CHAPTER 12: The First Memory

24 1 0
                                    

 

“Saan niyo gusto kumain?” tanong ni Paulo sa dalawa.

“Kung mag-try kaya tayo sa eat-all-you-can?” suhestiyon ni Mariz.

Si Ana nama’y kanina pa walang imik. “Ana?” tanong ni Paulo.

“Ah… Kayo na lang ang bahala. Busog pa naman ako.” Sagot ni Ana.

“What? Wala kang planong kumain?” Hindi makapaniwala si Mariz na ayaw kumain ni Ana. Ano kaya ang problema nito? Pagod na kaya ito?

Biglang huminto si Paulo na naging dahilan para bumangga si Ana sa likuran ng binata. Nasa unahan kasing naglalakad si Paulo habang sumusunod ang magkaagapay na dalaga.

“S-sorry.” Hinging-paumanhin ni Ana.

“Bakit ka ba kasi bigla-biglang huminto?” natatawang tanong ni Mariz kay Paulo.

“Tsk. Bigla ko kasing nakita itong restaurant na ito.” Itinuro ni Paulo ang restaurant na nasa tapat nila. Marquees’ ang nakalagay sa karatula.

“Marquees’? Masarap ba naman dyan?”

“Trust me. You won’t forget this restaurant ever. Let’s go?” yakag ni Paulo.

Tahimik lang na sumunod sina Ana at Mariz.

Simple lang ang disenyo ng restaurant na iyon. Black and white ang theme. Ngunit mas kapansin-pansin ang pillar na nasa pinaka-gitna ng restaurant. Sa pagka-design dito ay nagmistulan itong katawan ng puno. May gold accent sa bawat edge nito. Nakadagdag ito ng pagka-elegante ng lugar.

Nagningning ang mga mata ng dalawa dahil sa ganda ng restaurant na iyon. It has a cozy feeling yet very classic and simple.

“Table for 3?” tanong na waiter na sumalubong sa kanila. Pati ang uniporme ng mga waiter doon ay naaayon sa theme. Lahat ay nakasuot ng puting long sleeve na may black vest. May golden accent din ang mga edges ng damit. Tinernuhan iyon ng black pants sa mga lalaki at balck pencil cut na palda para sa mga babae.

“Yes, please.” Sagot ni Paulo.

“This way Sir, Ma’am.” Ginabayan sila ng waiter sa lamesang para sa tatlo.

Si Paulo na ang umorder ng lahat ng kakainin nila dahil si Mariz ay abala pa sa paghanga sa desenyo ng naturang restaurant. May inilapag na order sa di kalayuang lamesa sa kanila. Sapat na iyon para maamoy ni Mariz ang pagkain. Napakabango.

“Kailan ka pa nakapunta sa ganitong restaurant? Ano bang specialty nila dito?” curious na tanong ni Mariz.

“Ah… Actually, sikreto namin ito ni dad.”

“What?!” Gusto ng manakal ni Mariz noon kung hindi lang dumating ang pagkaing inorder nila. Ibinaba ng waiter ang Italian pasta at pizza. May kanin ring ibinaba. Maya-maya pa ay iba’t ibang putahe ng iba’t ibang seafood sang inilapag ng waiter.

Halos namilog ang mga mata nila Ana at Mariz sa mga pagkain. Pareho kasing hilig ng dalawa ang mga pagkain. Hindi nakatiis si Ana at kumuha ng isang piraso ng tempura at agad nilantakan iyon.

“Hindi ka gutom?” tanong ni Paulo kay Ana. Kumagat lang uli si Ana bilang tugon sa tanong ni Paulo at dinig na dinig ang pagkalutong niyon.

Tumawa si Mariz na lumalantak na sa pizza. “Ano na? Paano mo natandaan ang restaurant na ito?” patuloy na pangungulit ni Mariz.

“Hehe. Naalala mo ba nung grade 6 pa ako? Naiwanan ako ng serbis ko kaya kinaon ako ni dad. Two hours na yata akong nag-aantay noon at paiyak na ako. Para daw hindi sumama ang loob ko ay pakakainin na lang daw ako ng masarap ni dad. He brought me here. At dahil nga masarap, I never forget it.” Masayang kwento ni Paulo.

“Argghh! Madaya talaga si daddy. Humanda siya sa akin ‘pag dumating na sila.”

“Nasaan ba sila?” biglang tanong ni Ana. Ngumiti naman si Mariz dahil sa unang pagkakataon ay ito ang nagsimulang magtanong.

“Nasa Europe sila ngayon. Plano na rin kasi nilang pumasok sa fragrant business. Sawa na siguro sila sa Hotel business namin.” Sagot ni Mariz.

“E-europe?” walang anu-ano’y humagulgol si Ana.

“Hey…” Natatarantang wika ni Paulo. Hindi nito alam kung paano patatahanin si Ana.

“Ana.” Wika naman ni Mariz habang hinahagod ang likod ng dalaga.

Nang mahimasmasan ay pinainom ni Paulo si Ana ng tubig. “Okay ka na ba?” tanong ni Mariz. Tumango lang si Ana. Natahimik silang tatlo.

“S-sa Europe. Pa-parents ko.” Pilit na nagkwento si Ana sa pagitan ng mga hikbi. “Bigla kong naalala. Hik! Nung narinig ko. Europe. Hik!”

“Nasa Europe din ang parents mo?” tanong ni Paulo. Umiling naman si Ana.

“Died. Hik! Plane c-crashed.”

Napahawak sa kanyang bibig si Mariz dahil sa gulat na kanyang nadama.

“Naalala mo na ba lahat?” Tanong ni Paulo. Umiling lang si Ana. Labis ang awing nadama no Mariz kay Ana dahil ang una nitong naalala ay ang pagkamatay ng mga magulang nito. Biglang niyakap ni Mariz si Ana. She wants to comfort her kahit sa pagyakap man lang.

Tipid na ngumiti si Ana. “Pasensiya na. Nasira ko ang pagkain natin.”

“Wala iyon ano ka ba! Kain na tayo?” sabi ni Mariz.

>>> 

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon