Kabanata 20
Narrator
Merong isang babae na tuwang-tuwa dahil hindi na pala sya mahihirapan pang alisin sa landas si Sonata. Parang sumasang-ayon sa kanya ang lahat.
"Karma is good. And the last card is on me." ani nito at napahalakhak.
Sa kabilang banda ay dahil sa biglaang nangyari kay Sonata ay kailangan na maghintay muna ng tugon sa donor bago umpisahan ang operasyon.. Sa ngayon ay tinitignan ng mga doctor ang lagay ni Sonata habang natutulog ito.
"Kung ayaw nilang ibigay ay maghanap ng ibang donor. I'll pay double." sabi ni Hammer na mas lalong naiinis sa nangyayari. Kung kelan handang operahan si Sonata ay tsaka naman umayaw ang nakausap nang pamilya ng donor na napili nila na sakto para kay Sonata.
"Pero Director, hindi ganun kadali ang hinihiling nyo. Kailangan nang ma-operahan ni Miss Sonata ngayon kaya ang suggestion ko ay kayo mismo ang kumausap sa pamilya ni Miss Rodriguez."
Napabagsak ang kamay ni Hammer sa table nya at napailing sya habang napapailing. Napakuyom sya ng kamay dahil mas lalo syang nagiging tensyonado.
Tumayo sya at lumabas ng opisina para puntahan ang pamilya ng babaeng namatay.. Kumatok sya ng makatapat sa pinto at pumasok sya. Pagpasok nya ay napahinto sya sa bumungad sa kanya.
"What are you doing here?"
Ngumisi ito at tumayo sa pagkakaupo sa kama ng pasyente. Napatingin sya pamilya ng pasyente na nakatingin rin sa kanya.
"Hammer, kung susundin mo ang nais ko ay maaari mong makuha ang donor." ani nito na nagpunta sa kanyang harapan at hinawakan ang doctor's lab gown nya.
Natawa sya bago napangisi, "Bakit naman kita susundin?"
Ngumiti ito at hinaplos ang dibdib nya. Nilapit nito ang mukha at tumitig sa kanya bago ilapit ang bibig sa tenga nya.
"Dahil papayag lang sila kapag sinabi ko. Tauhan ko sila kaya sa akin lamang sila susunod." sabi nito.
Natigilan sya at napatingin rito na ngumiti sa kanya. Tumingin sya sa pamilya ni Miss Rodriguez.
-
Hindi naman alam ang gagawin ng mga doctor dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Hammer mula ng puntahan nito ang pamilya ng donor. Nang hanapin naman ito sa hospital ay hindi naman ito mahagilap. Nauubusan na ng oras at kapag lumipas ang magdamag ay baka lumala pa si Sonata.
"Bakit napakatagal naman ata? Ano ba talaga ang nangyayari?" tanong ni Leon habang nasa labas lamang sila ng operating room na kanina pa naghihintay ng balita.
"Hindi pa bumabalik si Hammer.. Saan kaya nagpunta iyon?" tanong rin ni Martin.
"Martin!"
Agad na napatayo si Martin mula sa pagkakaupo sa waiting area ng makita ang pagdating nila Hera at Jam.
"Anong nangyari kay Sonata? Nasaan ang anak ko?" nag-aalalang tanong ni Hera.
"Hindi rin po namin alam kung nasaan ang senyorito, Miss. At yung anak ko naman ay may sakit sa puso at kailangan na operahan na ngayon." sabi ni Martin.
"Mom."
Napalingon ang lahat kay Hammer ngunit may kakaiba rito.
"Anak, saan ka nagpunta? Bakit hindi pa kayo kumikilos?"
Agad na lumapit si Hera sa anak at hinawakan ito sa kamay.
"May pinuntahan lang Mom." tugon ni Hammer.
BINABASA MO ANG
The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under Editing
General FictionPagiging Doctor ang pinili ni Hammer Jackson Esteban na kanyang propesyon. Isang surgeon at pinakamagaling na batang doctor. Ngunit isa rin siyang walang puso na hindi pinapansin ang damdamin ng ibang pasyenteng tinatanggihan niya kapag nais siyang...