Chapter 1

4.3K 53 0
                                    

"alam kong huli na, pero di ko kayang-****" napatigil sa pagkanta si denise dahil sa lakas ng kalabog na nagmula sa kusina.

Dali daling inilapag ni denise ang dalang gitara at kumuha ng kapirasong kahoy upang gawing armas. Sa tingin nya'y may nakapasok na namang magnanakaw sa kanilang bahay. hindi na rin naman bago sa kaniya ang manakawan dahil halos ilang beses na rin naman silang pinasok. butas na butas na kasi ang pintuan ng kanilang bahay kaya naman hindi na mahirap sa magnanakaw ang makapasok.

" nako naman oh! ano pa bang kukunin nila sa bahay namin eh halos wala na nga kaming gamit dito" maktol nya habang papalapit sa kusina

dahan dahan syang sumilip para makita kung ano yung narinig nyang ingay pero pag silip nya ay wala syang naaninag na tao.

tumingin tingin sya sa paligid pero wala naman syang nakita.

" hays baka pusa lang" sambit sa sarili. bago paman sya lumabas ng kusina ay nagulat sya ng may biglang humila sa kanya mula sa likuran.

" jusko po maawa kayo huhu wala akong pera pambigay sa inyo huhuhu maawa po kayo wag nyopo akong saktan"

wala syang narinig na salita kundi ang pagpigil lamang ng tawa mula sa kanyang likuran. dali dali syang tumalikod upang makita kung sino yung humila sa kanya.

"jona???" si jona yung kaisa isang bestfriend ni denise mula pagka bata pero nung naka graduate na sila ng highschool ay dinala si jona ng kanyang magulang sa cebu kaya naman matagal tagal din silang hindi nagkita.

" besstfrriiiuieeeendd" sabik na nagyakapan ang dalawa

" hahaha grabe ka maka reac kanina bes ah , kala ko ba siga ka? " tawang sambit ni jona sa kaibigan

" jusko naman jona kahit naman siguro ikaw eh matatakot din pag may biglang humila sayo patalikod no."

"hmmm it depends kung gwapo o hindi yung hihila saken" kinurot sya ng mahina ni denise, hayss hindi pa rin talaga nagbabago

" lande mo pa rin"

" mana sayo" sabay tawa

" anong mana sayo? ikaw lang oy hahaha"

nag asaran ang dalawa at maya maya ay nagpahinga muna sila kaka asar sa isat isa.

" bes, bat ka nga pala bumalik? " tanong ni denise habang tinitimplahan ng juice si jona

" ayaw mo bang bumalik ako?" kunwaring nalungkot

" syempre gusto noh . tinatanong lang naman kita eh hindi bat gusto mo dun magtapos sa Cebu? "

" hmmmp. ayaw ko na dun "

nahalata ni denise ang paglukot ng muka ng kaibigan kaya nilapitan nya ito.

" bakit bes? may nangyari ba? "

" bes ang totoo kase nyan palagi akong binu bully dun" nalungkot si denise sa narinig. pareho talaga kase sila ni jona na palaging na bubuly kaya nga sila lang talaga dalawa ang nagkakaintindihan.

niyakap sya ni denise at inalo alo ang likod.

"kaya nga ako bumalik dito para diba? atleast may kasama akong na bu bully? hehehe" agad naman syang pinalo ng mahina ni denise

" oo na pero bes 2nd year college na tayo siguro naman eh sa pasukan wala nang mam bu bully satin dun sa zerkilyn academy" dun nag enroll si denise para walang nakakilala sa kanya. nagbabaka sakali rin kasi syang wala ng mang bu bully sa kanya roon.

" hmm sana nga bes! kelan pala pasukan? naka enroll nako kanina kaso di ko natanong kung kelan hihihi" kamot ulong tanong ni jona sa kaibigan

" haha ogogs sa lunes na noh , teka nakabili ka na ba ng uniform mo?

" tapos na ikaw?"

napayuko na lamang si denise. hindi pa talaga kasi sya nakakabili dahil wala pang sapat na pera at hindi pa sya na su swelduhan ng kanyang part time job kaya talagang kelangan nyang makahanap ng ibang trabaho para makabili ng mga gamit sa skwela.

tumayo si jona at hinila ang kaibigan,.

" uy teka san tayo? " tanong ni denise na parang excited sa paghila sa kanya

" san pa? edi bibili ng uniform mo hihihi"

" pe pero wala pakong pera bes"

" ano ka ba okay lang yan pera ko muna tapos bayaran mo nalang pag meron ka na " nakangiting alok ni jona sa kaibigan agad naman syang niyakap ni denise

" salamat bes huhu"

" sino pa ba magtutulungan eh tayo lang naman dalawa ang magkaibigan" nag yakapan ang dalawa at nakangiting lumabas ng bahay.





END OF CHAPTER

The Badboy's Woman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon