Kabanata 26
Sonata
Napahaplos ako sa braso ko habang nakatingin sa bintana ng kwarto ni Aliyah habang tinitignan ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kanina pa umuulan at mabuti rin iyon para may dahilan ako para hindi umuwi muna sa amin.
Sa ngayon ay si Aliyah lang ang masasandalan ko. Dahil kung sa bahay ay tiyak na pabor sila Kuya at Dad kay Hammer.
Habang narito sa bahay ni Aliyah ay nakapag isip-isip ako. Ako nalang muna ang lalayo. Siguro kapag natapos na ang anniversary celebration ay magbabakasyon muna ako. Parang toxic na ang mga nangyayari sa paligid ko. Kaya hindi ako makahinga at para akong nai-i-stress.
"Miss Lala.."
Lumingon ako kay Aliyah at may dala siyang tray. Umalis ako sa tapat ng bintana at lumapit sa kama niya. Naupo ako at siya rin ay naupo matapos niyang mailapag sa kama ang tray.
"Aliyah, pasensya ka na talaga.. Alam ko na hindi dapat kita dinadamay sa gulo ng buhay ko."
Umiling siya ng marami at ngumiti. Nabigla naman ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Kahit naman boss kita ay tinuturing kitang kaibigan, Miss Lala.. Kaya kahit ano mang problema mo ay narito lang ako para tulungan ka. Kaya wag ka nang mahiya."
Napangiti naman ako, "Salamat."
Binitawan na niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa dinala niya na mainit pang champorado na may gatas at binudbod na tiyo.
"Kain na, tiyak akong magugustuhan mo iyan dahil specialty ko iyan dito sa bahay." pagmamalaki niya.
Ngumiti naman ako at kinuha ko ang isang mangkok. Dinama ko ang init ng champorado sa kamay ko at natakam naman ako dahil mukha siyang masarap.
"Ah.. Miss Lala.."
Tumingin muli ako sa kaniya habang hinahalo na ang champorado. Para naman siyang hindi mapakali habang pinapaikot sa daliri niya ang dulo ng buhok niya.
"Bakit? May nais ka bang sabihin sa akin?" tanong ko at sumubo na.
Napatango ako dahil masarap nga siya gaya ng inaasahan ko. Sumubo pa ako dahil ngayon lang ulit ako nakatikim nito.
"Miss Lala, matagal na bang tauhan ni Sir Hammer si Theo?"
"Oo, bakit mo natanong?" tumingin ako sa kaniya habang ninanamnam ang champorado sa bibig ko.
Napaiwas siya ng tingin at natulala sa kawalan. Nagtaka naman ako dahil ngayon ko lang nakita ang ganitong reaksyon ni Aliyah.
"Aliyah." tawag ko sa kaniya.
Tila natauhan siya at nakangiti na tumingin sa akin muli.
"Ah, kukuha lang ako ng tiyo pa baka kulang pa iyan."
Agad na tumayo siya at kumaripas ng alis. Napakuno't noo naman ako at napaisip. Pero nakiba't balikat nalang ako dahil baka wala lang iyon.
Nag-ring naman ang phone ko kaya binaba ko muna sa tray ang mangkok. Kinuha ko sa bulsa ng short na pinahiram ni Aliyah ang phone ko. Nakita ko na si Abe ang tumatawag kaya sinagot ko.
"Yes, Abe?"
(Pwede ba tayong magkita ngayon?)
"Huh? Bakit?"
(Tungkol sa nangyari kay Coleen.)
Nakuha naman no'n ang atensyon ko. Napatayo ako at napahigpit ang hawak ko sa phone.
"Anong nangyari kay Coleen?" hindi ko alam kung paano nalaman ni Abe pero hindi kaya siya ang tumingin kay Coleen at sa Esteban Hospital dinala si Coleen.
BINABASA MO ANG
The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under Editing
Ficção GeralPagiging Doctor ang pinili ni Hammer Jackson Esteban na kanyang propesyon. Isang surgeon at pinakamagaling na batang doctor. Ngunit isa rin siyang walang puso na hindi pinapansin ang damdamin ng ibang pasyenteng tinatanggihan niya kapag nais siyang...