Chapter 23

492 17 0
                                    

Chapter 23

Nagkakamot ng ulo siyang pumasok sa banyo para magbihis. Naririnig ko mula sa labas ang ugong ng malakas na hangin at ang paghampas ng ulan sa salamin ng bintana. Nakakaramdam na ako ng gutom, hindi nga pala ako kumain ng tanghalian dahil late na kami nagbreakfast kanina. Umupo ako sa gilid ng kama at sinuot ko ang aking black sneakers. Saan kaya pwedeng kumain dito?

Lumabas si Bullet na nakabrown cargo shorts lang, tinutuyo niya ng tuwalya ang basa niyang buhok. Ano ba naman tong Bullet na to, napakahilig rumampa ng topless. Nauubusan tuloy ako ng hininga sa nakikita ko. Whew! Bakit ba biglang uminit dito? Ang lakas naman ng aircon.

"Magdamit ka nga babe! Ang lamig lamig ng panahon. Para kang boldstar, hubad ka ng hubad."

"Tsss ang sakit ng likod ko babe.My back is killing me. Kahapon pa to sa game. I strained some muscles. Damn! it hurts like hell." Nakangiwi siya habang isinusuot ang tshirt na nilatag ko sa kama.

"Babe gutom na ako. May makakainan ba dito?" Sabi ko. Lumapit ako at hinagod ang likod niya.

"Yeah, downstairs. But don't expect to much. This ain't a five star hotel you know." Halata sa mukha na may iniindang sakit.

"It's okay. Sa sobrang gutom ko ngayon, kahit ano kakainin ko."

"Really?? " may ngiting naglandas sa kanyang mga labi. "As in anything?"

"Tigilan mo na ako Lagdameo. Di makakalusot sa akin yang mga paandar mo noh. Matuto kang maghintay. May tamang oras para sa lahat ng bagay." Hinampas ko siya sa braso.

"Aray! Babe naman. Injured na nga, dinadagdagan mo pa. May galit ka pa ba sa akin?"

"Sorry na babe, kain na nga kasi tayo please. Naduduling na ako sa gutom. Ayan!! Doble na ang tingin ko sayo."

Bumaba kami sa first floor at tumuloy sa maliit na restaurant ng hotel. May ilang guest ang kumakain na ng hapunan. Mukhang nastranded din sila dito dahil sa bagyo. Umupo kami ni Bullet sa mesang nasa bandang sulok. Lumapit sa amin ang isang babaeng waitress na sa tingin ko ay nasa mga twenty ang edad. Inabot niya kay Bullet ang menu habang panay ang pagpapacute. Medyo yumuko pa para ilantad ang kanyang cleavage. Tinitigan ko siya ng masama at kinuha kay Bullet ang menu.

"Babe gusto ko tong sinigang tapos beefsteak ,saka fried chicken then plain rice." Sabi ko habang hinahawakan ko ang braso niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Sinadya ko yung ipakita sa waitress.Biglang itong napasimangot.

"Sure. We will have those miss." Sabi niya sa waitress. "Gusto mo ba ng juice babe? How about hot chocolate?" Nginitian na naman siya ng babae.

"Orange juice na lang babe." Malambing kong sabi. Ano bang klaseng nilalang ito. Lahat na lang ng puntahan namin ang daming nagpapapansin. Kainis!!

"Okay orange juice and bottled water please. Can you make it fast? Were starving." Ngiti niya sa waitress.

"Sige po. Basta po para sa inyo sir walang problema." Mas lalo pang pinapungay ng bruhang waitress ang kanyang mga mata at umalis na.

Grrrr... Flirt! Di naman aware ang lalaking to na inaakit akit na siya. Buti na lang nasa mood siyang maglambing ngayon dahil inakbayan niya ako at hinahaplos haplos ang buhok ko. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya at binulungan ko siyang parang bubuyog.

"Babe...."

"Hmmmm?"

"Love mo ba ako?"

"Tsss. Do you really have to ask me that?"

"Siguro type mo yung waitress noh?"

"Whattt???"

"Ang lagkit ng tinginan nyo."

"Babe, magmula ng maging tayo hindi na ako tumitingin. Honestly i don't even remember how she looks. I can't remember her face either." Seryosong sabi niya.

True to his word, nung iserve ng waitress ang food ay di naman siya pinagtuunan ng pansin ni Bullet. Sa akin niya binigay ang kanyang buong atensyon niya.Nilagyan niya ng pagkain ang isang plato at sinubuan niya ako. Ang sweet rin pala ng gwapong ito.Feel na feel ko na iisang plato ang aming pinagkakainan. Nakasimangot kaming iniwan ng waitress ng makitang sinusubuan ako ni Bullet.

Pagkatapos kumain ay umakyat na kami. Wala namang ibang magawa, di rin kami makalabas dahil sa lakas ng hangin at ulan sa baba. Tumuloy ako sa banyo para magtootbrush. Nakahiga siya sa kama habang nanonood ng cartoon network ng lumabas ako. Sumampa ako sa kama at umupo sa tabi niya.

"Babe dapa ka. Dali!" Sabi ko.

"Ha?? Bakit?"

"I'll massage your back. Di ba sabi mo masakit."

"Yeess!! I knew it. Di mo talaga ako matitiis." Dumapa siya at sumubsob ang ulo sa unan.

Sinimulan kong hagurin ang balikat niya. Medyo diniinan ko ang pagmasahe sa balikat niya. Hinanap ko ang mga muscles niyang naninigas at minasahe ko ang mga ito. Mga kalahating oras ang ginawa kong paghagod sa likod niya. Tinignan ko ang mukha niya. Nakatulog na. Napagod talaga siguro siya. Pinagmasdan ko ang mukha nito habang natutulog. Ngayon ko lang napansin na may nunal pala siya sa ilalim ng kanang mata. Hay, ang gwapo gwapo at ang linis linis naman ng mukha ng taong ito. Sino ba naman ang hindi mahuhulog? Tumabi ako sa kanya at kinuha ko ang kumot tinakip ko yun sa aming dalawa. Malamig ang buga ng aircon dahil sa malakas na ulan. Yumakap ako sa kanya at dinikit ang mukha ko sa mukha niya. Naramdaman kong unti unti ng bumibigat ang mga mata ko.

Nagising ako na may marahang humahalik sa mukha ko. Nagmulat ako ng mata. Madilim sa kwarto. Pinatay niya siguro ang ilaw habang natutulog ako. Dumampi ang labi niya sa labi ko at hinalikan niya ako ng magagaan. Hinawakan ko siya sa batok at tinugon ko ito. Kusang bumuka ang mga labi ko, upang palalimin ang halik niya. Nawawala na ako sa sarili habang tinutugon ko ang bawat atake niya sa labi ko. Siya ang unang kumalas. Kapwa kami naghahabol ng hininga habang hinahaplos niya ang mukha ko.

"Are you sure you wan't me to wait for three months?" Napapaos niyang tanong.

"Hindi mo ba kaya?"

"I don't know babe. Susubukan ko okay? But damn this is driving me crazy."

"Babe , you cant rush things. May tamang oras para sa lahat. The longer you wait for something, the more you appreciate it when you get it." Sabi ko.

"You are definitely worth waiting for babe."

"Tsss. I love you babe." Malambing kong sabi habang bumababa ang labi ko sa leeg niya. Hinalikan ko siya doon at kinagat kagat.

"Babe pag di mo yan tinigilan hindi ko na na mahihintay yang three months. I'm losing my patience Shane."

"Hmmp! Payakap na nga lang. Ang ginaw ginaw naman kasi. Tutuloy pa ba tayong Vigan bukas babe?" Yumakap na lang ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"I don't think so. Bumabagyo pa. Tignan na lang natin bukas kung saan tayo pwedeng pumunta. Tulog ka na ulit babe."

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon