Kabanata 8

45K 913 108
                                    

Kabanata 8

Sonata

Ilang araw rin ang minalagi namin sa villa at masasabi ko na naging malinaw sa akin ang lahat. Hindi ko man maintindihan ang nararamdaman ko kay Hammer pero alam ko na masaya pala syang kasama.

Pinagkakatiwalaan ko ang sinabi nya na dapat ay umakto syang hindi alam ang pagkatao ko. At tutulungan nya ako na malaman ang dahilan ni Papa kung bakit nito pinagagawa sa akin ang bagay na maaaring makadulot ng panganib sa buhay ko.

Bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako doon. Lumabas si Hammer na bagong ligo habang nakatapis ng roba.

Kakagising ko lang at suot ko lamang ang puting long sleeve ni Hammer habang nakapanty ako. As usual, kakatapos lang namin sa sex at hindi ko na mabilang kung ilang beses akong inaangkin ni Hammer. Minsan napapaisip ako kung meron kayang epekto sa akin ang ginagawa namin. Basta't magtabi lang kami ay umiiral ang pangangalabit nya.

"Good morning, babe." bati nya at hinalikan ako sa labi bago sya ngumiti.

"Ngayon na tayo babalik, 'di ba?"

Tumango sya at umayos ng tayo bago tumalikod sa akin habang nagpupunas ng buhok.

"Yeah. Bakit, ayaw mo pa ba? Pwede naman.."

Tumayo ako at lumapit sa bag kong dala nya na ang laman ay mga damit ko.

"Kailangan na nga nating makabalik dahil baka makahalata na si Papa."

Nang makuha ko ang pamalit ko ay umayos ako ng tayo. Napaidtad naman ako ng bigla syang yumakap sa akin mula sa likod.

"Parang ayoko pang umalis." bulong nya at inamoy ang leeg ko.

"Umamin ka nga.. Katawan ko lang ba ang habol mo sa akin?" malamig kong tanong.

Agad syang napabitaw ng yakap at hinarap ako.

"No! Bakit mo sinasabi iyan? Oo, inaamin ko na gustong-gusto kitang palaging inangkin pero dahil iyon ang sinasabi ng katawan ko. Pero syempre mahal na mahal kita, Babe."

"Okay. Pagpahingahin mo man lang kasi ako. Halos wala na akong tulog sa araw-araw mula ng dalhin mo ako rito. Tsaka..."

"Tsaka?" pilyong tanong nya..

"Tsaka hindi mo man lang kasi inaalis nyang ano mo.."

Ngumisi sya at hinapit ako sa bewang habang hinahaplos ang bewang ko na pataas-baba.

"Anong ano?"

Umirap ako dahil gusto pa nya na sabihin ko.

"Basta."

Kumawala ako sa kanya kaya natawa sya. Naglakad na ako patungong banyo at pumasok. Ni-lock ko ang pinto at napahinga ako ng malalim. Napatingin ako sa salamin at kita ko mula sa salamin ang pagpula ng mga pisngi ko. Umiling ako at nilapag sa lababo ang mga damit ko.

Sinimulan ko nang maligo at habang nasa ilalim ng tubig ay hindi ko mapigilan na isipin at sariwain ang bawat sakit na dinulot sa akin ni Papa. Ayokong maniwala kay Hammer na pinapahamak ako ni Papa kaya nya binigay sa akin ang misyon na pataying si James Esteban. Pero may parte sa akin ang napapaisip sa sinabi ni Hammer.

Huminga ako ng malalim at pinatay ang shower. Saglit na natulala ako sa kawalan at huminga ako ng malalim bago lumabas ng shower ng matapos akong maligo.

Nagpunas ako ng katawan at sinuot ang damit ko. Lumabas na ako ng banyo at naabutan ko si Hammer na nakabihis na habang hinihintay ako sa kama.

Tumingin sya sa akin kaya lumapit ako sa bag ko.

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon