CHAPTER 9: Helplessness

22 0 0
                                    

 

“Please feel at home. Alam kong hindi ka pa komportable sa amin pero hindi ka namin sasaktan.” Sabi ni Mariz kay Ana. Katatapos lang nilang kumain ng hapunan. Nag-aalala si Mariz sa ikinikilos ni Ana. Napapansin din niyang kapag sumang-ayon si Paulo ay tsaka lang siya tumatalima. Kagaya na lang noong kumakain sila ng hapunan.

Nasa hapagkainan na silang tatlo pero sina Mariz at Paulo lang ang kumakain. Hindi ginagalaw ni Ana ang pagkain kahit na ipinaglagay siya ni Mariz ng pagkain sa plato. Napansin iyon ng dalawa.

“Ayaw mo ba ng pagkain? Anong gusto mo? Ipagpapaluto kita kay Manang.” Tanong ni Mariz.

“Salamat. Busog pa kasi ako.” Mahinang sagot ni Ana.

Siniko ni Ana si Paulo na abala pa rin sa pagkain. Alam ni Paulo ang gusto ng ate niya.

“Kumain ka na. Hindi makakain ng ayos si ate dahil sa iyo.” Sabi ni Paulo. Naktikim naman ng isang sipa sa paa si Paulo. “Aw.” Mahinang usal ni Paulo. Tinapakan siya ng ate niya.

“Ah. Pasensya na.” sabi ni Ana.

“Hay… ‘wag mo ngang intindihin yang lalaking iyan. O heto ang kutsara. Oh, kumain ka na ha?” sabi ni Mariz habang iniaabot kay Ana ang kutsara. Tumango si Ana at nagsimulang kumain.

“I’m sorry.” Sabi ni Ana.

“Ano ka ba! Wala kang dapat ihingi ng tawad noh?” sabi ni Mariz.

“Naabala ko–”

“Ano ka ba?! Hindi ka abala sa amin. ‘Wag mo ngang isipin yan.” Saway ni Mariz kay Ana. “Halika sasamahan kita sa magiging kwarto mo. Katabi lang ng kwarto ko ang magiging kwarto mo. Katapat naman ng kwarto mo ang kwarto ni Paulo.” Hinila ni Mariz si Ana papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

++

“Tada! I hope you’ll like this room.” Pahayag ni Mariz.

“Salamat!” mahinang sabi ni Ana. Katamtaman lang ang laki ng kwartong iyon. Apple green ang kulay ng dingding at puti naman ang kisame. Ang sliding window ay may kurtinang puti at mint. May maliit ding comfort room sa kwartong iyon. Sa tabi naman nito ay may apat na top cabinet na pinaglalagyan ng mga extra bed accessories, bathrobes, and towels. Sa ilalim naman ay mga cabinets na para naman sa mga damit at sa gitna ng cabinet na ito ay isang half-body sized mirror.  Pumunta si Ana sa may kama. Isa iyong queen size bed na may bright green floral bedsheets at katernong comforter. Naupo siya doon at hinimas niya ang kama. Sobrang lambot niyon at mukhang wala siyang magiging problema sa pagtulog.

“Ah… May mga extra damit dito na pwede mong gamitin pansamantala.” Sabi ni Mariz habang isa-isang binubuksan ang mga cabinet. “Oh, here. You can use this for tonight.” Kinuha nito ang isang medium sized na shirt at ang katerno nitong panjama bago iyon iniabot sa kanya. Medium sized man iyon ay malaki nang kaunti sa kanyang small sized body.

“Ah hindi na. Okay naman na ako sa damit ko. Salamat na lang talaga.” Tanggi ni Ana. Nakasuot naman kasi siya ng isang loose shirt at below the knee na shorts. Hindi siya sigurado kung sa kanya ang damit na suot dahil iyon na ang damit niya nung nagising siya sa ospital. Dahil kung galing siya sa aksidente, malamang ay marumi at may mga dugo ang damit niya.

Bumuntong hininga si Mariz. Napu-frustrate na siya. Bakit ba lahat ng inaalok niya kay Ana ay laging tinatanggihan nito? Ano bang dapat niyang gawin?

“Hindi naman iyan bigay, pahiram lang. So hindi masama kung gagamitin mo muna di ba?” singit ni Paulo. Nakasandal ito sa may pintuan. Sabay na tumingin sina Ana at Mariz dito.

“Pau!” Ang laki ng ngiti ni Mariz sa sinabing iyon ni Paulo.

“Ah… Sige. Sa-salamat.” Sabi ni Ana.

“Great! Oh, magpalit ka na.” Ibinigay ni Mariz ang mga damit kay Ana at itinulak nito ng bahagya si Ana papuntang C.R. “Maiwan ka na namin ha? Pagkapalit mo matulog ka na. Goodnight!” Narinig na lang ni Ana ang pagsara ng pinto.

>>> 

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon