CHAPTER 1: The Hunch

33 0 0
                                    

“Yo, Kristoff, pre! What’s wrong with you? Parang balisa ka ah. Problem? Kung kelan madali ang steps natin ay tsaka ka pa nagkakamali. What’s going on?” Tanong ni Tim kay Kristoff.

Si Tim ang leader at choreographer ng dance group.

“Tim, pare, Pwede bang break muna? I need to make a call. I have a bad feeling.” Sagot ni Kristoff.

“Break? All right. 15 minutes break guys!” Sigaw ni Tim sa mg aka-member.

Pagkatapos ay humarap kay Kristoff. “You better be okay ha? Malapit na yung event.”

Isang tango lang ang naging tugon ni Kristoff. “Excuse me, pre, I need to make a call.”

At lumayo nang bahagya si Kristoff kay Tim para tumawag.

Kailangan niyang macontact ang ate niya dahil may hindi siya magandang pakiramdam.

Kriiing! Kriiing! Kriiing!

“Common, ate, pick up the phone.” Medyo natataranta ng utal ni Kristoff.

Nag –aalala na siya sa kanyang ate. Naupo siya sa sahig para alisin ang kanyang tensyon.

‘The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.’

“Tsk. Tsk. Bakit ba ayaw mong –”

“Hello?”

“ATE!! KANINA PA AKO TUMATAWAG SA IYO BAKIT HINDI MO SINASAGOT?”

“Wooh! Ang Hyper mo ngayon! Bakit ka ba tumawag? Hindi ko narinig yung phone ko kasi nasa byahe ako ngayon. Naramdaman ko lang yung pag-vibrate kaya ko nasagot yung tawag mo.”

“Byahe? Saan ka pupunta? Wala ka namang pasok ngayon ah.”

“Uhm. Papunta ako sa probinsya nila Mama. Hehe. Naiinip ako sa bahay eh kaya naisip kong –”

“Probinsya?! At hindi mo man lang sinabi sa akin? Kung hindi pa –”

“Ang cute talaga ng baby brother ko! Gwapo na, magaling pang sumayaw!”

“Tsk. Tsk. You’re hopeless ate!” Napapangiti naman si Kristoff sa sinasabi ng ate niya.

“Uy aminin. Napangiti ka no?”

“Baliw! Tsk. Tsk. Malala ka na.”

“Hoy, magkadugo kaya tayo kaya baliw ka rin! Bakit ka ba napatawag?”

“Ah wala lang.” Hindi sinabi ni Kristoff ang masama niyang kutob sa ate niya. Mukha naman kasing nagkakamali lang ang pakiramdam niya. “Nasaan ka na ba?”

“Nandito na kami sa expressway, medyo mabilis kasi magpatakbo si manong driver kaya mukhang maaga akong makakapunta ng probinsya.”

“M-mabilis?” Kinutuban na siya. Mukhang lalong hindi gumanda ang pakiramdam niya. “Ate, sabihan mo yung driver na bagalan ang takbo, maigi na yung nag – iingat sabihin mo.”

“Uy si baby little brother ko nag-aalala. Don’t worry, hindi ko pa oras.”

“Ate, ano ba yang mga pinagsasabi mo?!”

“Ang sweet ko di ba? Ha-ha-ha. Pa-kiss nga ako sa baby brother ko… Mwaah… Ahhh!” Isang malakas na pagsabog ang kumawala kaya napasigaw si Ana.

Labis ang pag –aalala ni Kristoff sa kabilang linya. Dinig na dinig niya ang malakas na pagsabog habang kausap niya ang kanyang ate. “A-ate? Ate? Hello? Ate? Sumagot ka please. ‘Wag mo kong iiwan. Pupuntahan kita dyan.”

“K-Kristoff. Ha-ha. Argghh. Na-a-aksidente, haa k-ka-mi.” And the line went off.

“Hello? Hello? Ate? Ate?” Napahagulgol ng iyak si Kristoff. Wala na siyang pakialam kung nakikita man siya ng maraming tao dahil isa lang ang alam niya sa ngayon. Takot na takot siya at ayaw niyang mawala sa kanya ang ate niya.

“P’re… Inom ka muna.” Inabutan siya ni Tim ng bottled mineral water. Inisang lagok niya iyon bago tumayo.

“Salamat. Alis muna ako. Pasensya na.” Kalmadong paalam ni Krsitoff kay Tim.

“No worries, I understand.” Sagot ni Tim.

>>>

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon