Chapter 28

526 16 0
                                    

Chapter 28

Pagkatapos ng huli kong exam ay lumabas na ako ng classroom. Nasa labas na si Bullet, nakasandal siya dingding ng corridor at mukhang bagot na bagot na. Medyo napangiti siya ng makita niya akong papalapit.

"Well is about time. Akala ko makakatulog na ako dito." Kinuha niya sa akin ang dala kong mga libro.

"Nainip ka ba? Sorry babe, ang hirap kasi nung last subject. Parang dinugo ata ang utak ko." Hinawakan ko siya sa braso.

"It's okay babe i'm just kidding."

"Tapos na ang first semester babe, sem break na. Gusto mo magbakasyon tayo sa Baguio?" Tanong ko.

"Hmmm. How about if we go to Singapore instead."

"Dun ba ang gusto mo? Pwedeng isama si Yvette? Baka kasi di ako payagan ni Tita Maggie kung tayo lang dalawa babe."

"Sure. You can even bring that gay friend of yours.Pag-usapan natin bukas. But tonight its Owen's birthday party. You are invited so we're going. I think Champ is going with Yvette. Isama mo na rin si Ivan, kawawa naman. Alam ko namang patay na patay yun kay Arvin." Nakangiti niyang sabi. Naglalakad na kami papuntang parking lot.

"Sige. San ba gaganapin yung birthday party niya?"

"Sa Maze. Ihatid na muna kita sa bahay babe. Uwi muna ako para magbihis. Sunduin na lang kita mamayang eight ha." Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

"Magkita na lang tayo dun babe, sabay na kami ni Ivan." Sabi ko pagkaupo niya sa driver's seat.

"Are you sure?"

"Oo naman para di ka na mapagod at kawawa naman si Ivan kung pupunta siya doon mag-isa." Tumagilid siya at may kinuha sa likod na upuan.

"This is for you babe." Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng pink at yellow tulips.

"OMG! Babe, ang ganda naman neto. Thank you." Hinalikan ko siya ng maraming beses sa pisngi.

"Ayoko ko diyan. Para naman akong bata." Seryosong sabi niya.

"Sige dito ba lang." Hinalik halikan ko siya sa leeg.

"Hmmm. Ayaw ko pa rin." Hinawakan ko siya sa batok at hinila ko palapit ang mukha niya.

"Sige dito na lang." Hinalikan ko siya ng madiin sa labi. Ang lapad ng ngiti niya.

Exclusive ang party ni Owen sa Maze, sarado yun sa public. Sumabay na rin sa amin ni Ivan si Yvette. Sa bar na rin daw sila magkikita ni Champ. Okay na ang dalawa, di pa daw sila officially pero nanliligaw daw si Champ. Masaya naman
kami ni Ivan para sa kanya. Nahirapan maghanap ng parking si Ivan dahil sa dami ng sasakyan. Mukhang marami yatang bisita si Owen. Pagpasok namin ay natanaw kong nakaupo sa bar si Bullet, katabi niya si Jb. Nilapitan nina Yvette at Ivan si Champ na nakaupo sa isang mesa kasama si Arvin. Lumapit naman ako sa nakatalikod na si Bullet at niyakap ko siya sa likod.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at lumingon siya." Hi babe, you're here."

"Parang bigla kitang namiss" sabi ko. Humarap siya at inakbayan ako.

"I told you. Dapat sinundo na lang kita." Niyakap ko siya ng mahigpit sa bewang. Ano ba tong nararamdaman ko. Parang kinakahan ako.

"Di bale babe, nandito ka na. I feel better." Pero bakit parang may nararamdaman akong lungkot?

"Tara let's find Owen. Di ko pa nakikita ang celebrant."malambing niyang sabi.

"Anong nangyari kay Jb? Bakit iniwan mo siyang mag-isa diyan sa bar?" Tanong ko ng makita kong umiinom mag-isa sa bar si Jb.

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon