg mali dahil di naman niya ako girlfriend. Wala akong karapatang magreact ng ganito. Pero anong magagawa ko. Yun ang nararamdaman ng puso ko.

"Ano bang ginawa ko? Dahil ba yun sa kiss ko nung Friday?"Mahinang bulong niya ulit sa akin. Parang nagulat siya.

Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Shit! Kinakabahan ako lalo na pag ganito siya kalapit. Alam kong pinagtitinginan na kami ng lahat ng classmates namin. Pati si Ivan sy tulalang tinitignan ang ginagawang pagbulong ni Bullet sa akin.

Naputol ang pag-uusap namin dahil dumating na si Sir Stan. Mabilis nitong sinasarado ang pinto ng clasroom at umupo sa mesa niya.

"Good morning class. I hope nagreview kayong mabuti for our exam today. But before that please pass your permits." Isa isa namin pinasa ang aming mga permit

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon