Chapter 15

14 0 0
                                    

Nakalipas ng ilang Linggo nangyari iyon, Hindi ko na gano nakikita si Andrei, Sabi busy daw ito sa Trabaho,minsan nasa ibang bansa pa. Kaya medyo naging payapa ang mga nakaraan ko araw,kasi gusto ko na rin lumayo sa kanya. Pero meron pa rin ako nararamdaman na parang gusto ko siya makita.

Umiling naman ako agad,anu ba Aya,ang kulit mo talaga.

Ung Tungkol naman sa Ate ni Celine, Na delay daw Flight nito,kaya baka ngayon palang daw uuwe. Sabi niya sakin pag kauwe  daw ng ate niya,Mag sosorry siya sa lahat na pinanggagawa niya. Sasabihin din daw niya kay andrei lahat. Hindi na rin tinuloy ang Engagement nito siya na mismo nag pacancel sa magulang niya.

Ibig sabihin nun,may pag asa na magbalikan Ate ni celine at si Andrei.

Napabuntong hininga naman ako, nasa bahay lang kasi ako. Wala pasok. Kaya kung anu anu na naman naiisip ko. Bigla naman bumukas ung pinto ng kwarto ko. Bumungad naman don pinaka mamahal ko ina. Lumapit siya sakin, niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya pabalik. Napapansin ko kay inay parang pa bata ng bata itsura niya.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo anak ko? May problema ba?" Medyo nag aalala niya tanung. Halata na ba sakin na puro si andrei nalang iniisip ko.

Umiling naman ako agad at ngumiti.

" Wala po problema inay. Basta nakikita ko po kayo masaya,Masaya na din po ako"

"Naku ang anak ko talaga ang sweet. Basta ang andito lang ako anak,kung may problema ka sabihin mo sakin ah,lalo kung tungkol pa sa mga lalaki yan "
Napalaki naman ako ng mata sa sinabi ni inay,anu ibig sabihin niya don?

" Kasi nagdadalaga ka na anak ko, 19 years old ka na. Baka sakali may mga nangliligaw na sayo, kaya nasabi ko sayo iyon"

Umiling naman ako agad.

" Anu ba kayo inay, hindi ko po iniisip iyon,ang gusto ko muna po makapag tapos sa pag aaral at maabot ang pangarap po natin"

Hinawakan naman ni inay mga kamay ko.

" Alam ko darating din ang panahon na mag kaka Boyfriend ka din anak,lalo na sa ganda mo yan imposible wala magkagusto sayo"

"Nay ang importante po sakin muna ngayon ay ang pag aaral ko po at kayo po,gusto ko muna po kayo alagaan,mahal na mahal ko po kayo inay"
Nakita ko naman napaluha ang ina ko. Inayos naman niya buhok ko nakatabing.

" Mahal na mahal din kita anak, lahat gagawin ko para sayo. " Niyakap ako ulit ni inay niyakap ko din si inay. Parang sobra namiss ko ang aking inay, kasi lagi niya kasama si Tito Angelo,pero hindi inaman ako nagseselos,kasi nakikita ko naman masaya ang ina ko.

May kumatok naman sa pinto,sabay nalang kami napalingon ni inay, lumuwa don si Manang.
"Maam Liza,nakauwe na po si sir Andrei, nasa baba na po ito kausap si Sir Angelo"

Tumayo naman si inay at tumango kay manang.

"Sige bababa na kami manang." Tumingin naman sakin si inay na niyaya ako sa baba para kamustahin si Andrei. Wala naman ako magawa kaya sinunod ko nalang sinabi ni inay.

Sabay kami lumabas ni inay sa kwarto ko at bumaba papunta sa sala. Pababa na kami bigla bumilis tibok ng puso ko, nag uusap sila ni tito angelo habang nakaupo ito at may mga nakalatad na mga dokumento.
Mukhang seryoso pinag uusapan nila.
Napalingon naman si tito angelo samin at tumayo para salubungin si inay. Lumingon na din si kuya Andrei, pero naka kunot lang noo nito. Yumuko naman ako papalapit sa kanila.

"Kamusta na iho sa trabaho?" Tanung ni inay kay kuya andrei.

"It's Fine" sabi lang niya habang hindi tumitingin. Naka masid lang ito sa mga hawak niya mga papeles.
"Alam mo sweetheart, na close ni andrei ang deal, im so proud of him" Masayang sabi ni tito.
Napangiti naman ako sa narinig ni tito.
Bigla naman tumayo si andrei.

Sad love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon