Nalalabuan parin talaga ko pero sinakyan ko na lang mga rules nya, wala eh, gusto ko syang makasama at makilala pa. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito, yung feeling na you want to get close with someone. Naisip ko baka di na mangyari ulit, kaya I should take this chance and take a risk to get to know her more.
Hindi ko alam kung bakit napaka-taas ng walls nya, ang hirap tibagin, ang tibay. Bakit kaya ganun na lang nya protektahan yung sarili nya? Sa mindset nya kanina mas lalo ko pang gusto syang kilalanin, gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ganun na lang nya protektahan ang sarili nya.
I can't define what I'm feeling right now, all I know is gusto kong makapasok sa buhay nya, gusto ko, ako yung makatibag ng walls na binalot nya sa pagkatao nya.
Hindi ko alam kung tama na ininis ko sya, pero at least alam nya na hindi ako yung tipo ng tao na basta na lang susunod sa rules nya. I want her to see na handa kung gawin lahat para lang mabigyan nya ko ng chance na tuluyang makapasok sa buhay nya.
Alam ko masyadong pang maaga para sabihin na love 'tong na-fe-feel ko, kahit ako hindi rin alam kung ano ba 'to, now lang ako nagka-ganito sa isang tao, I might as well follow what my heart wants, eh ano kung masaktan in the end? At least I tried, Oops is better than what ifs, right? and besides nasaktan nadin naman ako ng sobra noon, so kung masaktan man ako ngayon sisiw na lang sakin yun.
Grabe, pinirmahan nya parin? Sinadya ko na ngang i-OA yung rules ko para magbago na yung isip nya na sumama sakin pero tinanggap nya parin? Bakit? Ang weird nya, ganun na ba sya ka-desperate para may makasama sa travel nya? Edi sana kumuha na lang sya ng tour guide, diba?
To be honest, hindi ko alam kung bakit ayaw ko syang makasama, natatakot kasi ako, now na lang ulit ako nag-entertain ng guy, di ko na alam kung pano, di ko alam kung nag-te-take advantage na ba or what.
He's right, tinaasan ko talaga yung walls ko dahil sa 2 failed relationships ko before, I was in college nun. Young love, inosente, madaling maloko, madaling palitan, kaya from there sinabi ko sa sarili ko na I don't need a man to be happy. I started to reinvent myself, version 2.0 ganun. I tried dating din pero lahat di naging successful, lahat sila umatras. Di ko alam kung bakit, siguro nakita nila na sarado ang isip ko sa pakikipag-BF. Siguro I was not ready that time or maybe wala sa kanila ang tamang tao.
Kaka self love ko tumaas yung standards ko sa taong deserving na pumasok sa buhay ko. At tama sya napakataas nga ng walls na tinayo ko para sa sarili ko pero masisisi ba ko ng mundo kung bakit ganun? I just want to protect myself, pero kahit naman mataas ang walls ko nasasaktan padin naman ako noh?! Strong woman still need their hands held. Siguro yung tamang tao ang makakatibag ng walls na 'to.
Kaya yung love life ko pinaubaya ko na lang kay God at sa destiny. I believe, he will come at the right time.
Author's POV:
Matapos ang ilang minuto:
Martin: Love, kanina pa tayo naglalakad, san ba tayo pupunta?
Hera: Will you please stop calling me that?
Martin: eh, ayaw mong ibigay name mo eh, maganda na yung Love, kesa Hoy diba? Kung Ms. naman masyadong formal, and besides pumayag ka na diba?
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hera: sumasakit ang ulo ko sayo!
Martin: Haha ano, san na tayo pupunta? What's your plan?
Hera: we will go to Florence, my schedule for today is food tripping at Florence
Martin: Wow! Gusto ko yan, let's go?!
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hera: Nga pala, I forgot to say na I'll stay their until tomorrow then will go straight to the vineyard ng Thursday
Martin: oww, you should have told me, para nakapagdala ako ng extra clothes
Hera: Sorry, I forgot to tell you, nawala sa isip ko na may kasama na pala ko sa mga lakad ko
Martin: okay lang, let's go muna sa hotel ko, I'll get some clothes then alis na tayo after
Hera: okay!
Nag-antay sya sa lobby ng hotel na iniistayan ni Martin, hinintay nya ito at ng matapos pumunta na sila sa Florence.
Ng marating nila ang Florence, nag tour sila sa tourist spots doon, parehas nilang na-enjoy ang araw na iyon at di nila namalayan na gabi na pala dahil sa sobrang saya ng paglibot nila sa mga sikat na places doon.
Martin: gabi na, we should look for a place to stay
At naghanap na sila ng hotel na pwedeng matuluyan, medyo nahirapan silang maghanap at first pero nakapag-check in din after 2hours. Parehas silang pagod kaya dumerecho na sila sa mga rooms nila. Magkatapat lang ang room nila, ng papasok na si Hera sa room nya, biglang nagsalita si Martin
Martin: Ahmm, thanks for today, Love! Sobrang nag-enjoy ako. Ang saya mong kasama. Thanks for saying yes na makasama ako sa mga gala mo! Good Night!
Napaka-simple lang nya, at yun ung mas lalong nagpapaganda sa kanya, appreciative din gaya ng Mom, nakikita ko nga ang Mom ko sa kanya kasi marami silang similarities.
Can't wait to spend the day with her again tomorrow, habang tumatagal mas lalo ko syang gustong makasama.
Hera's POV:
Tama ba yung feeling na 'to? Bakit super lakas ng tibok ng heart ko habang nag-te-thank you sya sakin kanina? Self, pigilan mo, di ka marupok, okay?! Ilang araw na lang uuwi ka na ng Pilipinas, maiiwasan mo na sya for good, so for now pakatatag okay?
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.