Chapter 21

588 19 0
                                    

Chapter 21

Dinatnan ko sa sala sina Yvette at Ivan. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Niyakap ako ng mahigpit ni Yvette ng makita ang mga luha sa mata ko.

"Bessy! Anong nangyari? Okay ka lang ba? Nababaliw na kami sa paghahanap sayo kanina."

"Okay lang ako bes. Sige akyat na ako sa kwarto ko. Gusto kong mapag-isa." Pinahid ko ng kamay ko ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa mga mata ko.

Di na ako nagbihis, humiga ako sa kama at umiyak ng umiyak. Lumalakas na ang buhos ng ulan sa labas. Pati langit ay nalungkot sa sinapit ng puso ko. Heto na nga bang sinasabi ko eh. Bakit kasi di nagpapigil tong puso ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Narinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Bes, nasa labas si Bullet! Ayaw pumasok. Babain mo na please. Basang basa na siya ng ulan!" Naguguluhang sabi ni Yvette.

Tumayo ako at binuksan ang bintana. Nakasandal siya sa pintuan ng montero niya. Nakayuko. Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan, sumunod pa ang malakas ng kulog at kidlat. Basang basa na siya. May sasakyan naman bakit kaya di sumilong? Bumalik ako sa kama at tulalang umupo. Hindi ako makapag-isip. Blangko ang utak ko. Tanging naririnig ko ay ang malakas na kalabog ng nasasaktan kong puso. Paglipas ng kalahating oras ay dumungaw ulit ako sa bintana. Nandun pa rin siya. Pakshet! Di ko na naman natiis. Bumaba ako at kinuha ang payong sa kusina. Tumakbo ako sa labas at binuksan ang gate. Tumayo ako sa harap niya at pinayungan ko siya. Di ako nagsalita. Nakatayo lang ako, habang nakayuko siya. Dahan dahang umangat at ulo niya at tinignan ako sa mata.

"Napapagod ka na ba talagang mahalin ako babe?" Namumula ang mga mata niya. Di ko alam kung umiiyak siya dahil basang basa ng ulan ang mukha niya.

"Ganun ba ako kahirap mahalin? Why are setting me free? I didn't ask for f*cking freedom! Don't do this to us babe. Promise wala ng ibang babaeng makakalapit sa akin. Just take me back. Please, mahalin mo na ulit ako babe." Pinipiga ang puso ko sa bawat salitang binitawan niya. Natunaw na naman lahat ng galit ko. Gumalaw ang kamay ko at kinuha ko ang isang kamay niya.

"Basang basa ka na. Bakit ka kasi nagpapaulan? May dala ka bang damit sa bag mo?"Humihikbi na ako.

"Yeah. Meron." Mahina niyang sabi.

"Kunin mo." Sumunod naman siya. Kinuha ang bag niya sa backseat. Hinila ko siya sa kamay para pumasok sa gate. Binuksan ko ang pinto at tinulak ko siya papasok ng bahay. Iniwan ko ang payong sa garahe.

Sabay na napatingin sina Ivan at Yvette sa amin. Nanonood sila ng dvd sa sala. Tulala silang dalawa ng makitang humihikbi ako hinihila si Bullet paakyat sa hagdanan.

Umakyat kami sa taas, papunta sa kwarto ko. Pumasok kami sa loob. Nilock ko ang pintuan. Binuksan ko ang closet at kumuha ako ng isang puting towel. Inabot ko yun sa kanya at tinuro ko ang banyo.

"Magbihis ka sa loob." Sabi ko. Sumunod naman siya ulit. Binuksan niya ang banyo at pumasok siya dun.

Nanghihina akong umupo sa kama. Tinanggal ko ang suot kong sapatos, tapos ay humiga ako. Lumabas siyang nakabihis na. Pinatay niya ang ilaw at humiga siya sa tabi ko.Walang nagsasalita. Niyakap niya ako at hinagilap ng mga labi nya ang labi ko. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at pumaikot sa batok niya. Inangat ko ulo ko para salubungin at palalimin ang mga halik niya. Kapwa na kami nawala sa sarili. Mas naging mapusok at madidiin ang kanyang mga halik. Miss na miss namin ang bawat isa. Kapwa kami naghahabol ng hininga ng maghiwalay kami.Pinaglakbay ko ang labi ko sa leeg niya. Kinagat kagat ko siya at hinalikan doon.

"Namiss ko yan babe. Yang pagka addict mo."Seryoso niyang sabi.

"Huwag mo na ulit gagawin yun." Sabi niya ulit. Umupo ako tiningnan ko ang mukha niya. Seryoso pa rin.

"Ang alin?" Humiga ulit ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Yung ginawa mo kanina. Wag mo ng ulitin yun. Hindi ko alam ang gagawin ko. Until now parang may nakadagan pa dito. Nahihirapan akong huminga." Tinuro niya ang dibdib niya.

"Nagpromise ka babe. Tuparin mo yung promise mo. Ayaw ko siyang lumapit sayo." Nakasimangot kong sabi.

"Promise nga. Sige na, matulog ka na."

"Dito ka matutulog?"

"Ayaw mo ba?"

"Dito ka lang. Wag kang aalis." Niyakap ko siya ng mahigpit.

Mataas na ang araw ng magising ako. Wala na siya sa tabi ko. Naiwan sa unan ang amoy ng pabango niya. Amoy na kahit nakapikit ako ay alam kong sa kanya lang. Asan ba yun? Di man lang nagpaalam.Pumasok ako sa banyo. Nagtoothbrush ako at naghilamos. Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan. Kumakain na ng almusal sina Ivan at Yvette. Sabay silang napatingin sa akin.

"Halika bessy, kain na tayo." Yaya ni Yvette.

"Asan si Bullet?" Tanong ko.

"Maagang umalis. Hindi ba nagpaalam sayo?"

"Hindi." Busit na yun. Ang emote emote tapos iiwan naman pala ako.

"Bakit nandito ka pa beks? Dito ka ba natulog?" Tanong ko kay Ivan.

"Pano ako makakauwi, nakaharang yung montero ng jowa mo sa garahe, di ko mailabas ang kotse ko!" Tili niya.

Umupo ako sa tabi ni Ivan. Kinuha ko ang plato at sumandok ako ng kanin. Humanda ka sa akin Lagdameo. Nakakainis. Nilayasan talaga ako ng walang paalam. Nagtitimpla ako ng kape ng biglang may nagdoorbell. Tumayo si Yvette para buksan ang pinto. Pagbalik niya ay kasama na niya si Bullet. Basa pa ang buhok, bagong paligo. Bumalik sa upuan niya si Yvette at tumunganga silang dalawa ni Ivan habang tinitignan nila kami ni Bullet.

"Good morning babe. Ang sarap ng tulog mo kaya di na kita ginising." Lumapit siya sa akin at inabot ang isang malaking bouquet ng pink roses. Sheet. Ang sweet naman ng gwapong ito.

"San ka ba kasi nagpunta?" Kunwari ay galit ako. Nilapag ko sa table ang mga bulaklak at tinignan ko siya ng masama.

"Umuwi lang ako sandali. May kinuha lang ako sa bahay." Hinila niya ang isang upuan at umupo sa tabi ko.

"Hooy!!! Ayos din kayo noh. Parang wala kami dito!!!" Tili ni Ivan. Natatawang hinampas ko siya sa braso.

Pagkatapos kumain ng almusal ay umakyat ako at bumalik sa kwarto. Sumunod si Bullet. Nilock niya ang pinto at umupo siya sa gilid ng kama ko.

"Come here babe. Upo ka dito." Tinapik niya ang space sa tabi niya. Lumapit ako at umupo.

"I'm not busy today until tomorrow. Gusto mo punta tayo sa Tagaytay? Tayong dalawa lang. I'm all yours. Solong solo. What do you think?" Masayang sabi niya.

"Babe may gig kami mamaya sa Maze. Sorry."

"Call Josh. Magdahilan ka. Sabihin mo may emergency. Tell him were fighting." Iritadong sabi niya.

"Babe naman, nakakahiya sa kanila.Mga kaibigan ko din naman sila."

Dumilim ang mukha niya. Humiga siya at sinandal ang kanyang ulo sa headboard ng kama. Di na siya nagsalita. Kinuha niya ang isang unan tinakip sa mukha niya.Pakshet! Anong gagawin ko? Gusto kong makasama si Bullet, pero pano ang banda? Syempre di ko siya kayang tiisin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Josh.

"Hello Josh. I'm sorry but i can't make it tonight. Pasensya ka na pero kasi sinusubukan naming ayusin ni Bullet ang relasyon namin. Gusto ko sanang bigyan ng panahon ito para mapagusapan yung mga dapat naming ayusin." Nag-aalala din ako na baka magtampo si Josh.

"It's okay Kim. Alam kong may pinagdadaanan kayo. Katatawag din lang ni Nikki . She's back. So don't worry about us. Ang importante maayos nyo ang relasyon nyo ni Bullet. I want you to be happy."

"Thank you so much Josh. Thanks for being so understanding.Bye."

"Okay bye Kim,"

Pagkatapos kong kausapin si Josh ay binalik ko ang cellphone sa bag ko. Bumangon si Bullet sa pagkakahiga at hinila ako paupo sa kama. Nakangiti na siya. Nasunod kasi ang gusto niya.

"Why don't we just drive North instead, tignan natin kung hanggang saan tayo makarating. It's more exciting. Just you and me going nowhere." Bulong niya sa tenga ko.

"Oo na. Bumaba ka muna maliligo ako. Dun ka sa sala maghintay." Inis na sabi ko.

Heartbreaker (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon