Kabanata 28
Sonata/Lala
Kahit na naging masama si Coleen ay hindi ko naman hiniling na may mangyaring masama sa kanya at sa pinagbubuntis niya. Kahit na sinasabi ni Hammer na kaya na ni Abe ang isugod si Coleen ay hindi ako nagpapigil dahil nais kong makasiguro na ayos lang sila. Alam kong nabigla lang si Abe dahil nakita ko sa mukha niya ang gulat.
Narito kami sa labas ng emergency room matapos isugod si Coleen. Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong naghihintay ng resulta sa aksidente. Nakakaba at nakakapanghina.
"She's the daughter of Larry."
Napatingin ako kay Hammer na nasa tabi ko habang pinaglalaruan ang kamay ko. Wala namang ibang mag-uusap kundi kami lang dahil ang mga tauhan niya ay naiwan sa pinagdausan para tulungan sila Kuya na ayusin ang mga nagulo at kausapin ang aming mga member na natakot sa nangyaring gulo.
"Ano? Anak siya ni Larry?" nagulat ako dahil hindi ko inaasahan iyon.
Tumango siya, "Yeah. Lahat ng nangyari sa'yo at sa pamilya mo ay plano nila."
Napatigil ako at naisip muli ang lahat ng nangyari sa akin mula bata ako. Kaya pala meron akong naalala na isang batang babae na medyo matanda sa akin noong panahon na inaakala ko ay ama ko si Larry at kasama ko noon si Mama. Si Coleen pala iyon. Pero hindi ko na maalala dahil bigla rin itong nawala.
Kung iisipin pala ay si Coleen na ang nagpahirap sa buhay ko. Pero narito ako ngayon at nag-aalala pa sa taong halos dalhin ako sa kamatayan.
"Kaya nagtataka ako kung bakit nag-aalala ka pa?"
"Hindi naman ako nag-aalala ng lubos sa kanya kundi sa pinagbubuntis niya. Mula nang mawala ang baby natin ay para bang naging mas mapag-alala ako sa mga buntis."
Napahinga siya ng malalim at binitawan ang kamay ko para akbayan ako. Kaya umusog ako at sumandal sa kaniya.
"Wag mo nang isipin pa ang masasakit na bagay. Magkakaanak muli tayo, okay?"
"Para namang bibili ka lang ng anak sa tono mo. Mahirap kaya magbuntis."
Natawa siya, "I know. Tiyak na amazona ka na naman kapag naglihi ka."
Sinapak ko ang tiyan niya na kinatawa pa niya. Inalis ko ang pagkakaakbay niya at umayos ako ng upo.
"Lala.."
Napatingin ako bigla kay Cholo. Hindi ko akalain na narito ito. Tumayo ako at tinignan siya na nakahawak sa tiyan habang tila hindi pa magaling ang pasa niya.
"Cholo, bakit narito ka? 'Di ba nasa ibang hospital ka?"
Napatingin ako kay Hammer na tumayo at humawak sa bewang ko. Napailing ako at tumingin muli kay Cholo.
"Nagpalipat ako at suggest din ng doctor na tumingin sa akin na dito ako magpatingin. Hindi kasi sapat ang gamot nila doon kaya minungkahi nila na dito nga ako sa Esteban Hospital."
Napatingin siya kay Hammer. Tila hindi parin natatapos ang maalab na turingan nila.
"Maayos ka na ba? Pasensya na at hindi na ako nakabalik."
Tumango siya, "Ayos na ako.. Ah, pwede ba kitang makausap."
Tumingin siya kay Hammer kaya tumingin ako kay Hammer.
"Kauusapin ko lang siya. Maupo ka muna d'yan."
Mahinang tinulak ko siya para maupo. Inismiran ako nito kaya napailing ako.
"Wag lalayo, Babe." banta niya.
"Oo." tsk. Napakademanding talaga niya.
"Tila nagkabati at nagkabalikan na kayo."
BINABASA MO ANG
The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under Editing
Ficción GeneralPagiging Doctor ang pinili ni Hammer Jackson Esteban na kanyang propesyon. Isang surgeon at pinakamagaling na batang doctor. Ngunit isa rin siyang walang puso na hindi pinapansin ang damdamin ng ibang pasyenteng tinatanggihan niya kapag nais siyang...