CHAPTER 13: The Enchanting Princess

22 0 0
                                    

 

“Yes. I don’t think I could make it today. Ahh… What? It’s not that. Yeah. Alright! Fine. Count me in. 6pm? Chandra University? Tsk! Hindi man lang nagresort eh! Ha-ha. Sige. Sige.” Kausap ni Paulo sa kanyang cellphone si Lyka Mendez. Ito ang presidente ng kanilang batch sa Chandra University. Tumawag na ito noon sa kanya nung nagsusukat ng mga damit sina Ana at Mariz. Nais lang nitong ipaalam sa kanya ang nalalapit nilang reunion. At mamayang 6pm na nga iyon. Ayaw niyang umatend dahil hindi talaga siya mahilig sa mga party. Pero ipinaalala nito na siya ang pinakasikat sa batch nila kaya imposible daw na hindi siya umatend.Sa huli ay wala siyang nagawa kaya ayun dadalo siya ng reunion nila. Naupo siya sa sofa sakto namang daan ng ate niya.

“Ate?” Nagulat si Paulo sa pag-alis ng ate niya. Hindi niya inaasahan iyon. Masisira pa yata ang plano niya. “Saan ka pupunta?”

“Ah, tumawag kasi si mommy kanina. She ordered me to conduct an impromptu inspection. Nabanggit daw kasi ni Tita Anjie kay mommy yung reklamo nung isang customer sa isa sa mga hotel natin. May nagpapabayang crew daw yata.” Ang tita Anjie nilang iyon ay kapatid ng mommy nila at kasosyo din sa mga hotel business nila.

“What? You can’t leave me here. Wala akong kadate mamaya.” Naibulalas ni Paulo.

“Ka-date? At bakit ano bang mayroon mamaya?”

“May reunion daw kami sa Chandra University. Hindi sana ako aatend kaya wala akong ka-date kaso pinilit ako. Baka, pwedeng pare-sched muna yan ate? Sige na, please!” nagmamakaawa si Paulo.

“Formal ba ang event?” tanong ni Mariz.

Tumango si Paulo. “Napagkasunduan daw kasi nila na ang theme ay parang JS Prom kaya formal event at sa Chandra University ang venue.” Paliwanag ni Paulo.

Tumango – tango si Mariz. “Here.” May iniabot si Mariz na calling card kay Paulo. “Call Lorenzo. He’s a stylist and he knows his way here.” Lumakad na si Mariz pero hinarang siya ni Paulo.

“Teka ate. It’s not clear yet and I don’t get a yes from you. Sige na please.”

Sakto namang bumaba noon si Ana sa hagdan. Pupunta ito sa kusina para uminom ng tubig. Hindi nito napansin sina Mariz at Paulo. Ngumiti si Mariz.

“I’m sorry li’l bro. Alam na kasi ni tita na I’m on the way na.” sabi ni Mariz. “But your problem is solvable.” Nagtatanong ang ekspresyon sa mukha ni Paulo.

“You know. Ana can be your date. Besides, maiinip lang siya dito sa pag-aantay natin.”

Pinag-iisipang mabuti ni Paulo ang suhestiyong iyon ng ate niya. Is it okay? Papayag kaya siya?

“She’ll accept it.” Dagdag pa ni Mariz.

“Paano ka naman nakakasiguro?” Ang laki ng ngiti ni Mariz sa tanong na iyon ni Paulo. She looks victoriously. “Right! You got me.” Pagsukong sabi ni Paulo.

“It’s settled then.”

++

Tinawagan ni Paulo ang ate niya. “Ate, ano bang damit mo ang pwedeng masuot ni Ana para sa event?” Nasa loob ng walk-in closet ni Mariz si Paulo. Tinitingnan niyang maigi ang mga formal dress ng ate niya pero wala siyang magustuhang ipasuot kay Ana.

“Hintayin mo ako. Pauwi na ako.” Sagot ni Mariz then she hungs up the line.

“What? Hello? Hello?” Naputol na kasi ang linya ng telepono. Pauwi? Sabi niya hindi siya pwede. Kung makakauwi pala ito ay pwede naman palang ito na lang ang maging date niya. Nadamay pa tuloy si Ana. Hindi na niya pwedeng sabihin dito na ang ate na lang niya ang isasama niya at gagawing date dahil kanina pa ito inaayusan. Mag-iisang oras na yata.

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon