Author's POV:
7AM nagising na si Hera, masakit ang ulo at ang buong katawan nya. Tinignan nya si Martin na natutulog padin sa tabi nya.
Then suddenly, she remembers what happened last night, di nya alam kung bakit pumayag syang mangyari ang lahat ng iyon. Mali. Maling-mali ang nangyari pero wala na syang magagawa dahil tapos na.
Nagmadali syang bumangon at isa-isang pinulot ang mga damit nya pagkatapos pumasok sya sa restroom.
Sinuot nya ang mga damit nya at inayos ang sarili in front of the mirror.
Hera: Hera! Anong ginawa mo? Diba strong ka? Bakit ka nahulog? Matagal mong iningatan ang sarili mo, tapos ganito? Binigay mo yung sarili mo sa isang guy na kaki-kilalala mo pa lang? You didn't even know his name, My God, Hera! Ano 'to? Kala ko ba strong ka? Matalino ka naman, Bakit nagpadala ka sa emosyon mo? Shit! Sya pa ang nakauna! Ang tanga mo talaga Hera, kala ko ba you'll only do that thing when you're married, matagal mong ni-reserve ang sarili mo tapos ngayon nakipag-one night stand ka?
at nag-start na syang mag overthinking:
Hera: What if, yun talaga yung plan nya, makikipag-close tapos pagnakuha na nya yung gusto nya iiwan ka na nya, and now nakuha na nya, so meaning iiwan na nya ako? (*breathes in and out) You're so stupid, Hera! Pwes! Uunahan ko na sya!
Lumabas sya ng restroom, at inimpake ang lahat ng gamit nya, she didn't make any noise para di magising si Martin.
Nang matapos na syang mag-impake tinignan nya si Martin na mahimbing pading natutulog.
Hera: Goodbye! I really enjoyed our moments together, you really made me so happy, pero yung ginawa nating 'to maling-mali! I'm not sure kung tama ba yung decision ko na iwan ka pero I have to do this! Uunahan na kita bago mo pa ko masaktan. Please be happy!
For the last time, she kissed him on his forehead and leave
_______________________________________________________
9AM na nagising si Martin. Pagmulat nya nagulat sya na sya na lang mag-isa sa room.
Martin: Love?! Loooooove!
Tumayo siya at sinuot ang mga damit nya. Inikot nya ang buong room pero hindi nya ito nakita.
Martin: Baka na sa pantry!
Lumabas sya ng room pero di nya parin ito nakita, tinanong nya ang caretaker ng villa at sinabi nito na umalis na si Hera kanina pa. Nagtataka sya sa mga nangyayari. Bumalik sya ng room ni Hera
Martin: Bakit iniwan nya kong mag-isa? May emergency bang nangyari? Dapat ginising nya ko! Malamang nasa hotel na sya! Kaylangan ko syang maabutan dun dahil di ko natanong kung ano ang travel plan ngayong Friday.
Agad nyang inayos ang gamit nya at nag check out.
_____________________________________________________________
Nakarating na si Hera sa hotel, pagdating nya sa room nya, inimpake nya ang lahat ng gamit nya, kaylangan na nyang umalis doon dahil siguradong pupuntahan sya doon ni Martin.
Nag-check out sya sa hotel at pumunta na sa last part ng vacation nya, sa Sienna. ALam nyang kaduwagan ang ginawa nya pero yun ang alam nyang tama na gawin for now. Hindi nya kayang harapin si Martin pagkatapos ng nangyari sa kanila.
Ang nasa isip nya lang ngayon ay lumayo. Pinaubaya na lang nya sa Diyos ang susunod na mangyayari.
Are they going to meet again or not? That is the question. And, for now, she'll let destiny takes its course.
Nakarating na si Martin sa hotel ni Hera. He asked the receptionist. Nagulat sya ng malaman na nag-check out na si Hera. Hindi nito binigay ang pangalan dahil labag iyon sa rules ng hotel nila. Ngayon hindi na nya alam kung saang lupalop ng Italy nya ito hahanapin.
Martin: Seryoso ba 'to? Love, bakit mo ko iniwan? Wala lang ba lahat ng pinagsamahan natin? Bakit mo ko pinahihirapan ngayon?
Clueless parin sya at di nya maintindihan ang mga nangyayari. Gulong-gulo sya at hindi alam ang gagawin.
Bumalik sya sa hotel nya at nagpahinga sa room nya. Babalik na sya sa Pilipinas tomorrow, pero nawalan na sya ng ganang umuwi.
Ang plano nya dapat ngayong araw ay sulitin ang last day nya sa Italy with Hera, he even reserved a romantic dinner at Chanti cafe to surprise her, tatanungin na sana nya ang name nito at sasabihing mag-meet parin sila kahit nasa Pilipinas na sila, lahat ng plans nya ay napunta sa wala at ngayon mas na-surprise sya sa ginawa ni Hera. Umalis ito without leaving any trace.
Martin: Why did you leave, Love? Hindi ko pa nga alam kung anong name mo, pano kita hahanapin sa Pilipinas? May picture ka sa phone ko blurred naman.
Kinuha nya ang phone nya at tinitigan ang blurred picture ni Hera
Martin: Love, pinagsisihan mo ba yung nangyari satin last night, kaya ka umalis? Kasi ako hindi, last night is the best night of my life, yet. Ngayon sabihin mo pano kita hahanapin? Ang sakit mo talaga sa ulo!
Hindi namalayan ni Martin na napaluha na pala sya, natawa sya habang pinupunasan ang mata nya
Martin: Strike 2! Umiiyak ka nanaman dahil sa babae, di ka na talaga natuto, Martin. Iniwan ka nanaman. Sabi na eh, kapag sobrang saya may lungkot na darating pagkatapos. Gagong buhay 'to! Kahit kaylan hindi naging tama! Di ko ba deserve na maging masaya?
Kinuha nya ang unan at tinakip sa mukha nya, natulog lang sya buong maghapon. Itinulog na lang nya ang sakit.
YOU ARE READING
Meant to be yours
RomantikTrue love comes when you least expect it but what if you found love via one-night stand? Is it possible? A one-night stand story.