CHAPTER 6: My Only Hope

22 0 0
                                    

Mahigit isang oras ding naglakad si Ana. Nagpasya siyang umalis ng hospital dahil alam niyang wala siyang perang pambayad.

Napadpad siya sa isang parke.

Nangmakakita ng bangketa ay agad siyang naupo doon.

‘Ano na? Paano na ako? Ni hindi ko nga alam ang pangalan ko!’

Napapikit siya sa frustration.

Kahit anong gawin niya ay wala siyang maalala.

Nauubos lang ang kanyang lakas.

Itinakip niya ang kamay sa kanyang mukha at hindi na niya napigilan ang pag-iyak.

Walang anu-ano ay nilapitan siya ng matandang babae.

Nagtitinda ito ng bottled mineral water.

“Iha, eto ang tubig oh. Inumin mo muna.” Iniabot nito sa kanya ang isang bottled mineral water na hindi pa bukas.

“Ah…” Nagdadalawang isip si Ana kung kukunin niya ang inaabot ng matanda. “Wala po akong pera.” Mahinang usal ni Ana.

“’Wag kang mag-alala hindi ko naman iyan ipinagbibili sa iyo. Bigay ko iyan.” Sagot ng matanda.

“Talaga po? Salamat po.”

“Nanakawan ka ba kaya wala kang pera? Malapit lang ang pulis station dito.

Nakikita mo ba ang posteng iyon? Dumaretcho ka lang doon tapos may makikita kang pedestrian lane.

Pagtawid mo pumunta ka sa kanan, yung unang kantong makikita mo roon, yun na ang police station.” Pagbibigay ng direction ng matandang babae.

“Ganoon po ba? Osige po. Salamat po. Kailangan ko nga pong magpunta ng police station. Marami pong salamat.” Pasalamat ni Ana sa matandang babae.

“Osige. Pahinga ka muna dyan at kapag okay ka na ay pumunta ka na sa pulis. Ako eh magtitinda muna.” Paalam ng matandang babae.

‘Police station? Ano naman ang irereport ko?’

Sinaid ni Ana ang tubig na nasa bote.

Hindi pa rin niya naiisip kung ano ang gagawin niya at ano ang irereport niya sa pulis.

Pinikit niya ang kanyang mga mata dahil sa frustration.

Isang imahe ng lalaki ang kanyang nakita.

“Paulo Ortiz!” bulalas ni Ana.

Hindi niya alam kung saan hahanapin ito dahil bukod sa pangalan ay wala na siyang ibang alam.

Ang natatandaan niya ay sa Makati City ito nakatira pero hindi siya sigurado doon.

Matutulungan kaya siya ng mga pulis?

“Hay! Whatever… Since I have nothing, gagamitin ko kung ano lang yung meron ako.”

Tinungo na niya ang direksyon papunta ng police station.

>>> 

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon