CHAPTER 5: Clueless

22 0 0
                                    

“I can’t believe it, pare.” Saad ni Tim. “Ang madadatnan lang natin ay ang mga gamit niya at hindi siya?”

“…”

“Hi. Mayroon po bang pasyente dito na galing sa aksidente ng bus kanina?” Malakas na tanong ni Kristoff kahit kapapasok lang nila sa emergency room. Nakuha tuloy nila ang lahat ng atensyon ng taong nasa loob ng emergency room. Napakamot na lang sa ulo si Tim.

“Ehem. Sino po ba kayo?” sagot ng isang nurse.

“…” siniko ni Tim si Kristoff. Para kasi itong natulala nang makita ang nurse. “Ah! Kasama kasi sa aksidente yung ate ko, nagbabakasakali akong nandito siya.” Sagot ni Kristoff.

“I’m sorry. Wala–”

“Wala?!” nabiglang tanong ni Kristoff. Tumalikod na siya para umalis. “Let’s go Tim.”

“Teka nga! Hoy mister! Pwedeng patapusin mo muna ako sa sinasabi ko bago ka magreact?” matapang na wika ng nurse kay Kristoff.

“You said wala–”

“But you didn’t know what I’m going to say, did you?” namumula na ang pisngi nung nurse sa galit.

“All right. I-I’m sorry!”

“Good. At dahil nag-sorry ka…” Ngumiti ang nurse kay Kristoff. “Here are the things she left. Maybe you could recognize some para ma-verify mo kung siya nga yung hinahanap mo.” Ibinigay ng nurse ang isang backpack na may lamang mga gamit.

“I-I don’t know any of her things.” Pag – amin ni Kristoff.

“Hindi mo alam kung ano ang mga gamit ng ate mo??” naha-high blood na namang wika ng nurse.

“Look. I don’t touch any of her things. I’m not a sister who will borrow a dress from her.” Sagot ni Kristoff. Napatango na lang si Tim sa pagsang-ayon. May point siya doon.

“Why don’t you show atleast her picture?” suhestiyon ni Tim.

“Right!” Kinuha ni Kristoff ang kanyang cellphone at hinanap ang larawan ng kanyang ate. Here. At ibinigay niya ang cellphone sa nurse.

Pinakatitigan iyon ng nurse. “Ahh… ang ganda talaga niya!”

“What now?”

“Oo. Siya nga. Alam ko dahil ako ang nurse na na-assign kay Ganda.” Pagkumpirma ng nurse.

“Ganda?!” sabay na tugon ng dalawa.

“Ah. Nagka-amnesia kasi siya kaya Ganda na lang ang tinawag ko sa kanya.” Explain ng nurse.

“Amnesia?!” sabay uling tugon ng dalawa.

“What? You’re now telling us that she has amnesia and she left this hospital?” naguguluhang tanong ni Kristoff.

“Did she remember already her way back home?” tanong ni Tim.

“Ah. No. What I’m telling you is that, although she has amnesia, she decided to leave this hospital without letting us know. So, we’re all clueless weather she can remember already or not.” Paglilinaw ng nurse.

Tiningnan ni Tim si Kristoff. Malalim ang iniisip. Binigla niya ang pagpreno.

“What the!”

“Relax p’re. The nurse already said that she’s okay. And–”

“Relax? How can I relax? She has amnesia!” Pasigaw na sagot ni Kristoff.

“Aw. Nayanig ang tutuli ko sa ‘yo ah!” Pinukol ni Kristoff ng tingin si Tim. Nag-peace sign naman si Tim kay Kristoff. “Ang mahalaga pare ay okay ang ate mo. Na-identify naman siya nung nurse dahil sa picture na ipinakita mo. We should be thankful na hindi siya kasama sa mga nasawi.”

Natahimik si Kristoff. “Yeah. You’re right. I’ll wait for her. I know, she’ll remember.”

>>>

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon