CHAPTER 8: Those Hesitations In Your Eyes

24 0 0
                                    

 

Sumilip si Paulo sa rear mirror. Nakita niyang himbing na himbing ang tulog ng ate niya. Sa backseat ito pumuwesto kaya si Ana ang katabi niya sa passenger seat. Six thirty palang naman ng gabi. Ganoon talaga ang ate niya. Basta umandar na ang sasakyan ay nakakatulog na ito. Kaya nga hindi nila ito pinapayagang mag-drive.

“I’ll drive or you’ll drive.”

Kaya nga ba napapayag siya nitong pumunta ng police station. She always get what she wants! “Tsk!” Hindi niya napigilang mapangisi. Bigla siyang nilingon ni Ana.

“What?!” singhal niya dito. Hindi siya sinagot nito. Humarap ito sa may bintana.

“Talaga bang may amnesia ka? Wala ka ba talagang maalala? O baka naman member ka ng budol – budol gang? Tandaan mo. Pumayag akong sa amin ka tumira dahil kay ate pero kung may pinaplano kang iba sinasabi ko sa iyo, ako ang makakalanban mo.” Banta ni Paulo kay Ana. Dahil sa wala siyang nakuhang sagot mula rito ay sinilip niya ito. Himbing na himbing na rin pala ito sa pagtulog. Nagsayang lang siya ng laway. “Hay!” buntong hininga ni Paulo.

Lingid sa kaalaman ni Paulo ay gising pa si Ana noon. Minabuti na lang niyang magkunwaring natutulog dahil nasasaktan siya sa mga sinasabi nito. Ano bang akala nito? Gusto niya ang mawalan ng memorya? Kung alam lang niya ang sobrang takot na nararamdaman niya. Ang pakiramdam na wala kang masasandalan at makakapitan. Para kang nasa kawalan.

Dahil sa pagpapanggap na tulog ay tuluyan nang nakatulog si Ana. Bumaba na si Paulo sa kotse. Nagising naman na si Mariz dahil hindi na umaandar ang sasakyan. Papasok n asana si Paulo sa bahay nang tawagin siya ni Mariz.

“Hoy Paulo! Saan ka pupunta?” tanong ni Mariz.

Napako naman ang paghakbang ni Paulo. Labag man sa kalooban niya ay pumunta siya sa ate niya. Iminuwestra ng ate niya ang natutulog pang si Ana na nasa passenger seat. Kinunutan niya ito ng noon a indikasyon na hindi niya naiintindihan ang ibig nitong sabihin. Nag-aktong may bubuhatin ang ate niya. Pagkatapos ay itinuro nito si Ana. Nakuha na niya ang ibig nitong sabihin. Umiling siya subalit tiningnan lang siya nito ng masama. “Fine!” pagsuko ni Paulo. Marahan niyang binuksan ang pintuan ng passenger seat. Dahan-dahan niyang binuhat si Ana. Umungol lang ito. Dumarecho na sila sa bahay. Ang laki ng ngiti ng ate niya. Tumigil siya sa may pintuan. Hindi niya kasi kayang buksan iyon dahil buhat pa niya si Ana. Tiningnan niya ang ate niya. Hinihintay niya buksan nito ang pinto. “Para kayong bagong kasal!” impit na wika ni Mariz na halata pa ang itinatagong kilig. “Would you mind opening this d*mn door?” nawawalang pasensyang wika ni Paulo. “Shhhh!!” saway sa kanya ng ate niya. Gumalaw si Ana. Huli na nang maalala niyang hawak nga pala niya ito at tulog. Nakasigaw na siya. Gaya ng inaasahan ay nagmulat ito. Sakto namang nakatingin siya dito kaya nagtama ang kanilang paningin. “You’re awake.” Wika niya at ibinaba ito. Saktong – saktong pagkababa niya ay sumigaw ang ate niya. “Kyaaah!” tili ni Mariz. “Hoy ate. Ano bang nangyayari sa iyo?” tanong niya dito. Lumapit si Mariz kay Paulo. Hinaplos nito ang pisngi ni Paulo. “Ang sweet sweet talaga ng little brother ko!” wika nito. Nakuha na niya ang ibig sabihin niyon. Nanunukso ang ate niya. “Run for your life!” bigkas ni Paulo bago siya tumakbo. Nagmamadaling nagtatakbo si Mariz sa loob ng bahay habang tumitili. “Kyaaaahh! Hindi mo ako mahahabol!” sigaw ni Mariz.

Nakatingin lang si Ana sa magkapatid habang nagtatakbuhan ang mga ito sa may sala. Hindi pa rin siya pumapasok. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pintuan. Napansin siya ni Mariz. Nakaharap kasi si Mariz sa may pintuan samantalang si Paulo ay nakatalikod at pilit siyang hinuhuli.

“Ana?” nagtatakang tawag ni Mariz kay Ana. Lumingon si Paulo at nakita niyang nakatayo pa rin si Ana sa pwestong pinagbabaan niya rito kanina. Nagtaka siya kung bakit naroon pa rin ito. Ang akala niya ay kasabay nilang pumasok ito. Lumapit si Mariz kay Ana. Sumunod si Paulo kay Mariz pero hindi lumapit ang binate kay Ana. Sa halip ay sumandal ito sa humba ng pintuan.

“Ana? Bakit nandyan ka pa rin? Bakit hindi ka pa napasok ng bahay? Tanong ni Mariz.

“A-ana?” Hindi naintindihan ni Ana ang ibig sabihin ni Mariz.

“Ah, yes. You’re name’s Ana. According sa pulis kanina na nakausap namin, Ana ang pangalan mo. Iyon daw ang sabi nung nurse na nag-alaga sa iyo. May naghanap daw kasi sa iyo doon sa ospital. Ipinakita raw ang picture mo sa nurse kaya nakumpirma nung nurse. Kapatid mo raw yung naghahanap. Ang kaso, hindi alam nung nurse kung saan ka nagpunta at hindi rin naman nakuha nung nurse yung contact number ng kapatid mo kasi sobrang busy sila sa ospital that time.” Pag-eexplain ni Mariz kay Ana.

“Kapatid? Anong apelido ko?” mahinang tanong ni Ana.

“Ahhh… sorry, iyon lang sinabi ko ang alam namin eh.” Sagot ni Mariz.

“Salamat.” Sabi ni Ana. Ayos na rin iyon kesa sa wala. Atleast, alam na niya ang pangalan niya. ‘Ika nga ng isang kanta, ‘One Step At A Time”.

“Halika na.” yakag ni Mariz kay Ana papasok sa loob ng bahay. Hiniwakan ni Mariz ang braso ni Ana para yakagin papuntang loob ng bahay ngunit hindi natinag sa kinatatayuan si Ana. Nag-aalinlangan siyang pumasok.

Napatingin si Mariz kay Paulo. Nahingi ito ng saklolo para mapapasok si Ana sa loob. Bumuntong hininga si Paulo.

“Pumasok ka na. Hindi ka namin kakainin ng buhay.” Sabi ni Paulo.

“Paulo!” saway ni Mariz. “Let’s go?” tanong ni Mariz kay Ana.

Tumingin si Ana kay Mariz bago kay Paulo. “Come inside. Nagugutom na ako.” Sabi ni Paulo bago tumalikod sa dalawa at pumasok.

“Tara na?” tanong uli ni Mariz kay Ana. ISang tango lang ang isinagot ni Ana.

>>> 

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon