CHAPTER 11: The Growing Affection

21 0 0
                                    

 

“Halika na Ana! Bilisan mo! Sa baba na kita hihintayin ha?!” excited na wika ni Mariz pagkatapos ay lumabas ng kwarto ni Ana.

Naka-ayos na naman si Ana kaya lang ay pakiramdam niyang hindi tama na sumama siya. Unang-una ay wala siyang pera. Napabuntong hininga si Ana. Sakto namang dumaan si Paulo kaya nakita niya si Ana.

“Ayaw mo bang sumama?” tanong ni Paulo na ikinagulat ni Ana.

“Ah…”

“Hindi mo na mapipigilan si ate sa gusto niya kaya ang mabuti pa ay bumaba ka na, tutal, nakabihis ka na naman.” Sabi ni Paulo.

“Hindi ka ba namin kasama?” tanong ni Ana.

Ngumiti si Paulo. “Akala mo ba aabutin pa kayo ng buhay kung si ate ang magda-drive?” sagot na tanong ni Paulo bago umalis. Naguguluhan si Ana sa naging sagot ni Paulo gayunman ay nagpasya na rin siyang bumaba. Isang simpleng dress lang ang isinuot niya na may floral design.

“Kyaaah! You’re so pretty talaga!” Masayang sinalubong ni Mariz si Ana. Nag-blush bigla si Ana. “Kyaaahh! Look, Pau! She blushes. Ha-ha-ha. She’s so pretty!” Tumingin nga si Paulo na naging dahilan kung bakit mas lalong namula si Ana.

“Tsk. Ate, you’re making her not comfortable.” Sabi ni Paulo. Inaayos pa ni Mariz ang buhok ni Ana. Hindi tuloy naiwasan ni Paulo ang tumingin sa relong nasa kaliwang kamay niya. “Hay… 10:30am na. Wala pa ba kayong balak umalis? Malls are already open.”

“Alright! Alright! Let’s go na. Galit na si grumpy li’l bro ko! Ha-ha-ha.” Sagot ni Mariz at hinatak na niya si Ana papuntang kotse.

“Anong grumpy?!”

“Yan. Oh, tingnan mo kaya nanlalaki na yang butas ng ilong mo?!” sabi ni Mariz kay Paulo habang nakaturo pa ang kamay nito sa ilong ng binate.

“WHAT?!!!”

“Kyaahhh!!!” biglang tumakbo si Mariz palabas ng bahay at dahil hawak nito ang kamay ni Ana ay nahatak niya kaagad si Ana papuntang kotse.

Gaya ng unang dalhin si Ana sa bahay na iyon ay sa backseat pumunta si Mariz. Susunod sana si Ana dito kaya lang ay pinigilan siya ni Mariz.

“You’ll seat on the passenger’s.” anito kay Ana. Naguguluhan man ay sumunod na si Ana. Maya-maya pa ay pumuwesto na si Paulo sa driver’s seat.

“Seatbelt.” Sabi nito at ikinabit ang seatbelt. Hindi naman naintindihan ni Ana ang ibig sabihin nito. Kaya walang ginawa si Ana.

“Haist. Seatbelt sabi eh.” Mahinang sabi ni Paulo. Inalis muna ni Paulo ang kanyang seatbelt bago ikinabit ang kay Ana. Nagulat si Ana nang lumapit sa kanya si Paulo. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Hindi siya makahinga. Alam niyang ikinakabit na nito ang seatbelt niya. Nakarinig siya ng isang click. Indikasyon iyon na na-lock na ang seatbelt. Hindi pa rin siya gumagalaw dahil pakiramdam niya ay kahit konting galaw ay magiging dahilan para magdikit ang kanilang mga labi. Oo, siya na ang OA! Pumaling siya bigla sa harap ng bintana na naging dahilan para lingunin siya nito. Napatingin naman uli siya dito. Nagtama ang kanilang paningin. Biglang huminto ang oras. She knew right then that sparks fly!

“Ehem! Hindi pa ba tayo aalis?” tanong ni Mariz. Biglang nagmadaling pumuwesto si Paulo sa manibela. Si Ana naman ay bumaling sa may bintana. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nakuhanan na ni Mariz ng picture ang naganap na iyon kanina. Kung alam lang nila kung gaano kahirap ang pagpipigil ni Mariz kanina sa sobrang kakiligan.

++

“Pau, pakibitbit muna nito ha?” sabi ni Mariz habang iniaabot kay Paulo ang tatlong piraso ng paper bag. “Bilis Ana. Tara doon!” yakag ni Mariz kay Ana at umangkala pa sa braso ng dalaga. Wala pang isang oras simula nang dumating sila sa mall pero may tatlong bag na agad na napamili si Mariz. At kaya pala isinama si Paulo ay para gawing tagabitbit.

Naabutan ni Paulo na may hawak si Mariz na isang purple dress. Napakasimple noon kaya parang hindi maganda kahit na sino ang magsuot. Ipinapasukat iyon ni Mariz kay Ana.

“I wonder…” may pag-aalinlangang sabi ni Paulo. Naisip kasi ng binata na hindi babagay kay Ana ang damit dahil sa kasimplehan niyon. Kumaway sa kanya si Mariz. Pinapalapit siya doon sa may dressing room. Hihingin siguro nito ang opinion niya. Pagkalapit niya ay sakto namang bumukas ang pinto ng dressing room. Lumabas doon si Ana na suot na ang purple dress kanina.

“WOW!” hindi napigilang sigaw ni Mariz.

Hindi naman naalis ang tingin ni Paulo sa dalaga. Halos lahat ng tao sa shop na iyon ay napako ang tingin kay Ana. She’s stunning and so beautiful. Para siyang isang modelo.

Na-conscious naman si Ana sa mga naging tingin sa kanya ng mga tao. Humakbang siya ng kaunti pabalik sa dressing room. “Uhm… Hindi ba okay?”

“Are you kidding me?! You’re so beautiful!” masiglang sabi ni Maris. Napatingin naman si Ana kay Paulo na nakatingin na rin pala sa dalaga. Tumango ang binata na wari ang ibig sabihin ay sumasang-ayon ito sa sinabi ng ate niya. Sapat na iyon para mapangiti ang dalaga na lalo nitong ikinaganda.

“Teka pa-picture muna bago ka magalit. Remembrance.” sabi ni Mariz kay Ana. Humarap ito sa sales lady. “Kukunin na namin itong dress na ito. Pakikuha na lang ng same na dress na small size. Salamat!”

Tumalikod si Ana para pumasok sa dressing room. Isasara na lang niya ang pinto nang marinig niyang may kausap si Paulo sa cellphone nito.

“Yes. Really? Aha-ha-ha-ha. Oh common, Lyka! Hindi mo ba ako nami-miss?” narinig niyang sabi ni Paulo.

Malungkot na isinara ni Ana ang pinto. Nawalan na siya ng ganang mag-shopping. Na-curious tuloy siya. Sino kaya ang Lyka na iyon? Marahan siyang umiling. Iwinaksi niya ang kung ano mang nagbabadyang isipin.

>>> 

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon