Kabanata 24

35.9K 818 56
                                    

Kabanata 24

Sonata

Busy ako sa paper works pero hindi ko parin mapigilan na sumagi sa isip ko ang mga nangyari nung nakaraan. Napailing ako at napangiti dahil kahit ano atang pagtataboy ko kay Hammer ay hindi siya titigil.

Ayaw din talagang pumayag ng isang iyon na pag bentahan ko si Cholo. Kaya ang nangyari ay nag back-out nalang ang tao. Gusto kong sabunutan si Hammer sa pagka-immature niya pero ano pa bang magagawa ko ng sabihin niya na nais niyang gawing pabahay ng mga nangangailangan ang binili niya. Natigilan ako doon at hindi makapaniwala sa layunin niya pero hindi na ako kumontra dahil maganda naman ang hangarin niya.

Well, napansin ko na nagbago din pala ang pananaw niya ngayon. Akala ko ay mas grabe pa siya nung dati pero masasabi ko na may nagbago nga pero may mabuti naman palang pagbabago.

Napatingin ako sa mga bulalak na pinadala rito ni Hammer. Bale twenty-five na bulaklak iyon. Hindi niya kasi ako nasamahan nung mag birthday ako nang wala siya sa bansa. Gusto niya raw makaganti kaya nga mamaya ay inaaya niya akong mag dinner sa bagong penthouse niya.

Napatingin ako sa gawing pinto ng bumukas iyon.. Nakita kong pumasok si Aliyah kaya sa paper works ko ako tumingin.

"Miss Lala, here's your tea."

Tumingin muli ako rito nang ilapag nito sa lamesa ang ni-request kong tea.

"Thanks, Aliyah."

Kinuha ko ang tasa at platitong nilapag niya. Nilapag ko ito sa harap ko.

"Grabe talaga, Miss. Hindi ko akalain na matagal na pala kayong magkasintahan ni Sir Hammer. Kaloka, ang swerte nyo naman, ang gwapo-gwapo na at patay na patay pa sa inyo ang isang Esteban.. Sana ako rin."

Napailing ako habang nakatingin kay Aliyah na nagpapadyak pa habang kilig na kilig.

"Naku, wag mo nang pangarapin at baka sumakit lang ang ulo mo.. May pagkabaliw sila at aayawan mo ang pagkapossessive nila."

"Naku, 'yun nga ang type ko, Miss. Yung tipong ako lang at nais akong ipagdamot sa iba. Ayiiiee! Kilig! Hay, kaso malabo iyon, dahil mga kagaya nyo ang type nila. Huhu.."

Napailing nalang muli ako at humigop ng tsaa. Saan kaya nakukuha ni Aliyah ang ganung idea niya?

"Maganda ka naman, Aliyah. Tiyak akong may darating na para sa'yo."

Humalukipkip siya at tinignan akong mabuti tila ba may natuklasan siya.

"So, hindi ka na galit kay Sir Hammer? Sa tono mo ay patatawarin mo na siya."

Ngumiti ako at binaba ang tasa sa platito at tumingin muli ako sa kanya.

"Hindi ko rin naman siya matitiis dahil mahal ko parin siya kahit na ipagkaila ko. Nagtampo lang talaga ako ng hindi niya man lang ipaalam sa akin ang sitwasyon niya."

"Alam niyo, may ganyan talaga, Miss. Siguro kaya ayaw niyang ipaalam kasi gusto niya na mas mag concentrate kayo at makalimot na sa nangyari. At sinabi mo rin 'di ba na may nasabi kayong masakit sa kaniya at ayaw niyo siyang makita, kaya siguro hindi siya nagparamdam kasi akala niya ganun parin ang gusto mo. Binigyan ka lang niya ng time to move-on at nang pareho na humupa nang kaunti ang lahat ng nangyari ay tsaka siya bumalik sa inyo at nag pursige na makuha muli kayo."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Aliyah. She's right. Naisip ko rin na baka nga ganun ang nasa isip ni Hammer.. Kaya nais kong maayos ang dati at dahil kasalanan ko naman ay ako na ang hihingi ng tawad sa mga nasabi ko sa kaniya noon.

Naka-receive ako ng text from Hammer.. Napangiti ako sa text niya.

Hammer:

Are you done? You want me to fetch you?

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon