CHAPTER 10: The Nightmares

18 0 0
                                    

 

“AHHHH!!! AHHHH!!!” sigaw ni Ana. Napapanaginipan niya ang nangyari noong na-aksidente siya. Takot na takot siya. Kumaripas ng takbo si Paulo kay Ana. Akala niya ay kung ano na ang nangyayari dito. Dala marahil ng adrenaline rush ay mabilis siyang nakapunta sa kwarto at nabuksan niya kaagad ang ilaw. Nakita ni Paulo na takot na takot si Ana at umiiyak ito.

“Ana! Ana! Wake up! Nananaginip ka! Ana!” sigaw ni Paulo habang pilit na ginigising si Ana. Humahangos ding dumating si Mariz sa kwarto. Nagising na si Ana pero umiiyak pa rin ito. “K-kukuha ako ng tubig.” Pahayag ni Mariz bago nagtatakbo paalis ng kwarto.

Napayakap si Ana kay Paulo. [Uy! Chansing! ^_^]

“Hush now. It’s alright!” Hinahagod ni Paulo ang likod ni Ana. Maya-maya pa ay humi-hikbi na lang si Ana. Medyo nahihimasmasan na siya. Sakto namang dumating si Mariz dala ang isang basong tubig. Kumalas si Ana sa yakap kay Paulo. [Nahiya na?] “Eto, oh. Uminom ka muna.” Iniabot ni Mariz ang baso kay Ana. Muntikan pang matapon ang tubig dahil sa nanginginig pa si Ana. Mabuti na lang at maagap si Paulo at inalalayan niyang uminom si Ana. [Uy!!!] Kumuha naman si Mariz ng tuwalya sa cabinet at iniabot kay Ana.

Nang maging ok na si Ana ay nanghihinang napaupo na rin si Mariz sa kama. Sobrang natakot rin siya. “Okay ka na?” tanong ni Mariz kay Ana. Isang tango lang ang sinagot ni Ana. Gustung-gusto ng itanong ni Mariz kung ano yung napanaginipan ni Ana kaya lang ay pinigilan niya ang sarili dahil baka matakot na naman ito.

Matapos ang sandaling katahimikan ay nagkwento si Ana. “Napanaginipan ko yung aksidente.”

“Huwag mong pilitin ang sarili mo na ikwento lalo pa kung natatakot ka pa.” sabi ni Paulo. Sumama naman ang tingin ni Mariz kay Paulo pero hindi iyon pinansin ni Paulo. Umiling si Ana.

“Okay naman na ako.” Sabi ni Ana. Huminga nang malalim si Ana. “I… I was on the bus… I’m on the p-phone. It seems that I’m talking to my brother. Ang huling salitang nabitawan ko ay ‘brother’ bago… bago…” Umiyak na naman si Ana. Sa pagitan ng pag-iyak at paghikbi ay nagpatuloy siyang magkwento. “May sumabog… T-tapos. Hik! B-biglang umikot yung bus… Nagsisigawan ang l-lahat. Hik! L-lahat takot. Madaming dugo! Hu-hu-hu…”

“Hush. Everything will be alright!” sabi ni Paulo.

Biglang napatingin si Mariz sa wall clock. It’s already 2:30am. “Shoot! 2:30 na, I need to sleep. May commitment pa ako bukas. I’m sorry, Ana. Hindi kita mahihintay makatulog uli. But, Pau’s here and he won’t go anywhere until makatulog ka uli. Right, Pau?” Nilingon ni Mariz si Paulo.

“Yeah.” Tugon ni Paulo.

 “You’re a good boy right, li’l bro’?” nakangiting tanong ni Mariz.

“I’m harmless. Now, go! Shoo…” sagot ni Paulo. Pero hindi na kailangang ipagtabuyan ni Paulo si Mariz dahil nagsimula na itong lumabas ng kwarto. “How do you feel? Think you could sleep now?” tanong ni Paulo kay Ana. Tumango lang si Ana at nahiga na. Tumayo naman si Paulo para ayusin ang kumot ni Ana. Matapos ay naupo si Paulo sa sahig malapit sa kama at sumandal sa pader.

“Matulog ka na. Dito lang ako, babantayan kita.” Sabi ni Paulo.

Pumikit na si Ana. Ngunit maya-maya lang ay nagpabaling baling na si Ana sa kama. “What’s wrong?” tanong ni Paulo kay Ana. Tumayo si Paulo at naupo naman sa kama si Ana. “Hindi ako makatulog.” Sagot ni Ana.

Hindi rin naman malaman ni Paulo ang gagawin para makatulog na si Ana. Tumingin si Ana kay Paulo. Tila may gusto itong sabihin. “C-can I… Can I h-hug you ‘til I slept?” tanong ni Ana kay Paulo. Biglang umiwas ng tingin si Ana.

“I-it’s okay if you do–”

“Come. Let’s sleep.” Umayos ng pwesto sa kama si Paulo. “Come here.” Wika ni Paulo. Nakatagilid si Paulo. “Kung gusto mong unanin ang braso ko, okay lang.” sabi ni Paulo bago nito pinikit ang mga mata. Dahan-dahang lumapit si Ana at ginawa nga niyang unan ang braso ni Paulo. Umayos pa ng pwesto si Ana para mayakap niya ng tuluyan si Paulo. Naging dahilan iyon para magmulat ng mga mata ang binata. Nagtama ang kanilang paningin. Sa sobrang hiya ni Ana ay tumungo na lang siya at pumikit. Ang naging pwesto tuloy niya ay nakayakap siya kay Paulo habang ang mukha niya ay nasa dibdib ng binata.

>>>

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon