CHAPTER 0: Prelude To Everything

47 0 0
                                    

Who would have thought that this one beautiful sunny Saturday morning is the start of the twisted faith?

Who would have thought that everything will change in just a snap?

Would you wish for a magic just to handle everything that’s out of control?

No one knew what’s going to happen.

No one would go if only they knew what’s waiting there for them.

No, they won’t take suicide.

Everyone cherishes their own lives.

Ana decided to go to the province of their late parents.

Namatay ang mga ito sa isang plane crash habang papauwi ng Pilipinas.

Galing ang mga ito sa isang bakasyon.

Nanalo kasi ang daddy niya sa isang photography contest at ang pa-premyo ay trip to Europe for 2.

Tuwang-tuwa sila para sa kanilang magulang.

Nalalapit na rin ang wedding anniversary ng mga ito kaya tamang tama ang premyong iyon.

Makakapagpahinga ng todo ang kanilang magulang.

Ang hindi nila alam ay ito rin ang magdadala sa kanila ng sobrang kalungkutan.

Dalawa lamang silang magkapatid at siya ang panganay.

She has a younger brother.

Naiwan siyang mag – isa dahil may practice ng sayaw ang kanyang kapatid.

Miyembro kasi ito ng dance group sa unibersidad na pinapasukan nito – ang Chandara University.

Sa university na iyon din siya nagtapos sa kursong engineering.

Wala siyang pasok ng sabado kaya mag – isa siya sa bahay nila.

Wala rin silang lakad ng mga kabarkada niya kaya ayun at bago pa siya malungkot ay nagdesisyon siyang magpunta sa probinsiya nila.

Nagdala siya ng mga damit na pangtulog.

Isang gabi lang naman ang ilalagi niya doon.

Nang matapos ay agad siyang pumunta ng bus station.

>>>

Shaken Memories: When Only Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon