CHAPTER 4: When Everything Is Forgotten

26 0 0
                                    

“Lord, tulungan mo po nawa ang babaeng ito. Pagalingin nyo po siya. I asked this in Jesus’ name. Amen.” Mahinang panalangin ni Nurse Joy. Maingat niyang kinumutan ang dalagang nakaupo sa kama. Gamit ang bimpong dala niya ay marahan niyang pinunasan ang mukha ng dalaga. “Haay… She’s so pretty. I wonder if her eyes will make her more pretty.” Dahan – dahang inilapit ni nurse Joy ang kanyang mukha sa dalaga. Nasa ganoong pwesto siya ng biglang bumukas ang mga mata nito. Sa gulat ay napaupo sa sahig si nurse Joy at napasigaw. “ahhh!”

Tumakbo ang ilang nurse kay nurse Joy. Sakto naman na nung oras na iyon ay bumalik doon si Doc Harris. “What happened?” tanong ni Doc Harris.

“She’s awake. Nagulat lang po ako.” Itinuro ni Nurse joy ang dalagang nakahiga sa kama. Lumapit si Doc Harris sa dalaga.

“Ah. Ah. Ah.” Mahinang ungol ng dalaga. Unti-unti nitong binuksan ang mga mata. Wari’y nasilaw ito kaya agad isinara ang mata. Maya – maya pa ay nagmulat na ito ng tuluyan. Isa – isang tiningnan ang bawat tao sa emergency room. She doesn’t recognize any familiar faces. She remain silent.

“You’re in a hospital.” Inporma ni Doc Harris.

“Ang ganda!” masayang sabi ni nurse Joy na naging dahilan para tingnan siya ng mga taong nasa emergency room.

“Nothing happened. You guys can back to your assigned stations. I’ll take it from here.” Sabi ni Doc Harris.

“Nurse Joy, please watch out for her. I’ll just make a call.” Utos ni Doc Harris kay Nurse Joy.

“Ay captain!” masiglang saludo ni nurse Joy at nakangiting nakaharap sa dalaga.

++

“Hi. I’m nurse Joy. Anong pangalan mo? Ang ganda mo talaga! Artista ka ba? Anong sekreto mo at ang kutis ng balat mo?” dare-darechong tanong ni nurse Joy sa dalaga.

“I-I don’t k-know.” Mahinang sagot ng dalaga.

“You don’t know? Ay ang dami ko yatang natanong kaya naguluhan ka?”

“M-my name. I d-don’t remember.”

“Hala! Birthday? Address? Relatives? Family? Saan ka pupunta at sakay ka ng bus? Everything?”

Isang tango lang ang isinagot ng dalaga. Dahan – dahan siyang naupo sa kama. Tinulungan siya ni Nurse Joy.

“Teka. I-BP muna kita. Wala bang masakit sa iyo? Do you feel anything unfamiliar? Like kung nahihilo ka? May masakit?” Nag-aalalang tanong ni nurse Joy habang kinukuha ang presyon ng dugo ng dalaga.

“Okay lang ako… e-except sa memory.”

“Okay naman ang mga vitals mo. Hmm. Teka lang ha? Tawagin ko si Doc. Stay put okay?” utos ni Nurse Joy sa dalaga. Saktong pasok naman ni Doc Harris.

“Is there any problem?”

“Doc! Wala siyang natatandaan. Her vitals are all okay. Wala daw masakit sa kanya.” Explain ni nurse Joy.

Lumapit si Doc sa dalaga. “Walang masakit sa iyo? Even headaches? Panlalabo ng mata?”

Marahang umiling ang dalaga bilang sagot sa doctor.

“Nurse Joy, prepare her for the CT Scan.”

“Yes Doc.”

++

Matapos ang CT Scan ay inilipat ang dalaga sa isang ward.

“Hi ganda. Ako ulet. Kailangan ka muna naming i-confine for one day lang naman. Para lang manumbalik ang lakas mo at anong malay natin baka may maalala ka na.” Explain ni Nurse Joy sa dalaga.

“Salamat.” Tipid na sagot ng dalaga.

“Ahm. Ganda na lang muna ang tawag ko sa iyo ha?”

Marahang tango ang sagot ng dalaga at isang tipid na ngiti.

“Osha. Sleep ka na muna. Have enough beauty rest. ‘Kay?”

++

Pag labas ng ward ay nakita ni nurse Joy na magkausap si Doc Harris at isang pulis.

“She doesn’t remember anything.” Saad ni Doc Harris.

“That’s the problem. We can’t file that she’s missing. Wala siyang pagkakakilanlan.” Problemadong wika ng pulis.

“I think, what we had to do is wait. Baka naman may maghahanap. Since eto naman ang pinakamalapit na ospital ay malamang dito magpupunta kung may maghahanap man.”

“Alright. I’ll go now. If she remembers anyone, let me know. Makakatulong kami kahit sa paglocate man lang ng tao.” Paalam ng pulis.

“Sige. I’ll let you know. Salamat SPO2 Martinez.” Wika ni Doc Harris.

++

“Ehem.”

Napalingon si Doc Harris. “Oh ikaw pala nurse Joy. How’s she?”

Umiling si nurse Joy. “Wala pa rin siyang maalala. What if hindi na siya makaalala?”

“Ang maitutulong lang natin ay ang magdasal at maghintay sa maghahanap sa kanya.”

>>>

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon