Chapter 5

727 22 1
                                    

Chapter 5

"Ano ba naman yan bes, first day of school disgrasya na ang inabot mo. Bakit di ka kasi nag-iingat sa paglalakad mo. Mabuti di ka napuruhan kung hindi baka nalumpo ang byuti mo. Sabi sayo sabay tayong maglunch di ba? Bakit di mo ako tinitext?" Sermon ni Yvette habang kumakain kami ng hapunan sa bahay. Kanina pa siya dakdak ng dakdak ng umuwi ako at makitang nahihirapan akong maglakad.

"Bes kaya nga aksidente di ba? Kasi walang gustong mangyari. Isa pa dahil sa aksidenteng to nakilala ko ang pinakagwapo at pinakasikat na lalaki sa Xavier academy." Ngingiti ngiting sabi ko. Ngumiti ako ng malapad habang iniisip ang gwapong mukha ni Bullet Lagdameo.

"OH MY GOSH..nakilala mo na si Bullet Lagdameo Bes?" Excited niyang sabi. Nanlaki ang kanyang mga mata ng tumango ako.

"Uh huh. Kaklse ko lang naman siya sa Philo at siya ang nabangga ko kanina. In fairness bessy ha, akala ko antipatiko at mayabang ang taong yun pero hindi niya ako sinungitan. Sinamahan pa niya ako sa clinic at higit sa lahat binuhat niya ko!" Kinikilig kong sabi.

" Nakakainis ka talaga Bes. Bakit di mo agad sinabi na siya pala nakadisgrasya sayo? Kung si Bullet naman pala ang babangga sa akin, go lang ng go basta ba bubuhatin din niya ako. Yeeeks.kinikilig ako. Alam mo ba Bes ang naririnig ko sa mga kaklase ko ,wala pang pinakilalang gf yang si Bullet. Puro fling lang daw ha. Pinakamatagal na daw ang isang linggo. Siyempre hinahabol habol daw yan ng girls pero mailap ang lolo mo. Ang latest niya atang kafling si Lara yung nanalong Miss Xavier last year. Balita ko tinapon na ni Bullet ang bruha pero feeling gf na habol ng habol." Wow! Ang galing naman ni Yvette. Nag-imbestiga talaga?

"Kawawa naman siya. I'm sure masakit yung idump ka ng isang taong mahal mo ano bes? Yun bang matapos mong ibigay lahat iiwan ka na lang ng walang dahilan." Medyo naawa ako sa girl na Lara ang name. So playboy pala ang gwapong yun?

"Bes galante naman daw yang si Bullet sa mga babae niya noh. Balita ko bilmoko din yang si Lara. At pag napunta sila sa mall na pag-aari nila Bullet bigay lahat ang magustuhan ng girl." Kwento pa niya.

"Grabe naman yan. Ang yaman pala ang pamilya niya ano bessy? Eh di ngayon pa lang basted na ang beauty ko sa kanya." Nalulungkot kong sabi.

"Di lang rich Bes. Mega super rich pa. Bukod sa malls at hotels may airline company pa ata ang mga Lagdameo. Di ba nga dating senador ang daddy niya at kahit di pa pumasok sa pulitika talagang old rich ang mga Lagdameo. May plantation ata sila ng pinya at saging sa Bukidnon. At baka tumakbong gobernador ata doon yung kuya ni Bullet, yung sikat na businessman na si Miguel Lagdameo." Tuloy tuloy pa din niyang kwento habang kumakain.

"Ang yaman nga Bes. Nakakalungkot naman na ganun siya kayaman. Mas lalo tuloy ako nawawalan ng pagasa na kahit paano mapansin niya ako. Sabagay sino ba naman ako para mapansin ng isang Bullet Lagdameo. Kung yung mga magaganda nga at mayayaman sa Xavier ginagawa lang niyang fling ako pa kaya na isang hamak na scholar lang. Bakit ba kasi sa dinami dami ng lalaki sa mundo mukhang sa kanya pa ata ako maiinlove Bes." Madrama kong sabi. Nakaramdam nga ako ng totoong lungkot. Bigla akong nagising sa sandali kong ilusyon.

"Hooooy!! Kimberly Marasigan huwag na huwag mong maliiitin ang sarili mo. Una sa lahat maganda ka, inside and out. Pangalawa matalino ka. Kung di ka man pansinin ng Bullet na yan , marami pa diyan bessy. Malay mo naman mainlove din siya sayo. Walang imposible dito sa mundo."madamdamin ding sabi ni Yvette.

"Bes sa teleserye lang nangyayari yun. Sa totoong buhay ang magkakauri ang nagkakatuluyan." Nakangusong sabi ko.

Hatinggabi na pero di pa rin ako makatulog. Di na masyadong sumasakit ang balakang ko. Kung meron man sigurong sumasakit ngayon ay ang kalooban ko. First time ko pa lang magkagusto sa isang lalaki, mukhang waley na waley pa. Suntok sa buwan. Pag-aaral na lang siguro ang dapat kong atupagin. Siguro mabuti na rin tong ganito na mahirap abutin yung lalaking gusto ko. Mas mapagtutuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko.

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon