Umuwi na muna ang Mom ni Hera sa Masbate, after many days nasanay narin sina Martin at Hera sa pag-aalaga at pagiging parents kay baby Chianti, nag hire narin sila ng house helper para mas matutukan nila si Chianti
One fine morning
Martin: Love, I have to go na!
Hera: Okay, ingat sa pag-drive Love ah!
Martin: Yes, I will, Love!
Tumingin sya kay baby ChiantiMartin: Nagpapacute pa, ang hirap tuloy iwan!
Hera: Aww! True! Nagpapa-cute sya para di ka na umalis!
Martin: I have work, anak! See you later okay? Daddy needs to go to work today!Hera: Love, all day ka bang wala?
Martin: Oo Love eh, after work dadaanan ko si Perci
Hera: Why? May bonding kayo?
Martin: May paguusapan kasi kami
Hera: about what?
Martin: Ahmm, may project kasi syang pinopropose sakin, paguusapan namin later
Hera: Anong project naman?
Martin: Sabihin ko sayo Love, kapag approved na, di ko parin kasi alam yung details eh, paguusapan palang namin
Hera: Ah, okay! Naisip ko kasing ilabas si baby Chianti today eh, can we go with you later?
Martin: Love, gabi na yun, 7PM kami magkikita eh
Hera: Ah, okay! Kami na lang ni Chianti, dadalaw kami kay Ricci
Martin: okay, papadaan ko mamaya si Kuya Manny dito, para ihatid kayo! Wag papagabi Love ah!
Hera: yes, or daanan mo na lang kami dun pag pauwi ka na!
Martin: Pwede naman sige! Antayin nyo na lang ako, daanan ko kayo dun!
Hera: Okay, bye!Nang makarating si Martin sa office nag-report agad sya ng accomplishments nya
after their meeting
Dad: Son, can we talk?
Martin: Sure, Dad!
Dad: let's go to my office
Nang makarating sila sa office ng Dad nya
Dad: Ano, nakaisip ka na ba ng plan mo?
Martin: plan about?
Dad: Diba mag-po-propose ka na? Ano? Ilang days na nakalipas, wala ka pang plan?
Martin: Ah, kala ko work related yung sinasabi mo Dad! Relax ka lang Dad, sobrang naging busy lang kasi ako sa work at sa pag supervise ng house namin ni Hera eh, pero ngayon I'll plan it na! In fact, magkikita kami ni Perci mamaya para pagusapan yun
Dad: Okay, may naisip lang kasi ako
Martin: Cool! May suggestion ka Dad?
Dad: Oo, Kelan matatapos yung house nyo ni Hera?
Martin: malapit na Dad, siguro 5 more months pa, I think bago mag one year old si Chianti tapos na yun
Dad: Mas tutukan mo pa yung house nyo anak, para mas matapos agad
Martin: yes Dad! Bakit?
Dad: Naisip ko kasi na pag tapos na yung house, isabay mo na yung wedding proposal mo, once tapos na yung house, bring her there at dun ka magpo-propose
Martin: Wow! Pwede yun Dad, kaso medyo matagal pa, gusto ko kasi na mag-propose na sa kanya soon!
Dad: Son, I think yun yung perfect timing, mapapakita mo sa kanya na sobrang ready ka na to start your new life with her, may house na for her and Chianti, so kahit 5months from now, worth it yun! Mas marami ka pang time sa pag-plan diba?
Martin: Okay, got your point Dad, pwede nga yang idea na yan! Parang mas gusto ko tuloy na matapos na yung house!
Dad: Kung may way pa na mas mapabilis, mas okay diba?
Martin: Yes Dad, check ko yung house plan, tignan ko kung may way pa para mapabilis. Thanks Dad!
Dad: Pagbutihin mo ah! Kaylangan Yes ang sagot ni Hera!
Martin: Yes Dad! Thanks sa support!
Dad: Always anak, always! I can't wait sa proposal na yan!
Martin: Me too, kinakabahan na nga ako eh, di pa ko nakakapag-isip ng speech
Dad: Kapag andun ka na sa sitwasyon na yun, puso mo na ang magsasalita, Son! Trust me!
Martin: Sana di ako unahan ng kaba Dad! Baka ma-speechless ako!
Dad: sa una lang yung kaba, basta focus, okay!
Martin: Yes Dad! Sa lahat ng event sa buhay ko dito ako mas kinakabahan eh! Kahit di naman 'to first time for me, iba parin yung feeling!
Dad: Kanino ka mas kinabahan, yung proposal mo kay Athena o dito kay Hera?
Martin: Biglaan yung kay Athena, Dad, ni di ko nga naplano ng maayos yun, ang gusto ko lang mangyari nun is magpakasal na kami agad, kaya tinanong ko lang sya and she said yes agad
Dad: Pero itong kay Hera, kaylangan mo ng perfect timing
Martin: Yes Dad, kahit sobrang bilis ng pangyayari saming dalawa, gusto ko parin na perfect lahat pagdating sa kanya, gusto ko magugustuhan nya, I always want her to be happy, kaya kahit yung proposal ko gusto ko sobrang matutuwa sya!
Dad: Hera loves you, Son, kaya kahit anong surprise pa gawin mo, magiging masaya sya!
Martin: I know Dad, pero kasi, basta I only want the best for her! Na kahit may anak na kami, I still want to pursue her and to show her na I'm willing to give my everything to her!
Dad: Son, binigay mo ng lahat sa kanya, no need to prove that to her, your only goal now is to make her your wife
Martin: yes, Dad! Yan talaga ang goal ko and I'll make sure that it will happen soon!
Dad: That's the spirit, son!
YOU ARE READING
Meant to be yours
RomanceTrue love comes when you least expect it but what if you found love via one-night stand? Is it possible? A one-night stand story.