Chapter 8

33 0 0
                                    

" Jusko mga bata kayo, Bat ngayon lang kayo at bat basang basa kayo" sabi ni manang na binigyan niya kami ni andrei na towel.

"Andrei iho, Bat ngayon lang kayo nakauwe nito ni Aya"

"Im going to my room now" Walang gana niya sabi sabay bigay kay manang ulit ang towel at umalis na.

Sa akin naman bumaling si manang.

" Anu ba nangyari at basang basa kayo?"

"Pasensya na ho manang, May nangyari lang ho di maganda. "

Matamlay ko din sabi. Tuwing naaalala ko ung ginawa ni andrei kanina. Hindi ko mapigilan mapaluha.

" Ganun ba. O siya, mag bihis ka na. May pagkain na sa kusina,kung nagugutom ka kumain ka na. " Tumango lang ako at ngumiti.

Andito ako ngayon sa CR, Naliligo, Finifeel ko ang agos ng tubig na tumatama sakin. Na naalala ko na naman nangyari kanina. Napaluhod naman ako at niyakap ang sarili ko. At don na umiyak na umiyak.

Gusto ko man umalis dito. Pero paano si inay? Hindi ko siya kaya iwan. Alam ko din ngayon na masayang masaya siya na kasama niya ngayon si Tito Angelo.

Pagkatapos ko maligo,nagbihis ako ng white tshirt at Pajama. Hindi naman ako gutom kaya di na ako kakain. Humiga naman ako sa kama at nakatingin lang sa kisame.

"Aya iha! Tumatawag ang ina mo. Halika ka. " Nagulat naman ako na bigla pasok at sabi ni manang. Ngumiti naman ako at binigay naman sakin ni manang ang Phone.

"Hello po inay"

"Anak! Kamusta ka na?" Masigla sabi ni ina. Namiss ko tuloy si inay

" Ayos naman ho inay. Kayo ho ni tito angelo?"

"Sinabi mo pa anak. Sobrang sobra saya namin ni tito mo. Pero minsan di ko maiwasan malungkot dahil di kita kasama at si kuya andrei mo. Nga pala kamusta naman si andrei anak?"

Bigla ko na naman naalala lahat ng pagbabanta ni andrei samin. Gusto ko man sabihin kay inay. Pero ayaw ko masira ang relasyon nila ni tito angelo. Kaya ililihim ko naman ito.

"Mukhang ayos naman ho siya inay. "

" Buti naman. Nga pala anak baka this week uuwi na kami ni Tito mo,sabi ko kasi sa kanya na miss na miss na kita,pinayagan naman niya ako. "
Masayang sabi ni inay.

" Miss na miss ko na rin ho inay,lalo ba sa gabi namimiss ko ho ung yakap niyo sakin"

"Wag ka mag alala malapit na kami uuwi ni tito angelo mo. Sige na anak, gabi na din dyan. Magpahinga ka na. Mag ingat ka lagi ah. Mahal kita anak. "

" oo naman ho inay. Kayo din ho ingat po kayo. Mahal ko din kayo inay" sabi ko sabay bigay ko naman kay manang ang phone. "

" salamat ho manag sige po magpapahinga na po ako" Sabi ko naman sabay sara ng pinto at pumunta sa kama para matulog. "

Sabado pala ngayon. Kaya wala pasok. Nasa Garden ako ngayon. Tumutulong kay Manang. Magdilig na mga halaman at bulaklak. Tuwang tuwa naman ako habang nag Didilig kasi bata palang ako gustong gusto ko na mga bulaklak.

"Alam mo iha, Siguro pag nag boyfriend ka. Ang swerte. Hindi ka lang maganda,mabait,magalang at matalino pa. " Sabi ni manang.

"Naku hindi naman po. Hindi naman po ako maganda"

" Naku Aya, Sobrang ganda mo nga eh. Ang cute mo pa nga eh. " Natutuwa sabi ni manang. Nahiya naman ako sa sinabi ni manang. Ako cute? Haha. Hindi naman siguro.

" Ganun po ba. Salamat naman ho. " Masaya ko din sabi.

Napatigil naman kami dalawa ni Manang. May nagsalita.

Sad love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon