Kabanata 29
Sonata/Lara
Hindi parin limot ng isip ko ang nalaman ko noon tungkol sa nakaraan ko. Pero kung iisipin ay siguro may purpose talaga ang pagkawala ng alaala ko. Hindi din magandang alaala ang ginawa ni Hammer. Siguro kung naalala ko iyon ay sira na ang imahe ni Hammer sa akin at baka hindi din kami naging kami ngayon. Pero alam naman niya ang kamalian niya at ayos na iyon.
Lumipas ang araw, at ilang araw nga ring na-comatose si Coleen. Pero mabuti at nagising na siya. Mabait parin sa kanya ang kapalaran. Dumalaw kami ni Hammer pero hindi ito umiimik at tulala lang. Siguro ay epekto pa nang pagkaka-coma niya.
Narito ako sa bahay ni Hammer. At lahat nga nang gamit ko ay nahakot na namin noon pang nakaraan. Kaya madalang na rin akong nakakadalaw sa bahay. Sa opisina ko nalang din minsan nakikita si Kuya. Pero tinatawagan ko naman si Dad para kamustahin.
Tumingin ako kay Hammer na pumasok nang kwarto. Kakauwi niya lang galing hospital. Nagtutupi naman ako ng damit namin na nilabhan ko. Marunong naman akong maglaba maliban lang talaga sa pagluluto.
"Marami bang pasyente?"
Mukha kasi siyang pagod. Naupo siya sa tabi ko at agad na humalik sa labi ko.
"Yeah.."
"Magpalit ka nga muna bago maupo rito. Amoy gamot ka."
Hinarap ko muli ang mga tiklupin. Napansin ko naman ang pag amoy niya sa damit niya.
"Hindi naman.."
Napailing ako, "Basta. Maglinis ka parin ng katawan at baka may dala kang virus. Dali na."
Natawa na lang siya at sinunod ako. Tinignan ko siya na dumeretso na nang banyo kaya napailing ako. Pagkatapos ko sa pagtutupi ay tumayo ako para ilagay sa closet ang ibang damit at ang iba ay nakahanger gaya ng polo at mga formal niyang damit pati na rin ang mga doctor's uniform niya na pinalantsa ko kanina.
Pagkatapos kong mailagay lahat ay nakita ko naman ang sapatos niya na pinaghubaran. Napahinga ako ng malalim at nainis sa pagkaburara niya.
Pinulot ko ito at nilagay sa lalagyan ng sapatos niya na may sariling lalagyan sa walking closet na katabi ay mga sapatos ko.
"Babe! Ikuha mo ako ng isusuot. Salamat! I love you!" hiyaw niya.
Kaya kumuha ako ng t-shirt, short at panloob niya. Dinala ko 'to sa labas at nilapag sa kama namin para makita niya.
Dapat siguro ay kumuha kami ng katuwang na maglilinis ng bahay. Napapagod rin ako dahil bago umalis at pag-uwi galing work ay kailangan ko pang maglinis. Tapos nakakainis pa ang kasama mo na kung saan-saan ilalapag ang gamit.
Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Pagkakuha ko sa pitsel ay kukuha sana ako ng baso nang mapatingin ako sa kitchen bar.
Nilapitan ko ang nakalapag at napangiti naman ako dahil may uwi pala siyang makakain. Marami siyang uwi galing sa restaurant.
Napaidtad naman ako at napatingin kay Hammer ng biglang mangyakap.
"You like it?"
Ngumiti at tumango ako, "Tamang-tama, gutom na ako."
Natawa siya at hinalikan ang pisngi ko habang pinanggigigilan akong yakapin.
"Alam kong gusto mo n'yan kaya nga dinaanan ko talaga iyan bago umuwi."
Binitawan na niya ako at naupo sa high chair kaya kumuha ako ng plato namin at kubyertos.
"Akala ko ay mag iinit na naman ako ng mga niluto mo. Mabuti at naisipan mo mag take-out nalang."
Pinaglagay ko siya ng food sa plate niya at tsaka ako naglagay ng akin. Puro masasarap na ulam ang uwi niya kaya natakam naman ako.
BINABASA MO ANG
The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under Editing
Ficção GeralPagiging Doctor ang pinili ni Hammer Jackson Esteban na kanyang propesyon. Isang surgeon at pinakamagaling na batang doctor. Ngunit isa rin siyang walang puso na hindi pinapansin ang damdamin ng ibang pasyenteng tinatanggihan niya kapag nais siyang...