Nagising si Hera ng 9AM, second day nya sa Sienna and today is the last day of her vacation. Tomorrow morning ang flight nya pabalik ng Pilipinas.
Naghanda na sya para sa gagawin nya ngayon, shopping ang schedule nya for today.
Half day rin syang nag shopping, nabili nya ang mga kailangan nya, kung tutuusin she did what is written on her itinerary pero bakit hindi sya masaya?
Alam nya ang dahilan pero ayaw na nyang isipin pa.
Hera: wag mo na syang isipin okay? Yung lungkot na 'to, matatapos din 'to, in time, malilimutan mo rin lahat!
2PM ng makabalik sya sa hotel, inayos na nya lahat ng gamit nya para matutulog na lang sya mamayang gabi.
Pinili na lang nyang mag-stay sa hotel ng biglang:
Hera: Asan na kaya sya? Waaah! Self, stop! Bakit ba kasi kita na-mi-miss? Should I go to him, for what? for a closure?
At bigla syang tumayo at umalis. Hindi sya sigurado sa ginagawa nya, she's just following what her heart wants.
She's now on her way to the hotel where he's staying. She asked the receptionist, and she said na nag-check out na sya kanina pang umaga.
Hera: I'm late! Sobrang late! Baka di lang talaga meant to be. I guess it's time to move on now.
6PM ng makabalik sya sa hotel, she had her dinner at nag sound trip sya after
Now playing:
Loving can hurt, loving can hurt sometimes But it's the only thing that I know When it gets hard, you know it can get hard sometimes It is the only thing makes us feel alive
Hera: Nananadya ka ba Ed?
She clicked the stop button and decided to sleep early para mas may energy sya para sa flight nya tomorrow.