Chapter 33

489 17 0
                                    

Chapter 33

Lumipas ang mga araw ng halos di kami nagpapansinan ni Bullet. Bumalik na siya sa varsity team kaya gaya ng dati ay sa gym siya madalas magbabad. Paminsan minsan ay pumupunta siya sa classroom namin para sunduin si Kayla. Sweet na sweet sa kanya si Kayla at mukhang napapasaya siya nito. Akala ko ay mamamanhid na ang puso ko dahil sa dalas ng pagkawasak nito pero patuloy itong nasasaktan. Nagmamadali ako ngayon dahil late na ako sa band rehearsal. Nasa parking lot na si Josh at hinihintay na ako.

"Ooops! Ayy!." Napaupo ako dahil may nabangga akong lalaki dahil sa pagmamadali.

"Hey! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Pamilyar sa akin ang boses ng nagsalita. Si Bullet.

"Sorry kasalanan ko." Pinilit kong tumayo kahit masakit pa ang balakang ko. Inabot niya ang kamay ko at inalalayan ako patayo. Parang may gumapang na kuryente sa buong katawan ko ng magdaop ang mga palad namin. Nalanghap ko ang pamilyar na amoy na gustong gusto ko. Amoy Bullet.

"Shane, I'm sorry. Nasaktan ka ba?" Tanong niya. Mas nasasaktan ako dahil di mo ba ako mahal Bullet. Yun ang gusto kong sabihin sa kanya. Kinagat ko na lang ang labi ko.

"No. It's okay. I'm fine, sige mauna ako." Patakbo na akong umalis dahil natanaw kong naghihintay si Josh sa tapat ng sasakyan niya. Ngumiti ito ng malapad ng makita ako. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nagdrive na siya palabas ng parking lot.

Nadaanan namin si Bullet kung saan ko siya iniwan kanina. Nakaupo siya sa bench malapit sa koi pond. Nakatingin lang siya sa sasakyan ni Josh na papalayo. Sa studio ni Larry kami tumuloy para sa band rehearsal. May gig daw sila next month sa isang party sa clubhouse ng isang exclusive subdivision. Pinakita nila sa akin ang listahan ng mga kantang dapat sanang kakantahin ni Nikki. Alam ko naman yung iba, pero yung iba ay first time ko pa lang narinig. Hanggang alas tres lang ako tuwing Tuesday at Thurday kaya yun ang oras na binigay ko sa banda.

Dahil absent si Ivan ngayon ay mag-isa akong kumain ng lunch. Humanap na lang ako ng mesang nasa sulok ng canteen para makapagbasa ako ng notes ko habang kumakain. Nakita ko sa sulok ng mga mata kong paparating si Bullet kasama nito si Kayla. Yumuko ako at nagkunwaring di ko sila nakita. Umupo si Kayla sa table na malapit sa inuupuan ko habang pumunta naman si Bullet sa cashier para mag order ng pagkain.

"Hi Kim! May kasama ka? Pashare ha." Nakangiting bati ni Josh na may dalang tray ng pagkain.

"Wala. Halika na. Upo na." Sagot ko.

Pagkaupo niya ay hinilot niya ang noo niya " damn ang sakit ng ulo ko. Napadami ata ang inom ko kagabi."

"Bakit saan ka ba pumunta kagabi?"

"Brokenhearted kasi si Kiko. Nabasted nung taga St Benedict na nililigawan niya kaya naginuman kami sa Maze. Nandun si Bullet sa bar umiinom mag-isa." Medyo dinikit niya ang bibig niya sa tenga ko,para hindi marinig ni Kayla.

Pag-angat ko ng tingin ay nahagip ko ang pagkunot ng noo ni Bullet habang nakatitig kay Josh. "Baka gusto lang mapag-isa."

Hinila ni Josh ang upuan niya at dinikit sa akin. Muli ay bumulong siya para di marinig sa kalapit na mesa dahil umupo na doon si Bullet at kumakain na sila ni Kayla. Nahagip na tingin ko ang pagtitig ni Bullet sa amin.

"Madalas daw siya doon at sabi ng kaibigan kong bartender nung minsang nalasing daw yan, Shane daw ang binabanggit na pangalan. Di ikaw yun?" Nakangiting sabi niya habang sumusubo ng pagkain. Nagtataka ako dahil nahuhuli kong tumitingin si Josh kay Kayla pag hindi ito nakatingin.

"Are you sure?"

"Yun ang sabi ng bartender."

"Mukha namang matagal na siyang nakamove on Josh. Mukhang masaya naman sila."

"Okay lang ba sayo na may iba na siyang gusto? Di mo man lang ba siya susubukang bawiin. Alam ko mahal mo pa siya."

"Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan Josh. Dalawang buwan na mula ng bumalik siya pero hanggang ngayon di pa kami nakakapag-usap tungkol sa nangyari. Sana man lang kung hindi na talaga kami pwede, magkaroon man lang ng closure para alam ko. Para maturuan ko na ang puso kong kalimutan na siya. "

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan. Malay mo ikaw lang hinihintay niya. Kim, bago siya umalis nireject mo ang lahat ng attempt niya para magpaliwanag sayo tungkol sa nangyari. Don't expect him to chase you and beg you to take him back. Mapride din yang si Lagdameo."

"So anong gagawin ko? Hahabulin ko siya?"

"Why not? Tingin ko naman mahal ka pa rin niya. Ang sama kaya ng titig sa akin kanina pa. Di nga makakain dahil natataranta. Akala siguro niya nililigawan kita." Umiiling pero natatawang sabi ni Josh.

"Puro ka talaga kalokohan. Kita mo ngang gustong gusto niya si Kayla di ba?" Hinampas ko siya sa braso.

"Nope. Ikaw pa rin ang gusto niya. Wag mo ng hintaying mahulog siya kay Kayla. Kumilos ka na Kim."

Tulala ako sa klase buong hapon. Iniisip ko ang mga sinabi ni Josh. Tama siya hindi ako hahabulin ni Bullet. Kung gusto kong bumalik siya kailangan kong gumawa ng paraan para mapalapit ulit sa kanya. Alam kong mahirap dahil nandiyan na si Kayla pero susubukan ko pa rin. Paulit ulit man mawasak ang puso ko dapat kong kayanin dahil kasalanan ko kung bakit siya nawala sa akin.

Hindi sinundo ni Bullet si Kayla sa classroom. Kasama ni Kayla si Eloisa ang kaklase naming anak ng congressman. Pinaguusapan nilang dalawa kanina ang pagpunta sa mall para magshopping. Bagamat hindi ako pinapakitaan ng masama alam kong ayaw sa akin ni Kayla. Madalas na nanunuri ang kanyang mga tingin. Naglakad na ako papuntang parking lot dahil nandun ang kotse ko.

"Hey beautiful!" Biro ni Brix. Magkasama silang naglalakad papalapit sa akin ni Josh.

"Sus! Nandito na po si bolero." Nakangiting sabi ko.

"Pwede ba dude. Tigilan mo na yan. Ilang beses ka na bang binasted ni Kim? Di ka pa ba sumusuko?"

"Malay mo makuha sa tyaga." Alam kong nagbibiro lang si Brix. Matagal na naming napagkasunduan na maging magkaibigan na lang.

"Tigilan nyo na nga akong dalawa." Mula sa malayo ay natanaw kong napatingin sa amin si Bullet. Nakabukas ang baggage compartment ng kotse niya dahil may nilalagay siya doon. "Guys mauna na ako sa inyo may kailangan lang akong kausapin magkita na lang tayo sa band rehearsal. Wish me luck Josh." Tumango na lang si Josh.

Nagmamadali akong maglakad dahil naisara na ni Bullet ang compartment at papasok na siya sa driver's side ng kanyang montero. "Bullet! Sandali lang. Gusto sana kitang makausap."

"Sure. Tungkol saan?" Sinara niya ulit ang nabuksan na niyang pinto at hinarap niya ako.

"Gusto ko sanang magsorry sa lahat. Kung may nagawa man ako para masaktan ka, gusto kong malaman mo na pinagsisisihan ko lahat yun. Siguro dahil immature pa ako that time. Gumawa ako ng paraan para makausap ka noon pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Tumatawag ako. Nageemail ako sayo araw araw, pero hindi mo yata binubuksan ang inbox mo." Nakayuko ako habang nagsasalita dahil alam kong pag tinignan ko siya tuluyang babagsak ang pinipigil kong luha.

"I'm accepting your apology Shane. But i don't think things are going to be the same again." Matigas niyang sabi.

"Alam ko. Dahil may iba ka na di ba? Tanga siguro ako para umasa na baka sakaling ako pa rin ang nandiyan." Tinuro ko ang dibdib niya.

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon