Kabanata 22
Sonata/Lala
Mula sa veranda ay nakatingin lamang ako sa tahimik at magandang bakuran ng bahay namin. Medyo masakit pa ang tahi ko pero kaya ko naman nang makaupo ng maayos. Hanggang ngayon ay nangungulila parin ako sa anak kong nawala. Napatingin ako sa album kung saan ko nilagay ang ultrasound ni baby. Gusto kong maiyak kapag nakikita ito. Hindi ko man lang din kasi nalaman kung ano kaya ang magiging kasarian nya.
Napapahid ako ng luha at muling tumingin sa bakuran. Wala si Kuya dahil may-ari ito ng isang malaking Lala Land homes. Sabi nya ay sa akin nya pinangalan iyon para daw kapag nakita ko raw ito dahil sa pangalan ay baka ma-curious akong puntahan ito at magkita kami. Kaso nga hindi naman bumalik ang alaala ko noon at hindi ko rin alam ang tungkol sa Lala Land.
Si Dad naman ang siyang naiwan rito para bantayan ako. Hindi ko alam ang nangyayari sa buhay ko. Para bang puro nalang sakit ang lahat. Mula nang kunin kami ni Larry ay doon nagsimula ang bangungot ng buhay ko.
"Anak, nakahain na, kakain na."
Nawala ako sa iniisip ko at pinaikot ko ang gulong ng wheel chair para makaharap si Dad.
"Dad, wala bang sinabi sa inyo si Kuya?" tanong ko.
Nakita ko naman na napaisip si Dad. Minsan ay naisip ko kung bakit hindi ko kaagad napansin noong magkita kami ni Dad sa Mafia party ng mga Esteban. We have something in common. Sa expression palang ng mukha ay katulad ng akin. Pati ang mata ay kay Dad. Kaya pala noong magkita kami sa mafia party ay parang nakikita ko ang mata ko sa kanya.
"Wala naman, bakit?" tugon nya.
Hindi na ako umimik pero may nais sana akong itanong kay Kuya. Limang araw na kasi akong nagpapagaling mula sa operasyon. At palagi lang akong nanatili rito sa bahay.. Dinadalaw ako ni Abe at sinabi nga nya na sya ang nag-opera sa akin at hindi si Hammer.
Walang sinasabi si Kuya o hindi nya binabanggit si Hammer gaya nung nakaraang nagpapakita pa si Hammer. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Hammer. Inaamin ko na kasalanan ko kaya nangyari ang lahat nang ito. Naghahanap lang siguro ako ng may masisisi kahit na kasalanan ko naman.
Mas lalong nadagdagan ang bigat ng loob ko dahil matapos ang lahat ay tila balewala na ako kay Hammer. Pakiramdam ko ay hindi lang ang baby ang nawala kundi sya dahil sa kagagawan ko.
Kumakain kami ni Dad pero walang gana at tahimik lamang ako habang nakatingin sa plato.
"Anak, kumain ka ng marami, nangangayayat ka na lalo."
"Wala po akong gana."
"Dahil ba kay Senyorito Hammer?"
Doon ako napaangat ng tingin kay Dad ng banggitin nya si Hammer.. Napahinga sya ng malalim at nagpunas ng bibig. Hinintay ko na magsalita sya.
"Hindi ko pa nakikita si Senyorito, pero ang alam ko ay umalis ito."
Bigla akong natigilan at parang bumigat ang pakiramdam ko.
"P-Po? Umalis sya? Bakit?"
Nahihirapan akong magsalita at huminga habang nagbabadyang mangilid ang luha ko. Bakit sya umalis? Dahil ba sa sinabi ko?
"Hindi ko rin alam, nalaman ko lang sa Kuya mo."
Hindi ako nakapagsalita at napatingin muli ako sa plato ko. Marahang tumayo ako habang nakahawak sa dibdib at tiyan ko.
"Busog na ako, Dad. Akyat na ako sa kwarto ko."
"Anak, ihahatid na kita gamit ang wheel chair. Bawal ka pang masyadong gumalaw."
BINABASA MO ANG
The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under Editing
General FictionPagiging Doctor ang pinili ni Hammer Jackson Esteban na kanyang propesyon. Isang surgeon at pinakamagaling na batang doctor. Ngunit isa rin siyang walang puso na hindi pinapansin ang damdamin ng ibang pasyenteng tinatanggihan niya kapag nais siyang...