Athena's POV:
Oo, alam kong mali, pero gusto ko syang makausap. Gusto kong malaman nya na pinagsisihan ko na iniwan ko sya.
After a year ng break up namin sobrang na feel ko yung absence nya, sobrang na-mi-miss ko sya, nag-try akong makipag-date para makalimot pero di parin.
Sa loob ng 3 years hinayaan ko sya na magpatuloy sa life nya, nag-tatanong lang ako kay Mara for updates, gustong-gusto ko na syang balikan nun pero naduwag ako.
Ang tagal kong inipon 'tong tapang na 'to to face him again, and now that I am ready to win him back biglang may girlfriend na sya, may anak pa with a girl he just met in Italy! Gano sya ka-sure na mahal nya yung girl na yun eh kaka-kilala nya lang sa kanya. Is that possible? Mahal mo na agad?
Nasa Milan ako for a photoshoot nung malaman ko from Mara na nasa Italy sya, I was excited, feeling ko sinadya ng destiny na nasa iisang place lang kami, binigyan kami ni destiny ng chance to be together again pero di ko alam kung san sya hahanapin sa Italy, pinuntahan ko yung mga places na pinost nya sa instagram pero di ko sya naaabutan.
Kung alam ko lang na dun pala nya makikilala yung Hera na yun edi sana nilibot ko buong Italy para hanapin sya, edi sana walang Baby at ang Hera na yun. Sana ako ang kasama nya ngayon.
Ang tanga ko pinakawalan ko ang kagaya nya. Bumalik ka lang sakin Martin, di na kita iiwan ulit.
Ako dapat yung kasama nya ngayon, yung pinopost nya sa social media accounts nya, ako sana yung Mom of his child. Ako dapat, ako dapat yun!
Pag sinabi kong bumalik ka, babalik ka naman diba, Sweetie?
Haaaay, late night thoughts, makatulog na nga lang may presscon pa ko tomorrow.
Tomorrow is another day!
YOU ARE READING
Meant to be yours
RomanceTrue love comes when you least expect it but what if you found love via one-night stand? Is it possible? A one-night stand story.