After 13 long hours nakarating na si Martin, 9AM Manila time.
Sinundo sya ng driver nya, pumasok na sya sa car
Kuya Lito: Welcome back, Sir! Kumusta po ang bakasyon?
Martin: Hello Kuya, long time no see! Ayos naman!
Kuya Lito: Nag-enjoy po ba kayo kahit mag-isa lang kayo?
Natahimik si Martin sa tanong ng driver nya, after ilang seconds sinagot nya rin ito
Martin: nag-enjoy naman, sanay naman na kong mag-isa kuya Lito, parang di ka na nasanay. Tulog lang po ako ah, napagod po kasi ako sa byahe!
Kuya Lito: Okay, Sir! Pero okay lang po ba na magpatugtog ako? Baka po kasi antukin ako
Martin: sige po, basta wag yung loud music!
Kuya Lito tuned in the FM radio, loud music ang biglang nag-play kaya nilipat nya agad ito
paglipat nya saktong ito ang nag-play:
O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Natulog akong ikaw ang kapiling
Ngunit wala ka nang ako'y gumisingO kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Sa isang iglap lang nawala ring lahatMartin: Kuya, pwede bang pakilipat?
Kuya Lito: Ayy, sige Sir! Pasensya na po, Linggo po kasi ngayon kaya luma yung mga kanta!
Inilipat naman ng driver nya ang channel
nasabi niya sa sarili:
Martin: Biwisit na isang linggong pag-ibig yan! Nawala yung antok ko!
Nang makarating na si Martin sa house nila, sinalubong agad sya ng kapatid nito
Dana: Kuya, na-miss kita! How was your stay in Italy? Nag-enjoy ka ba?
Martin: Oo naman!
Sinalubong din sya ng parents nya
Dad: Welcome back, Son! Ano, nakapag-refresh ka na ba? Okay ka na to be busy again? Miss ka na ng opisina mo!
Mom: Dad, kababalik lang nya from Italy pababalikin mo na agad sa work?
Dad: I'm just kidding! Magpahinga ka muna ng ilang days bago bumalik sa work
Martin: I guess, mag-rest ako until tomorrow lang Dad, then will go back to work the day after tomorrow
Dad: Okay, so where's our pasalubong?
Kinuha ni Martin ang bag na may lamang pasalubong
Martin: here Dad, this is for you
Dad: Wow! Eto ung kilalang wine sa Chianti ah! Thanks, son!
Martin: and here's yours, Mom!
Mom: a scarf! So nice! Thanks, son! In fairness ang ganda ng style! I love it!
Naalala nya bigla si Hera, dahil sya ang pumili ng scarf na iyon, pati ang shoes na binigay nya kay Dana
Dana: Kuys, this is so beautiful! Thank you! Magaling ka ng pumili ngayon ah!
Kinwento nya sa family nya ang nangyari sa Italy except yung part na nakilala nya si Hera. Gusto nyang i-secret muna ito sa ngayon.
_______________________________________________

YOU ARE READING
Meant to be yours
RomansaTrue love comes when you least expect it but what if you found love via one-night stand? Is it possible? A one-night stand story.